Chapter 37

9.9K 174 0
                                    

CHAPTER 37

Kinabukasan, maaga akong pumasok ng university dahil ayokong makasabay si Yoko, dahil baka hindi ko na mapigilan yung sarili kong hindi sya komprontahin tungkol doon sa narinig ko. Pagkapasok ko sa loob ng university nakita ko agad si Matt na paakyat na papuntang block namen, oo magkakaklase kami, ang haba na ng chapter ng story pero ngayon nyo lang nalaman na magkaklase kami no? Pano, ngayon lang nagkaron ng setting dito sa university. (a/n: sorry naman! First story ko eh!) Kfine! O, layas na at baka magulo nanaman yung flow ng story. Anyway, so ayun nga nung nakita ko siya, agad ko siyang tinext.

To: Matt

~ Let's meet downstairs.. Hihintayin kita.

Wala pang tatlong minuto nang maisend ko yung text ko, nagreply na agad siya.

From: Matt

~ Sure. Pababa nako.

After kong mabasa yung reply niya, agad akong nagpunta sa may hagdan para maabangan siya. Plano ko sana siyang kausapin tungkol dun sa pinag uusapan nila ni Yoko sa dumpsite. Siguro naman may karapatan ako bilang boyfriend ni Yoko na malaman kung ano yung pinag usapan nila nh girlfriend ko. Two minutes passed at nakita ko na din si Matt na pababa ng hagdan. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang nag init yung ulo pagkakita ko sa kanya. Nung makababa na siya, binati niya lang ako at tumango nalang ako. Niyaya ko siya sa university quadrangle para doon mag usap. Pagkarating namin doon, nagsalita siya kaagad.

"Anong pag uusapan naten?"

"About Yoko."

"What about her?"

"Narinig ko kayo kahapon, narinig ko yung huling sinabi niya sayo... at nasaktan ako dahil doon. May namamagitan ba sa inyo?" nainis ako nung biglang sumeryoso yung mukha niya. So, totoo nga? May namamagitan nga talaga sa kanila?

"Hahaha.. Pinaghihinalaan mo yung girlfriend mo porket kausap niya lang ako? Well, I confessed about my feelings to her yesterday but unfortunately, she ignored me.

She loves you so much, and wala akong nakikitang rason para iwanan ka nya. Ang swerte mo sa kanya... but I pity her because, she's not that lucky to have you." Then he smirk. Nainis ako sa tono ng pananalita niya na para bang wala akong kwentang boyfriend, at sinabi niya pang hindi swerte saken si Yoko?

"At kanino siya swerte, SAYO?!" hindi ko na napigilan yung pagka asar ko kaya naman napasigaw nako. "Handa akong kalimutan ang pagkakaibigan naten mailayo ka lang sa kanya!"

"Naririnig mo ba yang sarili mo? Palibhasa, kampante kang di ka nya iiwan kasi mahal na mahal ka niya kaya ikaw tong si gago, kung makapagreact dahil sa narinig kay Malan, ni hindi mo na naisip yung mararamdaman nung girlfriend mo!" Pagkasabi niya nyan, bigla ko nalang siyang sinuntok. Wala siyang karapatang magsalita ng ganyan dahil wala siyang alam sa relasyon namin ni Yoko! Akala ko hindi siya gaganti dahil siya yung mali pero nagulat nalang ako nung bigla niya akong suntukin sa mukha. Ngayon ko lang nakitang galit na galit si Matt kahit na hindi halata sa mga mata niya pero halatang halata naman sa kilos niya. Nagsusuntukan padin kami ng biglang may boses na nakapagpatigil samen. Yung boses ng babaeng pareho naming mahal.

[ YOKO's POV ]

Time check 6:15 am, ayos maaga akong nakapasok ngayon. Haha, first time to kasi mula ng mag 1st yr college ako, lagi nalang akong late and until now na 4th yr nako, late padin talaga ako, ngayon lang talaga ako pumasok ng maaga. Pinagtitinginan nga ako nung mga estudyante eh. Paakyat na sana ako sa hagdan nung bigla may tumawag saken.

"Ate Yoko! Si kuya chaka yung isa niyong kaibigan nag susuntukan sa quadrangle!" bigla akong napalingon sa nagsalita, pag tingin ko, nakita ko yung pag aalala sa mukha ng kakambal ni Gous.

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Where stories live. Discover now