Chapter 14

11.8K 229 4
                                    

Dedicated to iamlovely24 :) Thanks sa pag vovote ^____^

CHAPTER 14

[ GOUS POV ]

Tang ina, naguguilty ako na natatawang ewan nung nakita ko yung itchura ni Yoko after makain yung chocolate na may peanut.

Aba, ano bang malay ko na allergy siya don? Ee gwapo't matalino lang ako pero hindi ako manghuhula.

Alam ko naman kung saan ang takbo ng babaeng yon, sa clinic. Kaya nagpalipas muna ako ng isang oras bago sumunod doon kaso takte, pagdating ko don nandoon si Matt at tinititigan ang tulog na si Yoko.

Fvck! Ano bang pakialam ko sa kanila? Pakialam ko ba kung nagkakamabutihan na sila.

At ewan ko din ba sa sarili ko kung bakit ako sumingit sa usapan nung dalawa. Parang may sariling isip yung bibig ko at bigla nalang bumukas at nagsalita.

Aish! Sobrang namimiss ko lang si Sumi kaya ako nagkakaganito.. Haaaaay, kamusta na kaya siya? Gising na kaya siya? Hmmm...

"Hoy MASTER Gous! Kanina pa tayo paikot ikot dito sa mall pero wala ka pa namang nabibiling regalo para sa kapatid mo."

Aish, ito pa pala isa. Niyaya ko siyang mag mall at nag imbento pang may bibilhing regalo para kay Mei na hindi ko naman alam kung anong meron o kung may okasyon man.

"Just shut up and just con-ARAY! Ikaw Yoko ha!"

Ang Demon Girl na yon! Nakakailang batok na siya sakin sa isang araw ha! Tsss. Gagantihan ko na sana siya nung biglang tumakbo.

Ako naman si Tanga, hinabol ko ang babaeng yon at sinakyan ang trip niya hanggang sa makarating kami sa ....

WHAT THE? Tom's World? Seriously? Anong gagawin ko dito?

"Hey Slave, anong gagawin natin dito?"

"Ang bopols mo master, edi maglalaro! Tanga nento"

Ayos uh? Ako bopols? Ang talino ko kaya... Nasagot ko nga yung tanong ni author nung nakaraan ^____^

"Tsk."

Ah sh!t! Parang bigla akong nakuryente nung hinawakan niya yung kamay ko tas hinila ako papuntang bilihan ng token.. Seriously? Anong gagawin namin sa mga token na'to?

Tas ayun nanaman yung kuryenteng naramdaman mo kanina.

Hinawakan nanaman kasi yung kamay ko tapos hinila ako dun sa machine na may stuffed toys.

"Master, kuha mo naman ako ng teddy bear oh. Hindi kasi ako makakuha kuha jan." nakapout na pakiusap niya saken.

"Fine." Since wala nakong nagawa, pumayag nalang ako.

First trial, tang ina! Ang daya naman nito! Hawak na nung claw tapos biglang nabitawan!

"Ugh! Madaya naman to Yoko." reklamo ko.

"Hindi yan! Kaya mo yan!" Nag cheer pa ha?

Second trial, same as first trial. Hawak na nung claw tapos biglang nalaglag nanaman!

Third Trial, fvck*ng sh*t! Ganun padin, same as first and second trial.

Nakarinig ako ng nagpipigil ng tawa kaya napalingon ako. Pagtingin ko, ang maamong mukha ni Yoko yung nakita ko habang nakatingin padin sa machine.

She's simple. Natutuwa siya kahit sa simpleng bagay lang. I thought as a only child, she's a spoiled brat pero nagkamali ako..

Kasi tulad ngayon, kung kasama ko si Sumi, wala kami dito sa tom's world.. Baka nasa department store kami or sa mga botique dito sa loob ng mall.

Well, Sumi is a mall rat. Isang katangian na inaayawan ko sa babae.. Pero dahil nga mahal ko siya, I tried to accept her disabilities.

"Ahmm Master? May problema ba?" medyo nagulat ako nung pumitik si Yoko sa mukha ko. Tae, natulala na pala ako.

"Ah wala, tara tuloy na natin to." pag iiba ko ng usapan tapos humarap na ulit ako sa machine.

Fourth trial, yesss! Nakuha ko si Doraemon at iniabot ko kay Yoko. Tuwang tuwang kinuha niya yon tapos niyakap. Nagulat ako nung sumunod na nangyari.

She gave me a back hugged. Ito nanaman yung mga kuryenteng kanina pa nadaloy sa katawan ko.

"Thank you Gous- err Master. I thought puro ka lang kayabangan.." bulong niya habang nakayakap padin saakin. Akala niya siguro hindi ko narinig. Pero hinayaan ko nalang. After 10 seconds bumitiw nadin siya.

Ako naman, ibinalik ko yung tingin ko dun sa machine tas nagsimula ulit kumuha ng stuffed toy.. At kung sinuswerte ka nga naman nakakuha ako ulit! Tuwang tuwa nanaman si Yoko.

Halos lahat ng ganung machine sinubukan namin at lahat din ee nakakuha kami. Bali walong machine yon ee.

2 doraemon

2 pikachu

2 oggy

2 my melody (pink) & (black)

Tag iisa daw kami... Kung alam niya lang na hindi ako mahilig dito pero nakakapang hinayang naman kung ibibigay ko lang kay Mei. Tsk

"Master, tara na.. Nakaisip nako ng ipangreregalo sa kapatid mo." yaya nya sakin tapos nagsimulang maglakad palabas ng arcade.

"Wag na. Chaka nalang. Kumain na muna tayo tapos chaka kita ihahatid sa inyo. Tutal nag ditch narin naman tayo sa klase eh."

Bigla naman siyang napahinto tapos humarap sakin. Sabagay, sino bang hindi maiinis sa sinabi ko?

Na wag na munang ibili ng regalo si Mei. Pssh, wrong choice of reason Gous.

Pero imbis na batukan ako paglapit niya, hinawakan niya yung kamay ko tapos hinila ako papuntang KFC..

"Come on master! My treat because you make my day happy." kaya wala na akong nagawa kundi ang magpahila.

Napangiti naman ako sa isiping napasaya ko yung buong araw niya. Napasaya ng isang mafia boss ang araw ng isang simpleng babae.

Sorry Sumi, pero I think... I think I'm starting to like her. Pero, aish .. Ikaw padin ang mahal ko..

[ SOMEONE's POV ]

So, they're dating eh? Tsk, too bad for you Gous.. Nakita na namin ang kahinaan mo. Napapangiti ka ng ibang babae bukod kay Sumi ha. Humanda ka, dahil baka sa susunod na araw, wala na yang babaeng kasama mo.. Nakahanda akong patayin siya para sa ikatatahimik ng anak ko, kahit pa naging parte nadin siya ng mundo ko.

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon