Special Chapter- Yoko's Birthday

16.5K 184 16
                                    

Bakit may special chapter? Nung nagback read kasi ako wala yung celebration ng birthday ni Yoko. So, ito nalang..

ENJOY READING EVERYONE!

_________________________________

SPECIAL CHAPTER- HER BIRTHDAY

YOKO's POV

Nakakaboring naman ngayon! Ang tahimik ng cellphone ko too think na birthday ko ngayon. Kung kelan naman nagkaboyfriend ako at kung kelan dumami dami yung kaibigan ko tsaka naman walang bumati sakin. Kaasar ha?

* Zzzt zzzt zzzt *

OSHB Calling ...

Nuuuuuks, baka babatiin na niya ako :)

[Yoko, punta ka naman dito sa condo ko.. Dala ka pagkain. Wala kasi akong makain.]

Aba't! Hindi na nga ako binati, magpapadala pa ng pagkain? Tsaka may paa't kamay naman siya bat di siya bumili?

"Bat di ka umorder nalang? Aabalahin mo pako."

[Ayoko. Gusto ko ng nilaga tsaka ng kare-kare mo.]

"Ugh! Oo na, kung di lang kita--- TOOOOT TOOOOT TOOOOOT" ay leche! Siya na nga lang nahingi ng pabor, siya pa may ganang magbaba ng telepono? Kung di ko lang siya mahal di ko gagawin yung gusto niya eh.

At ito na nga, tumayo nako para pumuntang kusina at nagprepare ng mga ingredients para sa dalawang menu na gusto ng hinayupak na yon.

* You have one new message ♪ *

From: Meigan

~ Yoko, padagdagan yung pagkaen ha? Pupunta din kami sa condo ni Gous eh. Yun lang (^^v)

TT______TT akala ko babatiin na nila ako ng happy birthday. Mga walangya talaga sila, hindi na nila naalala na birthday ko ngayerns. Kaimbyerna tong mga to >_____< pero dahil nga mabait ako, dinagdagan ko na yung niluto ko. After 30 minutes of cooking, nagpahinga muna ako bago naligo.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis lang ako ng plain white na t-shirt tapos maong na shorts tas naka havaianas lang ako then tadaaa! Prepared nako para pumuntang condo ni Gous dala yung pagkaing nirequest niya.

After 20 minutes, nakarating nadin ako sa tapat ng unit ni Gous. Di nako kumatok kasi may spare key naman ako galing sa kanya kaya yun nalang yung ginamit ko para pumasok sa loob at nadatnan ko ang mga walangya kong kaibigan na nanunuod ng tv habang nakain ng popcorn.

"Ehem.."

"Oh Yoko, nandyan kana pala."

"Hindi Teri, wala pako KONSENSYA ko lang to." pinagdiinan ko talaga yung word na konsensya kasi parang hindi sila nakukunsensya na hindi manlang ako batiin ng happy birthday..

"Hay nako, PMS nanaman toh! Akin na nga yang dala mo at ng makain naten." sabi ni Sek sabay hablot nung bitbit ko at nagdiretso sa dining room para siguro mag ayos ng lamesa. Ang kaso, pagdating ko don.. Nakaupo na sila't lahat pero wala manlang nakahandang plato or anumang gagamitin para sa pagkaen namin.

At dahil nahiya ako sa kanila, ako na yung naghanda ng kakainan namin. After ilang minutes, nagsimula na kaming kumain.

Halos lahat sila ang iingay samantalang ako nanahimik lang kasi naman baka kapag nagsalita ako maiyak nalang ako dahil sa sobrang frustrations.

"Uy alam niyo ba, last month nagbirthday yung pinsan ko..." -Seryeo

"Ah, si Lavin Tador?" -Teri

"Hahaha oo. Alam niyo ba nung pagkagising niya, ang dami na agad na text message sa cellphone niya. Nagulat na nga lang kami eh tapos paglabas niya ng kwarto niya, ayun may surprise party." nainggit naman daw ako bigla tas parang nag init yung mata ko kaya tumayo ako tas pupunta sana sa cr ang kaso bigla nalang may humatak sa kamay ko sabay takip ng panyo sa ilong ko then everything went black.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon