Chapter 24

10.3K 188 1
                                    

At dahil di ko kayo matiis, ito napo yung update! ENJOY READING !

CHAPTER 24

[ AUTHOR's POV ]

Patindi ng patindi ang sitwasyon sa loob ng rest house. Sa labas, nakapalibot ang mga sasakyan ng kalaban samantalang sa di kalayuan naman ay mga nag aabang na tauhan ng mga Tokosaio, nag aabang ng mga magiging aksyon kung saka sakali.

Patuloy padin ang hanapan at taguan ang grupo nina Gous at ng grupo ni Kiel. Kiel Armzon— ang kanang kamay ng leader ng Greniesse na hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala kung sino.

"Tokosaio! Lumabas kana jan sa pinag tataguan mo!" sigaw ni Kiel na halatang iritang irita na sa pagtataguang ginagawa nila.

"Hindi ako nagtatago Armzon! Talagang gago ka lang kaya hindi mo ako makita!" mapang asar naman na sigaw ni Gous kay Kiel

Ilang saglit pa'y nagkapalitan na ng mga putok sa labas ng rest house..Maya maya, bigla nalang sumigaw si Hitch...

"LET'S GET IT ON!" hudyat na magsisimula na yung laban sa pagitan ng dalawang clan.

Wala ng inaksayang oras si Gous, madali siyang lumabas sa kinatatayuan niya at walang habas na pinagbabaril ang mga kalabang nakikita niya. Bumalik nanaman siya, bumalik nanaman ang No Mercy side niya. Halos lahat ng kalaban na babaril sana kay Gous ay naiiwasan niya lamang at napapatay niya lahat. Maya maya pa'y may naglakas loob na sumugod sa kanya— 5 lalaking may naglalakihang katawan.

Pero baliwala lang iyon sa kanya, sa unang lalake, hinila niya ito patalikod at ibinasibas sa malayo ngunit hindi pa siya nakakarecover ng bigla namn siyang suntukin ng lalakeng pangalawa kaya nman pumutok ang labi niya pero parang wala siyang pakialam dahil agad niyang hinila yung may kahabaang buhok ng pangalawang lalake at inikot ang ulo nito *krrrk* patunay na patay na ang lalake.

Agad namang sumugod ang ikaapat at ikalimang lalake, sabay nilang sinusugod at pinagsusuntok si Gous. Nakakatama man sila pero hindi yon iniinda ni Gous, hanggang sa mag sawa siyang paglaruan ang dalawang lalake at sabay na inihampas ng ulo sa pader ng ubod ng lakas dahilan upang mag crack ang bungo ng dalawang lalake.

Maya maya pa, nakarinig siya ng putok ng baril mula sa likod niya at hinintay na bumulagta siya sa sahig na hindi naman nangyari.. Hindi.to.maaari ........

____________________

Nakangising nakikipag suntukan si Seryeo sa mga tauhan ng Greniesse. Para bang iniisip niya na wala namang kakwenta kwentang kalaban ang mga ito dahil kapag susuntok ang mga ito ee parang tumatama lamang sa hangin, hanggang sa ..

BOOOOOGSH!

Sobrang nainis si Seryeo dahil tinamaan ng kalaban niya yung mukha niya. Pinaka ayaw niya kasi sa lahat eh yung may walang hiyang makakatama sa mukha niya dahil tiyak na maghahalo ang balat sa tinalupan.

Dahil sa sobrang inis, hinawakan ni Seryeo yung kanang kamay ng lalaki tapos inikot yon dahilan upang mabali at agad niyang kinuha yung baril niya na nakaipit sa belt niya at ipinutok sa ulo ng lalaking sumuntok sa mukha niya.

"Ayan ang napapala ng taong nagtangkang sumira sa gwapo kong mukha. Tsk, baka lalong maturn off saken si Meigan Babes" He smirked after niyang sabihin yan sa lalaking wala ng buhay.

At dahil sa nangyari, napaatras yung kasamahan nung lalaking nasampulan ni Seryeo. Bigla tuloy siyang nakaisip ng kalokohan, pagtitripan niya nalang muna ang mga ito hanggang sa sumuko at hilingin na patayin na lamang sila.

Nang matapos niyang paglaruan ang mga iyon, itinali niya ng baliktad at hinayaang mapuno ng dugo ang kanilang mga ulo. Habang nakangising nakatingin si Seryeo sa mga lalakeng nakabitin, bigla namang may matangkad na lalaking tumadyak sa likuran niya dahilan para mapatalsik siya sa pader. Bahagya siyang napaigik dahil sa sakit. Susugod pa sana yung matangkad na lalaki pero inunahan na siya ni Seryeo na agad itong pinaputukan ng baril sa noo. Saktong sakto sa gitna tumama ang bala.

Nang makita ang nangyari sa kasama nila, nagtakbuhan ang mga natitirang kasama nung lalake pero hindi iyon pinaligtas ni Seryeo, kinuha niya yung pistol niya na nakaipit sa belt niya at pinaikot muna yung trigger sa daliri niya bago isinentro yung dulo ng baril sa direksyon ng 4 na lalaking nagtakbuhan.

BANG!

BANG!

BANG!

BANG!

Sa isang iglap, bulagta yung apat na nagtakbuhan at napapangising mukha ni Seryeo ang makikita.

Habang nagpapakahirap ang iba para maubos yung mga kalaban, sina Matt, Teri at Hitch ... naman eh ayon, nakatunganga at nanunuod ng nag aaway. Sina Meigan, at Sek naman ay tulalang nakatingin sa sahig ... sa sahig kung saan siya nakahiga habang kandong kandong ni Gous ang kanyang ulo. Nagulat silang lahat sumigaw si Gous.

"CALL AN AMBULANCE! FVCK!" pasigaw ni Gous na halatang nauubusan na ng pasensya. Bahagya naman napangisi sina Hitch, Teri at Seryeo dahil sa nakitang pag uugali ni Gous ngayon samantalang si Matt naman ay gustong lapitan ang tao sa sahig.. Gustong lapitan ang nag aagaw buhay na si YOKO sa sahig.

[ YOKO's POV ]

Hindi ko alam kung bakit ako biglang hinila ni Meigan at dinala sa isang kwarto kung saan nandoon din si Sek. Gusto ko mang magtanong dahil sa mga naririnig kong putukan hindi ko magawa dahil natatakot ako sa itsura nila, ang seseryoso sinasabi ko sa inyo. Nang sa tingin ni Meigan eh ayos nako, ibinilin niya nalang ako kay Sek at lumabas na ng kwarto. Susundan ko sana siya pero hinawakan ako ni Sek pero dahil may background ako ng konti sa self denfense, binigyan ko siua ng isang chop sa batok para makatulog.

"Sorry Sek. Pero kailangan ko na nang maliwanagan." pagtapos kong sabihin yan nag dirediretso nako palabas ng kwarto hanggang sa makarinig ako ng sigawan.

"BOSS!"

"Boss.... Boss... Si Gous!"

Nanh mapagtanto kong si Gous yung tinatawag nilang Boss, agad akong lumingon sa paligid at nakita kong may nakatutok na baril kay Gous. Nang akma ng kakalabitin nung lalake yung trigger, agad akong tumakbo sa direksyon ni Gous at lihim na nagpasalamat dahil mukhang nailigtas ko siya and everything went black.

(Lame Update :| Di nako gagawa ng action, promise (""(^____^) )

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Where stories live. Discover now