Chaper 8

15.1K 264 14
                                    

CHAPTER 8

[ YOKO's POV ]

Haaaaaaaays .... Monday na! Umpisa na ng pagiging slave ko. Tsk Antanga mo naman kasi Yoko! Sana sinuntok mo nalang sa mukha kesa sipain down there, ayan ... Slave ka tuloy niya ngayon.

Imbis na magmukmok, nagdecide ako na maligo nalang ang kaso, iika ika ako maglakad. Ang tanga ko kasi, bababa nalang ng hagdan epic pa! Ayan, sprain ang resulta. After one thousand syete mil hours, nakabihis nako ng school uniform and ready nadin akong bumaba. Nalungkot ako pagbaba ko, wala na nga pala akong kasama dito. Nasa New York na pala sina Mom and Dad.

"Ma'am, nakahain na ho yung umagahan. Kain na ho kayo." salubong sakin ni Yaya habang inaalalayan akong bumaba ng hagdan. Huhuhuhu, pilay ang peg :(

KAIN

KAIN

KAIN

KAIN

BUUUUUUUUUURP ~ Hehe, excuse me! Nabusog ako ee, bakit ba!? Look, one whole rice + bacon + sunny side up egg + hotdog + mango juice = RATED PG ! odiba? Kain kung kain! Hahaha, pero hindi ako nataba ü .. After kong kumain, dumiretso nakong garage para sumakay sa pink kong honda civic  at pinaharurot yon. Pagdating kong parking lot ng university, nakapag park agad ako. Ang swerte ko no? Kaso tsk, habang naglalakad ako ng paika ika, may humarang namang 5 babae sa dadaanan ko. Since ayaw ko ng gulo, nilagpasan ko nalang sila pero tinisod nila ako ee dahil nga may bali yung paa ko, na out of balance ako.

"Ano bang problema niyo!?" tanong ko sa kanila habang pinipilit tumayo. Argg! Ang sakit padin!

"What's our problem? YOU! Ikaw ang problema namin! Ang flirt flirt mo! Nilalandi mo ang Famous Four!" sigaw sakin nung babaeng short hair na kulay red yung buhok.

"For your information, WA.LA A.KONG PA.KI.A.LAM SA FAMOUS FOUR!" ganting sigaw ko sa kanila. Grabe naman! Ni hindi ko nga kilala yang Famous Four na yan. Laking gulat ko nung bigla nalang may humila sa buhok ko.

"L-let go of me! You Bitch!" puta! ang sakit sa anit ! Pasalamat sila at may pilay ako!

"Bitch! Bagay lang sayo yan! Malan— ARGG! Bi....bitawan mo yung buhok ko!" bigla akong nagulat nung lumuwag yung pagkakahawak nung babaeng mahaba ang buhok sa buhok ko tapos naramdaman ko nalang na may tumulong sakin para tumayo. Paglingon ko, nakita ko si Meigan na nag aalalang nakatingin sakin.

"Yoko! Bakit hindi ka lumaban!? Acually, kayang kaya mo naman yan eh!" inis na sita sakin ni Meigan. Grabe siya, sakin pa nainis eh ako na nga yung nasaktan.

"Aaackk! R-run Yoko, r-run!" nagulat ako nung biglang sumigaw si Sek. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig at hawak hawak yumg sikmura. Kaya imbis na tumakbo, nagawa kong itulak yung dalawang babaeng pinagtutulungan si Sek tapos pinag untog ko sila, ayun namumula pareho ang noo. Pero hindi ko inaasahan yung gagawin nung mukhang leader nila, nagulat nalang ako nung maglabas siya ng bread knife tapos winasiwas sa mukha ko, at sa kadahilanang hindi ako sanay makipag away, nahiwa ako sa mukha.

Dahil don, nawalan ako ng focus sa paligid ko dahil sa nakita kong dugong pumatak sa blouse ko. Ginawa naman yong advantage ng babaeng sumugat sakin, she pushed me against the wall. Dahil sa lakas ng impact, di ko nagawang balansehin ang sarili ko at agad akong natumba sa semento. Maya maya, naramdaman ko nalang na may tumamang kung anong matigas na bagay sa paa kong may bali.

"AAAAAAAAAH! STOP PLEASE! STOP!" sumigaw nako ng sobrang lakas kasi masakit talaga. Ayoko mang mka istorbo ng klase pero wala nakong nagawa kasi sobrang sakit na talaga. Pero hindi siya tumigil.

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang