Dedicated to willianne_chee09 .. Thanks sa votes and comments ü na appreciate ko talaga yung effort mo :)
CHAPTER 55
GOUS's POV
Kanina pako bwiset na bwiset sa mga kasama ko ngayon dahil kanina pa nila ako kinakatyawan na parang ako yung nanganak kasi ako yung nawalan ng malay.
Flashback
Nagising ako dahil sa sobrang ingay na nariring ko. Pagdilat ko, isang puting kisame ang bumungad sakin. Eh? Puti? Ang alam ko, peach yung kisame ng kwarto na ginagamit namin ni Yoko sa bahay ng magulang niya.
"Hahahahaha! Daig pa ni Ma'am Yoko si Boss. Hindi kinaya ni Boss ang sobrang nerbyos kaya hinimatay samantalang si Ma'am Yoko kung di pa saksakan ng pampatulog hindi pa matutulog eh." Boses no Teri yun ah? Pero teka? Ako? Hinimatay? Dahil sa sobrang pagtataka, bigla akong naupo sa kamang kinahihigaan ko at nakita ko si Yoko na umimpis na ang tiyan at natutulog. Maya maya nagtinginan silang sakin lahat maliban kay Yoko dahil tulog nga tapos bigla silang nagtawanan.
End Of Flashback
At ito nga, hanggang ngayon eh nagkukumpulan parin sila sa isang couch sa loob padin ng private room ni Yoko. Dahan dahan akong lumapit sa kanila at ...
PAK
PAK
PAK
PAK
"Aray/Ouch/Shit/Fvck!" sabay sabay nilang sabi. Pinagbabatukan ko kasi isa isa kahit yung dalawang babae. "Bat mo ginawa yon?" in chorus na tanong nila. Natawa naman ako dun.
"Wala lang ..."
"HAHAHAHAHAHAHAHA!" nagtawanan naman sila bigla. Imbis na patulan eh nanahimik nalang ako at tinitigang mabuti ang asawa ko. Walanjo, kahit bagong panganak ang ganda niya.. Teka muna, ano kayang pangalan yung pinasulat niya sa birth certificate? Wala pa daw siyang naiisip eh. Nasagot yung tanong ko nang pumasok yung nagpaanak kay Yoko at may bitbit na birth certificate. Inabot niya lang yun sakin sabay nagpaalam nadin na lalabas na siya.
After niyang maisara yung pinto eh sinimulan ko ng basahin yung birth certificate ng anak ko.
Name: Tokosaio, Zaccheus Stephen Blake N.
Gender: Male
Weight: 5.7
Date Of Birth: Sept.6
Mother's Name: Ayako N. Tokosaio
Age: 19
Father's Name: Gous Tokosaio
Age: 19
"Boss, anong pangalan ni baby?" tanong ni Teri.
"Oo nga, share mo naman." segunda naman nung tatlo.
"Zaccheus Stephen Blake." haba puta =___= . Sira talaga ulo ni Yoko, di na inisip na mahihirapan magsulat yung anak namin ng pangalan niya. Lalake pa naman, tamad to tiyak.
"Woah!" sabay sabay na sabi nung apat. "Ang haba pero astig." sabay ulit sila. Takte, ano to praktisadong praktisado?
"Hahaha, ganda no?" sabay sabay kaming napalingon sa hinihigaan ni Yoko. Nakita naming nakatagilid siya ng higa, masakit padin siguro yung * pag aari ko * smirk * niya pala hahaha..
Teka! Nadugas ako ng babaeng to! Wala pa daw siyang naiisip na pangalan pero nakapagbigay ng pangalan nung tinanong ni doktora. Tsk, di na talaga ako nanalo dito, mahal ko kasi eh :p
"Ahahahaha, o ano Tey? Ako ang nasunod sa pangalan ng anak natin.." ngiting ngiting sabi sakin ni Yoko.. "Sana kasi hindi ka hinimatay!" nanlaki yung mata ko nung marinig ko yon. Ibig sabihin, gising padin siya nung oras na yon? Tindi ah, anak talaga ni Hitako to.
YOU ARE READING
I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]
General FictionRead, Laugh and Fall in Love UNEDITED. √Maraming smileys. (Sorry na) √Grammatical Errors. (Yeah, with S) √Maraming dots/periods. Read at your own risk, kahit ako na writer nito naloka dahil sa daming smileys habang binabasa ko yung kabuuan ng story...