Prologue

40.3K 592 3
                                    

PROLOGUE

"Gous, let's end this relationship. It's not working anymore." Mahirap pero kailangan kong sabihin sa kanya ang salitang yan. Alam ko na sa desisyon kong to, pareho kaming magiging masaya. Siya, makakabalik kay Kunsumi Seion, at ako ... Mababawasan ang sakit ng puso ng dahil sa kanya. Kahit na mahal ko siya, hindi ko din naman siya makukuha. Because he love that girl so much at ako lang yung naging hadlang sa pagmamahalan nila, so I decided to let him go.

"No! D-don't! Matagal na naman nating sinubukang gumanda yung relationship natin bilang mag asawa diba? Kaya sana naman ... don't .... don't give up! And, alam mo naman yung relasyon namin ni Sumi noon diba?" Tss, hindi ko alam kung mapapagbigyan ko siya sa hiling niya. Sobra na kasi .. Sobra sobra nakong nasasaktan sa mga nangyayari ... Oo asawa ko siya, pero sa papel lang .. Oo asawa ko siya, pero sa mata ng tao lang. Ganun naman diba? Kung hindi ka mahal ng taong naging asawa mo, asawa ka lang niya sa PAPEL at kahit kailan hindi mo siya naging pag-aari.

"Yun na nga ee. For almost 3years nating magkasama, parang walang nangyayari .. Parang ako lang yung nagdadala ng relasyon natin. Kaya please Gous, sign the annulment paper na dadating sayo anytime. Wag na nating pahirapan ang isa't isa." at ayun na nga, tumulo na ang mga luha kong kanina pa pinipigilan. Ayoko mang umiyak sa harapan niya pero hindi ko pala kaya. Sobrang sakit ... Sobrang sakit na para bang unti-unti akong pinapatay ng mga salitang sinasabi niya.

"Pero Yoko.. Alam mong sinusubukan kong mahalin ka.. I teach myself to love you ... And nung akala ko nagtagumpay ako, I tried to forget Sumi.. Pero bigla siyang bumalik... At nung nagkita ulit kami, narealize ko na -------"

"Stop it Gous! Stop!" I shout at him at may pagmamadaling lumabas ng kotse niya. Takbo ako ng takbo kahit na hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil siguro sa luha na kanina pa lumabas sa mata ko. Ilang sandali lang, nakaramdam ako ng tila isang matigas na bagay na tumama sa katawan ko at naramdaman ko ding tumilapon ako sa kung saan kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Bago pa ako takasan ng ulirat, nakapagbitiw pa ako ng isang salitang .....

"Mahal na mahal kita Gous, sana sumaya ka sa naging desisyon ko,"

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Where stories live. Discover now