Chapter 21

10.3K 203 5
                                    

CHAPTER 21

[ SERYEO's POV ]

"TUMIGIL KANA MEIGAN DAIKO! HINDI NA MAIBABALIK NG PAG IYAK MO YUNG BUHAY NG BOYFRIEND MO!"

Halos kaming lahat na nasa loob ng kotse ni Gous ee nanlaki ang mga mata dahil sa sinigaw ni Sek. Ibig sabihin, kaya pala ayaw akong pansinin ni Meigan dahil may boyfriend na siya— ay puta ano ba tong pinag iisip ko! Seryoso na .. Ibig sabihin, yung pinatay ni Hitch kanina, boyfriend ni Meigan? Ibig sabihin, ibig sabihin may alam si Meigan tungkol sa mga Mafia?

"OO, HINDI NA MAIBABALIK NG LUHA KO YUNG BUHAY NI FRANCO. MASAMA BANG MAGLUKSA LALO NA'T PINATAY SIYA NG .. NG ISANG REAPER?!" Shit! Masama to! Masamang may alam si Meigan tungkol sa Mafia! Pwede siyang patayin ni Gous.. Tang ina! Hindi nila alam na kasama nila ang leader ng Mafia na pumatay sa boyfriend ni Meigan— si Gous. "TSAKA DIBA DAHIL DIN SA REAPER KAYA NAMATAY ANG DADDY MO!?" again, nagulat nanaman kami sa sinabi niya. Ibig sabihin.. Pati si Sek may alam din tungkol sa Mafia? Wooooh! Anong nangyayare ngayon? Si Yoko nalang ba ang inosente dito? Kinakabahan ako sa susunod na pwede nilang ipagsigawan, gusto ko man silang pigilan pero hindi ko magawa.. Dahil alam kong curious na si Gous sa pinag uusapan nila. At ang nakadagdag ng takot ko ee yung katahimikan ni Gous.

"MATAGAL NA YON! MATAGAL KO NG KINALIMUTAN YON!"

"HA.HA.HA. Nakakatawa ka Sek, sinusubukan mong magpakatatag para lang hindi mo maalala yung mga nangyari sayo noon. Sek, niloloko mo lang yung sarili mo. Pwede tayong magpakatotoo ulit. Pwede ulit tayong lumabas sa publiko." naguluhan nako sa ekspresyon ng mukha ni Meigan. Kanina naiyak siya pero ngayon nangiti na.. At naguluhan din ako sa mahabang sinabi niya.

"AYOKO NA! AYOKO NG MAGING SI DEATH! MASKI IKAW MEIGAN, WAG KA NA ULIT BABALIK SA PAGIGING SI LUCI!" lahat kami literal na napanganga maliban na lamang kay Yoko na nanatiling nakatunganga at nakikinig sa pinag uusapan namin.  At bigla ding inihinto ni Gous ang sasakyan sa gilid ng daan. Fvck! Sabi na malaking gulo to eh.

"From what clan are you two came from?" kalmado pero cold na tanong sa kanila ni Gous. Putapete, kinakabahan nanaman ako.

"Black Crow." simpleng sagot ni Sek na walang pakialam sa aura ni Gous. Sabagay, ano nga bang alam nila kay Gous. "Ang ka alliance ng Mafia Tokosaio." s-sabi ko nga, sabi ko nga kilala nila si Gous. Nilingon ko si Meigan, tahimik nalang at mukhang malalim ang iniisip. Haaaaay, lalo pang gumulo ang sitwasyon. Teka muna, huling sulyap kay Yoko. HAHAHAHA! Nakanganga na siya ..

[ SEK's POV ]

Wala nakong nagawa kundi ang sabihin kung sino talaga kami. Tsk, hindi ko inaasahan na mapapaaga yung magpapakilala ko kay Gous. Naguguluhan kayo no? Ganito kasi yan, bago kami pumasok ng TU.. Kinausap kami ng Mafia Boss ng BC na wag daw munang magpa kilala kay Gous at hayaang siya ang maka diskubre dahil ahmmm, ewan ko kay Boss. Actually, 3years ago na yon. Muntikan ko na ngang malimutan dahil nga sa pagkamatay ng Daddy ko. Greniesse clan killed my Father. They killed him for nothing. Hindi member ng Mafia ang daddy ko, pero alam kong illegal dealer siya ng mga ammunations na iba't iba ang laki at klase. Siya din yung nag susupply ng baril sa BC na lately ko lang nalaman siguro 2 days ago after his interment.

Hindi alam ni Daddy na member ako ng Mafia. Hindi ko talaga ipinaalam sa kanya dahil alam kong pipigilan niya lang ako kahit na sabihin kong hindi naman ganon ka delikado ang trabaho ko unlike kay Meigan. I'm just a simple locator while Meigan is a reaper. Yes, reaper siya kaya nga siya si Luci. Luci for Lucifer. Sa buong buhay niya sa pagiging reaper, never siyang nasugatan ng kalaban, mapa baril man o dagger. Pero isang araw bigla nalang siyang nag quit sa clan. Kung hindi ko pa siya pinaimbestigahan hindi ko malalaman. Pinatigil siya ni Franco Schleiford, na kesyo ayaw daw niyang mawala sa kanya si Meigan pero he used her for his advantage..

Kahit anong pilit kong bumalik siya sa clan hindi ko siya napilit hanggang sa hindi ko nalang pinakialaman yung buhay niya at pinagpatuloy ko ang pagiging locator ko. Nawala din siya sa sistema ko, nalimutan kong may kaibigan pala ako noon, hanggang sa isang araw nga namatay si Daddy at ako parang tinamad ng magreport sa BC hanggang sa sila na yung kusang nag alis sakin sa BC... Nang second day na ng burial ni Daddy, nagulat nalang ako ng makita ko si Meigan na nakatayo sa harap ng ataul ni Daddy. Agad akong tumakbo at niyakap siya tapos ayon, nakapagkwentuhan kami at nalaman ko na hanggang ngayon, sila padin ni Franco, and the rest is history.

Sa dami ng pinagdaanan namin ni Meigan, ayoko ng bumalik sa mafia. Ayoko ng muling maalala yung mga nangyari saaken habang nasa mafia pa ako. Kanina, nagpasalamat ako na napatay na si Franco Schleiford dahil isa siya sa Clan na pumatay kay Daddy. Hindi nako nagtaka kung bakit biglang umiyak si Meigan. Ikaw ba naman mamatayan ng boyfriend sa harap mo pa mismo di ka iiyak? Akala siguro nila kaya umiyak si Meigan dahil natakot siya sa nakita pero hindi, mahal na mahal niya kasi si Franco kahit na niloloko lang naman siya nito.

May ibang babae si Franco, actually may asawa na nga yun ee pero patago. Myembro din ng Greniesse at hindi yon alam ni Meigan dahil syempre, papakinabangan pa siya ni Franco. Hindi ko nalang sinabi yung nalalaman ko para masubaybayan pa yung Greniesse kahit pa wala nako sa serbisyo. Natauhan nalang ako nang bigla akong tapikin ni Seryeo sa braso para sabihin na kailangan na naming bumaba dahil nandito na kami sa ... Subic? Ang tagal pala ng POV ko! Oh, ayan na ha? Mahaba na yung POV kaya ligtas nako sa susunod na POV .. Nakakatamad kaya dumaldal ng dumaldal.

(Like this Chappy? Paki Vote^_______^)

For Dedication: Hulaan niyo kung sino yung traitor ng Tokosaio University.. Again, first five (5) na mag memessage sakin, may dedication sa kahit anong chapter na gusto niyo basta ba na published na. Yun lang :)

NOTE: Yung may dedication napo di na po pwedeng magpadedicate ulit. Give Chance To Others po Ü Thanks :3

-- SuperAbnay ♥

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Where stories live. Discover now