Chapter 2

22.4K 363 10
                                    

CHAPTER 2

[GOUS' POV]

Fvck that girl! How dare her! Hindi ako makapaniwala na isang.... isang ordinaryong studyante ng Tokosaio University ee nakaya akong saktan!? Too think na halos sambahin ako ng mga babae dito! Ugh! My.... my treasure is still hurting!

"Gous, are you alright?" marahas akong napatingin kay Teri.

"Gusto mong subukan ko sa'yo!?" asar na tanong ko sa kanya. Walang hiyang yon, alam niyang napaka sakit kapag tinamaan yung thing down there tapos itatanong niya pa!?

"Kalma Gous! I'm just asking, okay?" sagot naman ulit sakin ni Teri habang nakataas yung dalawang kamay. Imbis na patulan pa yung kalokohan niya, dahan dahan akong tumayo pero fvck! Masakit padin talaga!

"Nabasag ba brad!?" Dagdag na asar sakin ni Seryeo.

"Gago! Tara na nga, tignan natin kung nakuha na yung mga bangkay sa dumpsite." yaya ko sa kanila at nauna ng maglakad. Tatawa tawa yung tatlo habang nauuna akong maglakad. Pano ba naman, paika ika ako di ko nalang sila pinansin at nagtuloy tuloy sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa restricted area ng school na walang ibang pwedeng pumunta kundi kaming apat lang.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAA!" sigaw nang isang babae na galing sa loob ng - Fvck! Galing dun sa dumpsite!

"Gous! May nakapasok sa dumpsite!" simpleng sagot ni Matt. Tangena, hindi ba to kinakabahan? Tss, kahit alam ng ama ko na may ganito dito, hindi ko naman hinahayaang makita to ng ibang studyante, at para hindi masira yung repustasyon ng school na inalagaan ni mom ng mahabang panahon. Dali dali akong tumakbo para marating agad yung dumpsite.

"Hey miss! Paano ka nakarating dito?!" pasigaw na tanong ko sa kanya, at dahan dahan naman siyang lumingon.

"IKAW!? ANong ginagawa mo dito?" pasigaw parin na tanong ko sa kanya, hindi dahil sa inis kundi dahil sa gulat. Nakita ko nanaman yung babaeng muntikan ng sumira sa precious treasure ko.

"Hindi ko alam! *sniff basta naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa mapunta ako dito." Shit! Bakit naiyak to? Ugh! Hindi ako pwedeng maawa sa kanya. She's my enemy!

"UMALIS KA NA!" and again, sinigawan ko nanaman siya. Sa ganitong paraan kasi matatago ko yung urge na yakapin siya at patigilin sa pag iyak.

"Hey Gous! Don't Shout at her!" Nagulantang ako sa sigaw ni Matt. Of all people, si Matt ang kahuli hulihang taong maririnig kong sumigaw. Pero mali ako, dahil sinigawan niya na ako ngayon.

"Tsk!" Nasabi ko nalang.

"Anyway, I'm Matt Chou. Matt nalang." Pagpapakilala ni Matt kay Demon Girl.

"I'm Teri Yaki. Teri nalang!" tas sumunod naman si Teri. Anong nangyayari sa mga to?

"I'm Seryeo Seo. Seryeo nalang." Mas lalo akong nagulat nung nagpakilala si Seryeo. Wala kasi sa karakter niya yung basta nalang magpakilala sa tao, mostly sa babae.

"Hey! What's your name?" Di nako nakatiis, kaya naman lumapit nako sa kanya at tinanong yung pangalan niya.

"Y-yoko." Ang arte ha!? Ako na mukhang Greek God pagdadamutan niya ng pangalan?

"Fvck! What's your name?!" Ayan, namura tuloy kita. Kulit mo kase ee.

"Yoko nga!" Tangena! Ayaw talagang sabihin yung pangalan! Tss, kala mo ang ganda niya!

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora