Chapter 30

11.3K 183 3
                                    

Sorry for the long wait, here's the update ^____^ ENJOY ! :*

CHAPTER 30

[ MATT's POV ]

Nagulat ako ng biglang isinigaw ni Gous yung pangalan na sinabi ko. Wag niya sabihing nasipingan na niya yon? Sabagay, babaero to noon bago niya nakilala si Sumi kaya hindi nako magtataka kung meron nga.

"Ano bang problema mo?"

"Sigurado kabang si Lai yon? Sa pagkakaalam ko, hindi naman ---"

BANG!

Putang ina! Nagsisimula nanaman sila, may panibago nanamang clan ang gustong kumalaban saamin kaya pinapaulanan ng bala tong HQ namin— pang apat naming HQ, Subic Part. Pasimple kong sinulyapan si Gous at bigla akong napamura. Fvck! Nandito nanaman siya!

"Cross, not now!"

"I'm sorry Matt.. They always do this, kapag wala tayong kalaban laban lagi silang nagpaparamdam." Cold na sagot nya saken. Well, anong inaasahan ko? Isang nakangiting Cross? Spell A-S-A ?

"But.. They are just a beginner."

Bigla niya akong sinamaan ng tingin. Tae! Bakit pa ako yung inabot nitong si Cross.

"Are you kidding me? Vouge Clan is just a beginner? Gago!" Nagulat ako ng bigla niya akong suntukin sa sikmura. Napaigik ako dahil sa sakit. Minsan lang makipag physical contact si Cross sa mga kakampi niya pero tiyak na masasaktan ka. Sadista kasi yan, pinaghalong Boss Suichi(Dad ni Gous) at Gous samahan pa ng Hitako."Let me handle this Matt.. I'll promise, mauubos sila ora mismo." bigla akong natawa ng itaas niya ng tatlong beses yung right eyebrow niya. Ano to, panibagong katauhan nanaman ni Gous? "Wag kang mag isip ng kung anu-ano, pinapagaan ko lang ang sitwasyon dahil alam kong natatakot ka sa sakin. Don't worry, I won't hurt you. Bestfriend ka ni Gous. Pero oras na agawin mo yung mahal niya, ako ang makakalaban mo, Matt Chou." Matapos nyang magsalita eh bigla nalang siyang lumabas ng HQ. Agad akong sumilip sa bintana at nakita kong lima agad ang naka handusay sa semento. Fvck! Ganon siya kabilis? Hindi nako nagtataka kung bakit kiatatakutan si Gous kapag nag iiba na yung ekspresyon ng mukha niya.

Nakita kong napapalibutan siya ng walong lalake pero hindi manlang siya kinakabahan. Instead, tumingin siya sa direksyon ko at ngumisi at sa ilang sandaling pagkatulala ko eh nakita kong bumagsak na yung walong nakapalibot sa kanya. Tae, lalo akong kinakabahan kay Cross.

Maya maya merong naglakas loob na lumapit sa kanya na ikinangisi niya. Inilapag niya yung baril niya sa semento tapos hinintay na lumapit yung lalake, nang makalapit na ito agad na tumalon si Cross para makapunta sa likod nung lalake at binigyan ng isang malakas na tadyak sa likod na naging dahilan ng pagtalsik nito. Hindi naman sumuko yung lalake, agad itong tumayo at naghagis ng dagger papunta sa direksyon ni Cross. Tsk, wrong choice of move. Agad iyong nasalo ni Cross gamit lamang ang dalawang daliri at biglang inihagis sa direksyon nung lalake. Pagtingin ko, sakto sa gitna ng noo nito ang dagger.

Sumunod namang sumugod ang anim na mga lalake, pinalibutan ng mga ito si Cross at sabay sabay na sumugod pero naiiwasan lang sila ni Cross. Nang nagkaroon ng pagkakataon si Cross, agad niyang hinila yung isa sa anim na lalake tapos pinilipit yung kamay then binuhat at malakas na pwersang ibinagsak sa kalsada. Halatang nagulat yung mga kasama nito patuloy na sumugod. Tsk, 5 vs 1 ? Sino pusta niyo? Si Cross ako syempre..

At ayon na nga, sabay sabay na nagsisugod yung limang lalake na may dala dalang katana na mukhang napakatalim. Hindi umalis sa pwesto niya si Cross kaya ang akala ko masasaksak na siya ng mga ito. Nang malapit na yung mga lalake, bigla nalang tumalon si Cross papalabas sa gitna ng mga lalake kaya ang resulta, nasaksak nila ang isa't isa. Narinig kong nagsalita si Cross.

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora