Chapter 52

11K 146 22
                                    

CHAPTER 52

GOUS's POV

"Where's the bride? She's 20 minutes late .. Kung hindi na siya dadating, let's pack up!" narinig ko yung wedding organizer na inip na inip na. Minabuti kong lumapit sa kanya dahil naiinis ako, binabayaran namin siya tapos magrereklamo siya?

"You don't care. Tsaka pwede ba? Binayaran ka namin ng ayon sa gusto mo kaya sana naman, matutunan mo yung salitang MAGHINTAY." cold na sita ko dun sa wedding organizer. Natameme naman sya, siguro narealize niya na may point ako. Tss =____=

"Sorry S---" di ko na hinayaang matapos yung sasabihin niya dahil kinakabahan na ako at baka hindi ako siputin ng babaeng yon.

"Boss.."

"O?"

"Wag kang mag alala, dadating yon si Yoko. Tinaniman mo ba naman ng binhi eh." nabatukan ko tuloy ng wala sa oras si Teri. Ganito na nga yung sitwasyon tas may gana pa siyang magbiro..

"Okay! Be ready, the bride is here!" wooooh! Sa wakas at dumating nadin tong babaeng to.. Pinakaba muna ako bago dumating..

Nang nagsimula ng tumugtog ang wedding march, nagsimula nading maglakad ang mga flower girl together with their partners, sumunod naman sa kanila yung mga abay's and ang pinaka huli ..

Ang babaeng nag iisa sa puso ko ..

Ang babaeng naging dahilan ng pagbalik ng dating ako ..

Ang babaeng naging dahilan para malimutan ko ang sakit na idinulot ng nakaraan kong pag ibig.

At

Ang nag iisang babaeng nais kong maging ina ng mga anak ko, ang gusto kong makasama sa hirap at ginhawa, ang nais kong makasama hanggang sa huli kong hininga..

Hindi ko maiwasang humanga sa pigurang naglalakad papalapit sa lugar kung saan ako nakatayo, kulang ang salitang napakaganda niya lalo na't dala niya sa kanyang sinapupunan ang aming panganay na anak na lalake..

Oo, nagbunga ang isang umagang nagsanib ang aming mga katawan at hindi namin iyon pinagsisihan dahil alam naming dalawa na iyon ang magpapatibay saaming relasyon.

Ni hindi nakabawas sa ganda niya ang malaking umbok sa tiyan niya .. Ang umbok na magiging sanggol pagdating ng ikalawang buwan .. Ang magiging simbolo ng isang at masaya naming pamilya..

"Please take care of our daughter.." napangiti ako ng marinig ko si Tita Serenaia na mangiyak ngiyak habang iniaabot sa akin ang kamay ng kanilang bunso. Nang tignan ko si Hitako-- err Tito Hitako, dahan dahan itong nagpupunas ng luha. Sinong mag aakalang ang isa sa malalakas na Mafia Boss sa bansa ay iiyak sa araw ng kasal ng kanyang anak?

"I will. Besides, kahit hindi niyo sabihin saakin talagang aalagaan ko ang mag ina ko." at kinuha ko na ang kamay ni Yoko na ngayon eh mangiyak ngiyak narin at marahan kaming lumapit sa altar. Nang makarating kami sa altar, isang malapad na ngiti ang iginawad saamin ng pari..

"Akin nang sisimulan ang sakramento ng kasal." at nagsimula ng magsermon ang pari. Kung dati, naiinip ako sa misa ng pari, ngayon nama'y kulang pa sa akin ang ilang minutong pagmimisa dahil katabi ko naman ngayon ang babaeng pinakamamahal ko at ang magiging anak ko. At isa pa, tagalog ang misa ng pari ayon narin sa request ni Dad. Believe it or not, bobo siya sa english.

"Gous Tokosaio, tinatanggap mo ba si Ayako Nasaio na maging kabiyak mo sa habang buhay, na maging ina ng iyong mga anak, makasama sa hirap at ginhawa at tanging kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa inyong dalawa?"

"Opo, father." nakangiti kong sagot sa pari.

"Ikaw  Ayako Nasaio, tinatanggap mo ba si Gous Tokosaio na maging kabiyak mo sa habang buhay, na maging ama ng iyong mga anak, makasama sa hirap at ginhawa at tanging kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa inyo?"

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Where stories live. Discover now