Chapter 41

8.3K 154 10
                                    

CHAPTER 41

[ THiRD'S PERSON POV ]

"Akala mo tapos nako sayo? NGAYON PA LANG AKO MAGSISIMULA!" sigaw ni Matt ng magtangkang umalis si Gous sa kinalulugaran nito. Nang akmang susundan ni Gous si Sumi, sinuntok ito ni Matt sa sikmura na naging dahilan para mapaluhod si Gous.

"ANO BANG PROBLEMA MO!" sigaw ni Gous na mukhang hindi na nakapagtimpi sa pananakit sa kanya ni Matt. Bigla namang sumeryoso yung mukha ni Matt sabay sabing

"Gous, nasa ospital pa lang tayo sinabi ko na sayo na oras na saktan mo si Yoko, gagawa at gagawa ako ng paraan para makuha sayo si Yoko at siguro, ito na yung pagkakataon ko para unti unti kong kunin si Yoko." Dahil sa narinig, dali daling tumayo si Gous at sinuntok ng napakalakas si Matt dahil napaupo ito sa semento. Alam ni Matt na unti unti ng nalabas si Cross pero wala siyang pakialam.

"Gago! Hinding hindi mo makukuha saakin si Yoko dahil sa simula pa lang, ako na ang mahal niya!" Mayabang na sagot ni Gous na bigla namang ikina halakhak si Matt.

"HAHAHAHAHA! Kaya pala ang lakas ng loob mong gaguhin at tarantaduhin si Yoko dahil alam mong mahal ka niya!" Sabi ni Matt kay Gous. "Eh tang*na mo pala eh! Napaka bait nung tao tapos gaganunin niyo lang?" dugtong niya sabay suntok. Nagulat naman si Gous kaya di siya agad nakaganti dahil di niya namalayang nakatayo na pala si Matt mula sa pagkakasalampak sa semento.

"ANO?! TAMA AKO NO!? NAGUGUILTY KA NA BA? HA.HA.HA, BAHAG PALA ANG BUNTOT MONG TANG*NA KA KAYA DI KA MAKALABAN DAHIL PATI SI CROSS, ALAM YANG KAGAGUHANG GINAGAWA MO KAY YOKO!" sigaw ni Matt sa nakaupong muling Gous sa semento pero hindi na lamang ito tumayo agad dahil alam niyang hindi naman sya mananalo sa galit na si Matt tho alam niyang kayang kaya niya itong patayin di nya lang malaman kung bakit tila wala ang lakas niya.

"Matt, wala kang alam! Wala kang alam sa pinagdaanan ni Sumi makabalik lang dito." sabi niya kay Matt habang nakaupo padin sa semento.

"Wala akong pakialam sa kung anong pinagdaanan ng babae mo! Ang tanging concern ko lang eh yung babaeng pinaubaya ko sayo! PANGALAWANG beses na to Gous na nagparaya ako! Pero bakit lagi mong sinasayang?

Bakit ako ang naguguilty tuwing nakikita ko yung mga babaeng pinaubaya ko sayo na umiiyak? Dahil ba ako ang may kasalanan kung bkit sila napunta sayo?!

Na sana hindi ko nalang sila pinaubaya para naman hindi sila lumuluha ng dahil sa isang GAGO at TARANTADONG lalakeng walang ibang alam gawin kundi magpaiyak ng babae?!" kalmado pero halata mo ang tampo sa boses ni Matt. Pagtingin muli ni Matt sa nakaupo pading si Gous, nakita niya ang patak ng likido sa semento. Isa lang ang ibig sabihin nito, naiyak siya.

"Unang una, hindi ko ginusto na mapahamak si Sumi, at pangalawa hindi ko ginustong may umiyak na babae ng dahil lang saakin.

Matt, alam kong alam mo na mahal na mahal ko si Yoko.... Nakita mo kung gaano ko siya pahalagahan at protektahan noong hindi pa nabalik si Sumi.

Matt, I love Yoko more than everything but first love never dies. Minsan nakong nangako sa sarili kong si Sumi na ang una't huling babae sa puso ko kaya naman nung bumalik siya ....

Nung bumalik siya biglang nagulo yung sistema ko, biglang nag iba yung damdamin ko hanggang sa marinig ko yung sakripisyo niya makabalik lamang dito- saaken." mahabang litanya ni Gous habang nakatingin padin sa semento na patuloy pa ding napapatakan ng kanyang mga luha.

"Pero Gous, kahit saang parte tignan, mali ka! Mali yung mang gago ka ng isang babae at yung pumayag ka na magkarong ng third party sa pagitan niyo ni Yoko!" huminga muna ng malalim si Matt bago ulit nagsalita. "Ngayon mamili ka, makikipag break ka kay Yoko o tatapusin niyo na ni Sumi itong kalokohang to?"

"MATT! Wag mo akong papiliin dahil hindi ko kaya."

"At bakit hindi?"

"Dahil ayokong mawala ulit si Sumi at pangalawa, ayokong iwan ni Yoko!" matigas na sagot ni Gous kasabay ng matigas na pag iling.

"Eh talaga palang gago ka eh! Pagsasabayin mo silang dalawa?! Ang selfish mo! Sarili mo lang ang iniisip mo! Humanda ka mamaya dahil malalaman na ni Yoko to!" Banta ni Matt.

"NO!" mataginting na sigaw ni Gous.

"Sige, sa isang kundisyon.. Sasabihin ko kay Yoko ang natuklasan ko o unti unti kang lalayo sa mundo ni Yoko at kaylan man ay putol na ang komunikasyon niyo o makikipaghiwalay ka kay Sumi?"

Masakit man sa loob ni Gous pero kaylangan niyang piliin ang tama. Minsan na siyang nagkamali at kahit kailan ay hinding hindi na mauulit iyon.

"Mauna nako sayo Gous, sana pag isipan mong mabuti ang desisyong gagawin mo." Yun lamang at umalis na si Matt sa nakayukong si Gous.

**

Sorry, short update! Wala nakong maisip na idagdag? Hahaha, sensya talaga .. Chaka graduation kasi kahapon?

Pa VOTE naman oh, ilang parts na 66 padin? wuhahahaha! Kuwawa naman ako, chos ^o^

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Where stories live. Discover now