Chapter 45

9.1K 131 3
                                    

CHAPTER 45

YOKO's POV

Haaaaay, buti nalang at Sabado bukas. Inabot nako ng alas diyes sa pinuntahan namin ni Meigan samantalang wala namang ka kwenta kwenta, hindi ko din tuloy nakasabay umuwi ang fiancé ko. Ihhhh, ang landi ko.

* Flashback *

"Yoko, lika na, hatid na kita sa inyo." aya sakin ni Gous pagkalabas namin ni Meigan ng room. Naguguluhan nga ako kay Gous ee, pwede naman niya akong puntahan nalang sa upuan ko pero mas pinipili niya pang lumabas muna tsaka ako antayin sa may pinto. Nung tumabi nako sa kanya, hinalikan niya ako sa lips bago hinawakan yung kamay ko tapos hihilahin nya na sana ako nung nagprotesta ako.

"Hindi muna ako makakasabay sayo. Nagpapasama sakin si Meigan eh. Mauna kana ha, ingat sa pagdadrive, i love you." sabi ko sa kanya tapos ako na yung tumingkayad para halikan yung oh so soft lips niya. Kyaaa, ang landi ko ata  masyado ngayon.

"Ah sige, ingat din kayo. I love you too." Tas kiniss niya din ako. Anu ba yan, nakakaadik yung halik niya, promise. Gusto nyo? HANAP KAYO NG INYO :P

"Hoy, ang lalandi niyo. Tara na nga Yoko, Gous, tama na pang bababae ha! Ikakasal na eh." Sinamaan ko tuloy ng tingin si Meigan, nag peace sign nalang sya sakin.

Tapos ayun nga, sabay sabay na kaming pumunta sa parking lot. Ilang minutes lang yung lumipas eh nakarating na kami ni Meigan sa isang coffee shop. Tinanong ko siya kung anong gagawin namin dito ang tanging sagot lang niya eh 'basta' kaya inilabas ko nalang yung cellphone ko then naglaro ng minecraft. Nakakaadik kasi eh, may condo nakong nagawa sa mode na creative Ü. Nung nagsawa nako, inexit ko na yung minecraft tapos tumingin ako kay Meigan. Hindi ba siya naiinip eh mukhang hindi naman dadating yung----

"Luci." napatingin ako sa nagsalita. Nanlake yung mata ko nung makita ko si Hayate? Hayato? Ah basta kasama yung tatay niyang hindi manlang marunong magsorry. "We've met again, Ms.Saio." medyo kinilabutan ako nung tumingin siya sakin.

"Uh huh." anak ng teteng! Sa pagkakaalam ko napaka daldal ko pero bakit ngayon parang natameme ako?

"Bo-- Mr.Nasaio. Please take a sit." tinitigan kong maigi si Meigan, bakit ang seryoso ng mukha niya chaka ang pormal niya? "Why?"

"Wala, wala." napatitig pala ako sa kanya. Haist, mukhang mauulit nanaman yung nangyari noong nakaraan, magmumukha nanaman akong tanga kasi hindi naman ako makarelate sa pinag uusapan nilang tatlo. After wantawnsan syete mil, sa wakas at nagpaalam narin yung mag ama at sa wakas din eh niyaya na ako ni Meigan ni umuwi na.

* End Of Flashback *

"Ms, nag iisa ka ah?" nabalik lang ako sa reyalidad nung may narinig akong nagsalita. Pagkatingin ko, isang mukhang kulugo yung nasa harap ko.

"Wow pare, ang puti, ang kinis at ang ganda. Tiba tiba tayo dito." napatingin akong bigla sa sunod na nagsalita, bigla akong kinilabutan nung makita ko yung pagmumukha niya, mukha siyang nakadrugs at mukha din siyang lasing. I mean, lahat pala sila.

"A-anong kailangan niyo sakin?" takte, nanginginig nako. Luminga linga ako sa paligid pero wala akong makitang ibang tao. Shit! Dito na yata matatapos ang pagkadalaga ko. TT___TT

THIRD PERSON's POV

Habang tumatagal, padami ng padami yung mga lalaking humarang kay Yoko. Kung kanina 3 lang sila, ngayon naman mahigit walo na sila. Halos buong katawan ni Yoko eh nanginginig na dahil sa takot pero wala syang lakas ng loob para tumakbo dahil sa tingin niya may mga dala itong baril. Maya maya lang may bigla lalaking humawak sa balikat niya at dahan dahang hinaplos yon. Dahil siguro sa gulat, nahampas niya sa batok yung lalake na naging sanhi para mawalan ito ng malay. Halata namang nagulat yung ibang mga kasama nito kaya isa isa na silang sumugod. Nataranta naman si Yoko kaya agad niyang dinampot yung baril nung napatulog niya at itinutok iyon sa mga lalaking nagtatangkang mang rape sa kanya.

"Stay away from me, or else I'll kill all of you!" pagbabanta niya sa mga mukhang kulugong lalake. Nagtawanan lang yung mga lalake na ikinainis ni Yoko kaya naman ....

BANG

BANG

BANG

BANG

BANG

BANG

She pull the trigger 6times habang naka pikit ang mga mata. Pagmulat niya, tatlong lalake nalang ang nakatayo. Nagulat ang mga natirang lalake maging si Yoko dahil sa nangyari.

"Ano, lalaban pa kayo?!" matapang na hamon niya sa tatlong lalakeng natira. Walang salitang nagtatakbo paalis yung tatlong lalake. Nang mawala na ito sa paningin ni Yoko, napangiti na lamang siya ng mapakla.

"Yoko, don't you dare to think that you're a killer. You just killed them for purpose." Sabi ng isang taong nakakita sa lahat ng nangyari. Nilingon naman ito ni Yoko.

"What are you doing here? N-nagbalik ka?" at dahan dahang bumagsak ang katawan ni Yoko. Kung hindi lamang ito nasalo ng taong nakakita ng lahat, malamang ay sa semento pupulutin si Yoko.

"Yes. Bumalik ako para sayo, para makabawi sa kasalanan ko at para narin maparamdam kong mahal pa din kita hanggang ngayon."

VEITTON's POV

"Attention... Nakareceive ako ng good news, pumayag na siya para maging miyembro ng clan natin. Mapapakinabangan natin siya ng sobra dahil konektado siya kina Tokosaio, Yaki, Chou, Seo at sa aking nag iisang anak na babae, kay Yoko Saio. Hintayin niyo na lang ang susunod na meeting to discuss the plans para makuha ang alas natin. Ilang araw nalang at mabubuwag na natin ang Tokosaio Clan. Nagawa nating pabagsakin ang Black Crow, kaya magagawa nating pabagsakin ang Tokosaio Clan."

**

Short Update Ü

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Where stories live. Discover now