Chapter 46

9.7K 151 8
                                    

Dedicated to ladyyuuki :))

CHAPTER 46

YOKO's POV

Nagising ako sa isang kwartong puro kulay puti, may nakakabit na dextrose sa kamay ko at amoy gamot ang paligid ko. Anong ginagawa ko dito sa ospital? Inilibot ko pa ang paningin ko nang may makita akong lalaking nakahiga sa couch sa loob ng kwarto. Dahan dahan akong tumayo bitbit ang dextrose at nilapitan siya.

"Hmm, Mr? Mr?" tawag ko sa kanya habang may kasamang mahinang pagyugyog. Tumigil lang ako nung gumalaw siya, nung makita ko yung mukha niya, napaatras ako bigla.. Bakit siya nandito? Anong kailangan niya saken? Bakit ganito yung tibok ng puso ko, bat parang nagwawala? Hindi, hindi ko na siya mahal! Si Gous na ang mahal ko.

"Yoko...."

"A-anong ginagawa mo dito?" Bitter na kung bitter eh bakit ba! Ang sakit kaya ng ginawa niya saken noon.

"I want to apologize for the heartache---

"Don't. Umalis kana, baka maabutan kapa ng fiancé ko." putol ko sa sasabihin niya.

"F-fiancé?" nagtatakang tanong niya saken.

"Oo, kaya wag mo na siyang lalapitan ulit." sabay kaming napalingon sa may pinto at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Gous na nakatayo habang naka poker face.

"K-kuya Pogi?" hala? Bading naba sya ngayon at pati fiancé ko type niya? "A-anong ginagawa mo dito?"

"Hoy Japet! Tantanan mo yang kabadingan mo ha! Tsaka, wag mo ngang agawin yang fiancé ko!" sigaw ko sa kanya. Takte siya, kapal ng mukhang magpakita tapos aagawin lang pala si Gous. Yep, you read it right! Si Japet yung nakita ko noon bago ako mawalan ng malay. Yung Japet na nanloko sakin six years ago. Small world eh no.

"Pffffft." Silang dalawa.

"What?!"

"Yoko, para kang tanga!" napa pout naman ako dun sa sinabi ni Gous. Gago to, ako pa nga ang tanga? "Hahahaha! Pinsan ko tong si Japet. Ex mo pala tong unggoy na'to?" Seriously? Magpinsan sila? Bat ganon, hindi naman halata...

"Ah.. Oo, ginago nga ako nyan eh. Pinagpalit ako sa mukhang sea horse tapos ako pa yung pinalabas na----

BOOOOGSH!

"Tarantado ka Japet! Si Yoko pala yung babaeng sinabi Meigous na lumuhod daw sa harap mo!" waaaaaa! nakakatakot ang pagmumukha ni Gous, para siyang papatay ng wala sa oras.

"Huy Gous, six years ago pa yon." awat ko sa kanya nung susuntukin ulit si Japet. Kawawa naman siya.

"Tss." Ayan nanaman siya sa pag-tss niya. Fyi readers, pagnag tss si Gous, it means napahiya siya or he's out of words.

BLAG

"Waaaaaaa Yoko, anong nangyari--- HOY GAGO! BUHAY KAPA PALA? KAPAL DIN NG MUKHA MONG MAGPAKITA ULIT EH NOH?" Omo, I smell war. FYI ulit, si Sek yung nakakita ng lahat ng pagdudusa ko mula nung hiwalayan ako ni Japet, kaya nung pang limang araw niya akong nakitang umiiyak, binatukan niya ko sabay sabing "Huling iyak mo na'to, dahil oras na umiyak ka ulit ng dahil sa kanya, bubugbugin ko na talaga yung gagong yon." tapang talaga ni Sek. First year pa pa lang palaban na masyado.

"K-kalma lang, n-nakita ko kasi siyang nakikipag away s-sa mga l-lasenggo sa kanto, tas after nun n-nawalan siya ng malay. Pero promise, di ko na guguluhin buhay nya, baka patayin ako ni Kuya Cross." sabi ni Japet habang nakayuko. Ayan nanaman, sinabi nanaman niya yung tungkol sa Cross na yan na hanggang ngayon eh hindi ko kakilala. "Siya nga pala Yoko, sabi ng doktor, pwede kana daw lumabas mamaya. Ayos nadin yung bill mo kaya mag empake kana lang. Sige, mauna nako." Kuhh, takot ka lang kay Sek eh, hahahaha!

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Where stories live. Discover now