Chapter 53

10.4K 146 0
                                    

CHAPTER 53

YOKO's POV

"Ney, please tell me .. Ano bang nangyayari sayo? Please, ishare mo naman sakin yan dahil diba sabi ng doktora mo bawal ka daw mastress physically or emotionally?" yeah, tama ka Gous pero lalo akong maiistress kung sasabihin ko sayo yung problema ko. Alam kong papalapit na yung araw na magpapakita siya para guluhin yung mundo nating dalawa, para masira ang relasyong pinilit nating gawing perpekto.

"Dey, sino bang may sabing may problema ako?" niyakap ko siya para iparamdam na ayos lang ako. Sorry Gous pero kailangan kong maging selfish, dahil nangako ako noon na ipaglalaban kita ano man ang mangyari, at siguro ito na yung pagkakataon para ipaglaban kita ng patayan .. At para ilayo kita kay Sumi. Oo, nagbalik na si Sumi pero alam kong may plano siya .. May plano siyang ituloy ang nasimulan ni Daddy ( referring to Veitton Saio ) ang patayin ako, kaming mag ina, pero hindi ako takot sa kanya dahil mas malakas ako, isa akong heiress ng Black Crow .. Ang anak ni Hitako Nasaio.

GOUS's POV

Hanggang ngayon nakayakap padin sakin si Yoko pero alam kong may tinatago siya .. Ilang beses ko man siyang tinanong pero wala rin akong napala. Ni hindi niya sinabi sakin kung anong problema, pero ako mismo ang hahanap ng sagot sa mga tanong ko.

* Zzzzt zzzt zzzzt *

"Wait lang Ney, may nagtext ata.." humiwalay naman siya sakin kaya kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa.

Unregistered number ...

From: 09123456789

~ Let's meet at Pedro's Bar .. Kung gusto mo pang mabuhay ang kapatid mo.

Oh shit! Si Meigous ..

"Ney, babalik ako..." hindi ko na siya hinintay na sumagot kaya agad naman akong tumakbo palabas ng kwarto namin at nagtuluy tuloy para lumabas ng mansyon ni Tito Hitako ..

"Boss!" Sabay sabay na tawag sakin ng mga kasamahan ko pero hindi ko sila pinansin dahil mas importante ang kapatid ko, mas importante ang buhay niya ngayon.

Wala pang 20 minutes ng makarating ako ng Pedro's Bar at agad na itinanong kung may nakareserve bang table para sakin nang tumango yung waiter, agad niya akong dinala sa isang table na may babaeng nakaupo .. Babaeng kilalang kilala ko.

"Miss me?" bigla siyang tumayo at dumampi ang labi niya sa labi ko. Bigla ko tuloy siyang naitulak.

"Fvck! What's your problem? Wheres Meigous? What did you do to her?!" kulang na lang suntukin ko tong si Sumi. Oo, bumalik nanaman siya pero hindi tulad noon, wala na akong nararamdaman sa kanya ni katiting.

"Hey, calm down boy .. Can you please take a sit first?"

"Shut up! Just tell me, nasaan.ang.kapatid.ko!"

"Fine. But in one condition." Tangna ka Sumi! Kung hindi ka lang babae at kung wala lang tayong pinagsamahan noon baka may bangas na yang pagmumukha mo.

"FVCK! What is it?!"

"Be with me again."

TERI's POV

"Boss!" halos sabay sabay naming sigaw ng makita namin si boss na nagtutumakbo palabas ng mansyon ni Hitako pero hindi kami pinansin.

"Anyare dun?" tanong ko sakin ni Seryeo.

Nagkibit balikat lang ako.

"ARAY! Ano ba Sek?" walanjo, naging kami na't lahat ang sadista padin nito saken. Oo, kami na nitong amazonang to, actually mag lilimang buwan na nga kami eh chaka din pala sina Meigan at Seryeo at sa di inaasahang pangyayari, naka three points ang ugok at ayun, may aanakin nanaman ako sa binyag. Lasing lang daw silang dalawa ng magawa nila yon pero ayos ah, nakabuo na sila.. HAHAHA, manang mana sa amo >:)

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon