Chapter 47

9.6K 154 12
                                    

Dedicated to AngMatabangManunulat. Thank you sa paggawa ng magandang BOOK COVER :D

CHAPTER 47

THIRD PERSON's POV

"Ha.ha.ha.ha! Mga wala kayong kwenta, ni hindi manlang nagalusan ang mga tauhan ko! Napaka walang kwenta talaga nang batang Tokosaio, ang hihina ng kinuhang ka alyansa!" malademonyong pagyayabang ni Veitton habang nakangising hudas sa Jujitsu Clan na ngayon ay lugmok na lugmok na.

"HINDI IMPORTANTE SA KANYA KUNG MALAKAS O MAHINA ANG MGA KAALYANSA NIYA! ANG IMPORTANTE, TAPAT KAMI NUNG KINUHA NIYA KAYA MAMAMATAY KAMI NA TAPAT SA KANYA!" matapang na sigaw ng isa sa mga miyembro ng Jujitsu na nakalugmok ngayon sa semento. "DI MAN KAMI SINLAKAS NIYO, DI NAMAN KAMI TRAYDOR TULAD MO!"

BANG

Di na nagdalawang isip si Veitton na barilin sa dibdib ang naglakas loob na nagsalita at ipamukha sa kanyang isa siyang traydor.

"Yan ang nababagay sa mga madadaldal na tulad mo! Dapat sa inyo pinapatay! Sige na, linisin niyo na yang mga kalat na yan, at isusunod na natin ang Misushima." yun lang at pinaulanan na ng bala ng mga tauhan ni Veitton ang mga miyembro ng Jujitsu pero hanggang sa huli ay lumaban ito ng patayan. Nabawasan ng sampung miyembro ang Greniesse pero hindi iyon kawalan dahil sa sobrang daming alagad ni Veitton na pinag kukuha niya sa kulungan, nagbigay ng pang piyansa si Veitton upang mapakawalan ang mga ito at tinraining niya upang maging miyembro niya ang mga ito. Ganyan siya kawalang hiya. Maya maya lang may isang miyembro ng Greniesse ang nagtatakbong lumapit kay Veitton. Yumukod muna ito bago nagsalita.

"Boss, walang Misushima Clan sa headquarters nila." balita ng bagong dating na hapung hapo dahil siguro sa pagtakbo. Bigla nangunot ang noo ni Veitton dahil sa narinig, walang nakakaalam na ngayon sila susugod sa Misushima.

"Itrack sila." utos ni Veitton sa isa sa magaling niyang locator habang nakatitig sa baril na hawak hawak habang sinasabi sa sarili na: "itong baril na'to ang papatay sa matinik na Mafia Boss."

**

Abalang abala si Gous sa pagpaplano ng biglang dumating si Yoko sa headquarters nila.

"Anong ginagawa mo dito?" cold na tanong niya kay Yoko. Nagitla naman ang mga taong kasama ni Yoko dahil sa napaka cold na pagtatanong niya rito.

"G-Gous? Bawal ba---

"OO! Wala kang karapatang tumuntong sa teritoryo ko dahil unang una, hindi kita kagrupo kaya ngayon pa lang, lumayas ka na dito!" nakakuyom ang mga kamao na putol ni Gous o Cross sa sasabihin kay Yoko. Dahil di sanay si Yoko sa katauhan ni Gous, bigla na lamang itong umiyak at nagtatakbo palabas. Dahil wala siyang alam sa mga nangyayari ngayon, di siya nagdalawang isip na magpaka layu-layo sa headquarters nina Gous. Nang dalawang kilometro na ang layo ni Yoko sa headquarters, bigla na lang may humarang na itim na van sa kanya at agad siyang tinakpan ng panyo na may gamot pampatulog kaya naman madali nila itong naisama.

MATT's POV

"Ano bang problema mo---

"Ayoko siyang madamay sa gulo ngayon.. kaya ko siya sinabihan ng ganon." Dahil sa sinabi ni Gous, bigla akong napaisip. May punto siya pero sana hindi siya ganon ka harsh kay Yoko too think na kakagaling niya lang sa ospital.

* Zzzzzt Zzzzzt Zzzzzt *

"Hello?"

[ Matt, si Ms.Yoko, nakidnap! ]

"Putang ina! Bat di mo sinundan yung kumuha sa kanya?!" biglang nagsilapitan yung mga kasama ko sa headquarters, nagulat ata sa pagmumura ko. Nung lingunin ko si Gous, biglang nagbago yung ekspresyon niya, kung kanina seryoso siya sa ginagawa niya, ngayon naman makikita ang sobrang pag aalala sa kanya.

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Where stories live. Discover now