Chapter 54

10.9K 145 1
                                    

CHAPTER 54

YOKO's POV

Haaaay, ang bilis ng araw. Parang kahapon lang namin ginawa yung * alam niyo na * then ito na, malapit na naming mameet ang aming first baby boy.

Yung feeling? Excited na kinakabahan. Then sabi ni mama nung minsang nag one on one chikahan kami, mahirap daw talagang manganak but when you heard the baby's cry, feeling mo nakalutang ka sa ulap dahil para daw musika sa pandinig ng isang ina ang iyak ng anak mo na inalagaan mo ng nine months sa tiyan mo.

Until now, wala pa din kaming mapiling name ni Gous. Actually kahapon nga para kaming tanga na nag aaway dahil sa name ni baby kesyo sa kanya daw dapat yung idea kasi boy, pero magpapatalo ba naman ako? Eh kung pang bundok naman yung napipili niyang pangalan?

Flashback

Kasalukuyan akong nagsusulat (ULIT) ng mga baby names sa isang yellow pad (kasi naubos na yung bondpaper) nang biglang pumasok si Gous.

"Ney, anong ginagawa mo?" tanong niya sakin sabay yakap sa leeg ko. Yung tipong sinasakal ako? Ahaha, favorite niyang gawin yan, muntanga nga eh .. Feeling ko tuloy, gusto niya akong patayin. CHAROT :D

"Nagsusulat ng magiging-- HEY! Akin na nga yan, gumawa ka ng iyo!" hinila lang naman niya yung sinusulatan ko. Ugh! Nababadtrip nanaman ako sa kanya.

"Bane(Beyn) Stanley, Devlin Mckoy, Nicholo, Travis Peterson, Siegefrid, Seige, Seiji Hiroshi, Yuuno Takishima.. HAHAHAHA! Ano ba yan Ney, pang bundok naman tong mga pangalan nato!" napapout naman ako bigla. Pintasan ba naman yung mga pangalan na yon eh halos mapuyat ako mapag isipan lang yon!

"Yabang nito.. Sige nga, ikaw gumawa ng pangalan!" hindi ko inaakalang papatulan niya yung hamon ko kaya kinuha niya yung ballpen na hawak ko at nagsimulang magsulat samantalang ako eh nakatunganga habang nag aantay ng kinalabasan ng kayabangan niya.

"O, ayan basahin mo pero wag mong hangaan ah?" Tss, yabang talaga nitong gwapo kong asawa. Hihihihi :"))

"Dexter, Joseph, Harvey, Lester, Garry, Larry, Harry, Morry, Terry, Wally, Jo--- EH GAGO KA! Pinagtripan mo lang to eh!" at ayun, ang hinayupak tawa ng tawa. Gago talaga kahit kailan eh.

"HAHAHAHA, kalma Ney! Baka mamaya pumangit ang panganay natin.."

"Naku Gous Tokosaio! Tantanan mo akong talipandas ka! Shuuuuuupi!" bulyaw ko sa kanya sabay talukbong ng kumot. Alam niyo sa totoo lang, mukha akong pagong na nagtatago sa ilalim ng kumot dahil sa laki ng tiyan ko. Ugh, sana mabalik yung figure ko after kong manganak. (a/n: eksoyted? di ba pwedeng after ilang months pa?) Oh shatap! Isa ka pa, pagbuhulin ko kayo ng asawa ko eh!

End Of Flashback

Oha? Pati si AuthorAbnay napasama sa flashback, ganyan yan eh napakahilig sumingit sa POV ng may POV .. Kung di lang ako natatakot na mas lalong maging worst yung love story namin ni Gous baka kanina ko pa minura to..

But anyway let's back to reality na hindi naman talaga reality kasi General Fiction lang to, I'm here sa stone stair ng swimming pool nina papa, hanggang tiyan ko lang yung tubig kasi ayokong mabasa pati ulo ko at baka pagkamalan talaga akong pagong or worst buteteng lalangoy langoy.

"Ney.." tawag sakin ni Gous sabay tabi sakin hanggang bewang niya lang yung tubig kasi psssh, ang tangkad ng walangya. "May naisip kana bang pangalan kay baby?" tanong niya habang isinandal niya ako kanya.

"Wala pa.." Actually meron na pero ayoko pang sabihin dahil gusto kong ako yung masunod sa pangalan ng panganay namin. Edi kapag sinicret ko sa kanya, makikita nalang niya yung pangalang naisip ko kapag hawak na niya yung birth certificate. O diba? Di na siya makakaangal. Bigla akong napangiti dahil sa naisip ko, haha ang bright ko talaga! Yoko Saio-- ayy, Ayako Nasaio yan eh!

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Where stories live. Discover now