Chapter 25

11.7K 236 5
                                    

CHAPTER 25

[ MEIGAN's POV ]

Lahat kami nag aalala habang naghihintay sa labas ng operating room, lahat kami naghihintay na may lumabas na doktor para maitanong namin kung kamusta na si Yoko. Lahat kami hindi makapaniwala sa ginawa ni Yoko... Sa pag aalay niya ng buhay niya para kay Gous.

< Flashback >

Nang madala ko na si Yoko sa kwartong kinalalagyan ni Sek, agad akong lumabas ng kwarto para tumulong sa kanila, hindi pako nakakarami ng hakbang ng may makita na agad akong kalaban kung kaya naman agad ko itong pinaputukan ng baril. Pagkababa ko ng hagdan, nakita kong may nakatutok na baril sa likuran ni Gous, nang akma na niya itong babarilin, biglang nagsigawan ang mga kasamahan naming nakakita sa gagawin ng lalake ngunit huli na ang lahat, nakalabit na nito ang gatilyo kasabay ng pagdaan ng mabilis na anino sa tabi ko. Nang muli kong balikan ng tingin si Gous, I saw Yoko, hugging- no, protecting Gous from the bullet. Ibig sabihin, siya yung aninong dumaan sa tabi ko? Hindi nako nagtataka kung bakit siya mabilis na nakapunta don. Of course, she's the heiress of Black Crow.. Unti unti ng lumalabas ang kanyang pagiging mafia princess.. Lahat ng nakakita ng pangyayari ay lubhang nagulat, lalong lalo na si Gous, na kanina ay maayos na ang ekspresyon ng mukha ngunit ng makitang unti unting bumagsak si Yoko sa sahig, muli nanaman bumalik ang isang nakakatakot na Gous.....

< End Of Flashback >

Mahigit isang oras ng nasa loob ng operating room si Yoko pero kahit isang doktor wala pading lumalabas. Lahat kami ay sobra ng nag aalala lalung lalo na si Gous na kanina pa nagmumura habang hindi mapakali sa upuan. Alam kong may nararamdaman na siya para kay Yoko pero ayaw niyang aminin sa sarili niya dahil I know, Until now.. umaasa padin siyang babalik si Sumi sa buhay niya.

"Doc, how is she?" bahagya akong napalingon sa direksyon ng nagsalita. Si Matt iyon na agad lumapit sa kalalabas pa lamang na doktor. Isa pa tong lalaking to, may gusto din to kay Yoko, balak pang kalabanin si Gous tss, asa naman manalo siya sa boss nila.

"I'm sorry, but she's in comatose stage." Napasinghap kaming lahat dahil sa masamang balita na dala dala ng doktor. Huli na para mapigilan namin si Gous na hawakan ang coat ng doktor sa marahas na paraan. Alam naming lahat na ganyan din ang naging reaksyon niya nung si Sumi ang naaksidente, pero heto't naulit nanaman. Kung hindi pa hinila ni Matt si Gous, baka nasuntok na nito ang doktor, na agad namang umalis matapos mabitawan ni Gous. Maya maya, biglang tumingin sa direksyon namin si Gous---- ang ikalawang Gous, at siguro ng mag sawa sa pag mumukha namin, bigla nalang siyang umalis.

"MATT! Sundan mo si Boss, wala na yon sa katinuan." Pagbasag ni Seryeo sa katahimikan ni Matt. Nagtaka naman ako kung bakit si Matt pa ang kailangang pumigil kay Gous samantalang pwede na namang siya? Ano yan, takot si Seryeo kay Gous?

* Zzzt zzzt zzzt *

Unregistered Number ....

"Hello?"

[How is She?] I stunned, nanayo lahat ng balahibo ko dahil sa boses na narinig ko. Hindi ako maaaring magkamali.. He's back, the demon is back...

[ GOUS POV ]

I drive so fast like theres no tomorrow. I don't know what happen to me, pero natagpuan ko nalang ang sariling nasa loob ng sasakyan ko, nakaupo sa driver's seat at nagmamaneho ng napakatulin kahit pa wala akong tiyak na lugar na pupuntahan. Nagulat pa ako nang makita ko ang sign na may nakalagay "Welcome to Cavite" ... Seriously? Ganito na ako katagal at kabilis nagmamaneho? Too think na nasa Subic Hospital kami? Nasa malalim akong pag iisip ng magvibrate ang cp ko. Itinabi ko muna ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada.

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Where stories live. Discover now