Chapter 38

8.9K 152 2
                                    

CHAPTER 38

[ YOKO's POV ]

Halos 20 minutes na ako dito sa classroom pero hanggang ngayon wala padin yung professor namen.. Tsk, sabi na eh dapat hindi nalang muna ako pumasok dito sa room at tumambay muna ako sa canteen, ang kaso nahuli naman ako ni Meigan.

* Flashback *

HHWW kami ni Gous habang pabalik sa building namin ng biglang may tumawag sa cellphone niya. Nung tinignan niya ako, alam kong may importante siyang gagawin kaya naman nag nod nalang ako then binigyan nya muna ako ng peck sa lips bago siya bumitiw sa kamay ko para magpuntang gate.

Nung di ko na siya matanaw, umalis narin ako sa kinatayayuan ko at nagdirediretso sa canteen and pumwesto sa pinakadulong table tapos yumupyop sa table doon para matulog. Wala pa sigurong 3minutes yung pag kakapikit ko nung bigla nalang may kumalabit saken pero di ko nalang pinansin kasi baka bata lang na nangugulo. Pero naulit nanaman and this time, niyugyog na niya ako. Dahan dahan kong inangat yung ulo ko then nagulat ako nung nakita ko si Meigan na medyo masama yung tingin saken kaya nag peace sign nalang ako.

"Sumabay kana saken pabalik sa room, may quiz daw sa calculus, tama na yung ilang araw nating pag absent." ano namang gagawin sa quiz sa calculus? Ee sobrang easy lang naman niyan! Baka nga umiyak pa sila kapag nakita nila kung pano ko isolve nang sobrang simple yung mahirap na problem para sa kanila.. Pero dahil si Meigan ang nag utos at syempre takot din ako sa kanya kasi may split personality siya ata? Kaya sumunod nalang ako sa kanya pabalik sa building namen.

* End Of Flashback *

Kaya heto ako ngayon, nakatunganga at nag aantay ng biyaya! Charot, nag aantay na dumating yung professor namin sa calculus

.........……………

……………………………………………………

..................................……………………………

…………………………………………

Putek! 1 hour ng nakalipas pero wala padin yung professor namin. Tumingin muna ako sa paligid ko, napangiwi ako ng makita ko yung itsura nung classroom namin at ng mga blockmates ko, sa dulo, may nakasandal sa pader habang may nakasalpak na headphone sa tenga habang nakapikit, tapos sa unahan naman (left side), may tatlong babae at limang lalake na nakaform ng bilog tapos may pinapaikot na bote ng vitamilk, sa right side naman sa unahan yung malapit sa main door, ganoon din, may naka form ulit ng bilog ang kaso puro girls naman, tapos sa right side naman ng classroom, may limang lalake na nagkukumpulan habang may hawak na? O//////O p*rn magazine! Ano ba yan, pano ba nakakalusot kay Gous yang ganyang babasahin? Masabi nga sa kanya yan kapag nagkita ulit kami... At ito ang malupet, paglingon ko sa likod ko, andami kong nakitang pandesal /(*Q*;)\ graaaaabe magkakasala ako kay Gous nento eh! Bali, limang lalake na naka topless, counted na sina Teri, Matt at Seryeo, di ba sila nilalamig? Eh halos naka full blast na yung aircon. Tapos sa likod naman nila eh yung mga babaeng kire na pasimpleng sinisilip yung mga abs ng boys na topless. Maya maya biglang pumasok si Fara sa room at nagsisisigaw...

"Blockmates! Wala si Prof.Feng, so it means, NO QUIZ SA CALCULUS!" Tapos biglang nagsigawan yung mga blockmates ko, pati yung natutulog sa likod ee nagising at nagmamadaling lumabas ng room, tapos yung mga nag sispin the bottle naman ee biglang nagtayuan tapos kanya kanyang labas ng room. Great! Just so Great! Pinapasok lang ako ni Meigan dito para sa wala! How dare her? Sinira niya yung beauty rest ko para lang mag antay ng one hour and fifteen minutes sa professor na hindi naman pala dadating! Dahil sa sobrang inis ko, yumupyop nalang ako sa arm chair ko at hinayaang dalawin ng antok. Bahala na yung prof sa susunod na subject ang gumising saken.

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon