Chapter 48

9.7K 138 3
                                    

CHAPTER 48

GOUS's POV

Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko dahil alam kong nasa panganib ang babaeng pinaka mamahal ko. Kung sana hindi ko siya pinaalis, sana di sya makikidnap.. Kung sana hindi ko siya sinigawan, hindi sana siya lalabas ng headquarters...

"Were he--- BOSS! Kalma, wala pang utos---

"The hell I care? I don't need their instructions, I need to save Yoko for Pete's Sake!" at nagsimula na akong pumasok sa abandonadong bahay na sinasabi nilang nakita si Yoko kani-kanina lang.

Nagtataka ako kung bakit kanina pa ako palakad lakad eh wala manlang humaharang saken. Nung makaakyat ako sa taas, may bangkay na naka kalat at panay sa ulo ang tama ng bala. Isa lang ang ibig sabihin nito, may nagligtas na kay Yoko. Nang tignan ko yung mga bangkay, nakakita ako ng palatandaan. Napangiti ako ng malaman kung sino ang nagligtas sa kanya.. Ang Assassin ng Black Crow --- Rea Toledo.

* Zzzt zzzt zzzt *

Calling Hitch ...

"O?"

[ Tsk, nawawala si Yoko. ]

"WHAT?! Akala ko ba kasama na siya ni Rea?" Shit! Bakit ba lagi ka nalang nawawala?

[ Yun ang akala niya. Kasama niya daw kanina si Yoko pero pagdating dito sa safe area wala naman siyang kasunod. ]

"Damn! Hanapin niyo siya, pasunod nadin kami." di ko na siya hinayaang sumagot at ibinaba ko na ang tawag.

Pagbaba ko, nakita kong nakikipaglaban na yung mga kasamahan ko. I admit, magagaling silang makipaglaban ng mano mano kesa sa paggamit ng baril maliban na lamang kina Teri, Matt at Seryeo na parang mga gagong nakatunganga lang. Sabagay, ang hihina naman kasi ng kinuhang tauhan ni Veitton.

"Oi bata, naligaw ka ata? Sayang ichura mo totoy kung babangasan ko lang naman."

Di ko mapigilang di matawa dahil sa sinabi niya.

"Ha.ha.ha .. Baka nga patay ka na, wala pa ring bangas ang mukha ko."

"Tarantado ka!" at sumugod na siya sa pwesto ko. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong lumaban pa dahil naaawa ako sa maaaring mangyari sa kanya kaya naman ipuputok ko na sana ang baril ng matigilan ako. Tangna, lumabas nanaman si Cross.

SERYEO's POV

Nagulat kaming tatlo nang makita naming natigilan si Gous sa pagpapaputok ng baril don sa lalaking naglakas loob na lumapit sa kanya.

"Bakit hindi pa iputok ni Gous?"

Tinignan ko si Matt pero nagkibit balikat lang siya. Nung tignan ko ulit si Gous, sa mata niya ako agad napatingin, pucha! Kinilabutan ako.

Nagtangkang agawin ng lalake yung baril ni Gous pero nabigo ito dahil mabilis itong iniwas ni Gous at agad na ibinalik sa bulsa ng jacket niya. Ayos, mano manong laban to.

Naunang sumugod yung lalake sa pag aakalang matatamaan niya si Gous pero naunahan siya nito, bago pa lumanding ang kamao ng lalake sa gwapong mukha pero mas gwapo ako ni Gous, nasuntok na niya ito sa sikmura kaya naman napaluhod ang lalake, ngumiti naman na parang praning si Gous na ngayon ay si Cross na.

Nag eenjoy pa ako ng biglang may mga mukhang kulangot ang humarang sa napaka gadang view. Naisip kong magandang warm up to para sa tunay na laban mamaya.

"Hoy! Ang babastos niyo. Kita niyong nanunuod ako ng ---" nagulat ako ng bigla silang magbato ng dagger. Tangna, muntikan nako don. "Wahahaha! Chill lang bro, para kang gago." natawa nalang ako dahil ang seseryoso ng pagmumukha nila samantalang kaming tatlong gwapo pero mas gwapo ako eh nakangisi pa.

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Onde histórias criam vida. Descubra agora