Chapter 28

10.7K 210 2
                                    

CHAPTER 28

[ GOUS POV ]

"Yoko, may gusto ka ba kay Gous? Aish, let me rephrase it.. Diba may gusto ka kay Gous?" Narinig kong tanong ni Sek kay Yoko. Hmmm, nasan ako? Edi nandito padin sa tapat ng private room niya. Ayoko pang pumasok kasi baka masira ko yung moment nila and baka di ko marinig yung isasagot nya.

"H-hindi ko siya gusto." Laglag balikat, talikod at walk ou---. "D-dahil mahal ko sya. I don't know when, I dunno why. But I'm pretty sure, I love him that's why I sacrificed my life for him.. But, I'm afraid to tell him, kasi alam ko, until now, Sumi ... Sumi is still his girlfriend.

Girlfriend na hindi madaling palitan sa puso niya. Pero alam niyo yung feeling kanina na, niyakap niya ako pagkagising ko tapos binulong niyang pinag alala ko siya? Sobrang saya ko...

Sobrang saya ko to the point na maging selfish nako kasi gusto ko ng sabihin sa kanya yung nararamdaman ko at lumuhod sa harap niya para sabihing 'Kalimutan mo na si Sumi... Nandito naman ako.'

Pero hindi ko kaya... Hindi ko kayang manakit ng damdamin ng iba lalo pa't ako naman yung mali.. Hinayaan kong mafall sa isang taong may mahal ng iba though di niya alam kung kelan niya to makikita.

Na walang kasiguraduhan kung may balak pa ba yung pamilya ni Sumi na ipakita pa ito kay Gous. Naaawa ako kay Gous and naiinggit naman ako kay Sumi.

Naaawa ako kay Gous dahil ayun nga, hinihintay niua padin yung araw na bumalik si Sumi para happy ending na. Minsan nga nagdasal ako na sana bumalik na nga si Girl para mawala na yung lungkot sa mukha ni Gous.

Masokista na kung masokista pero anong magagawa ko? Mas gusto ko pang ako yung masaktan kesa sa kanya kasi nga... kasi nga mahal ko siya.

Naiinggit ako kay Sumi kasi kahit na wala siya sa tabi ni Gous.. Lagi parin siyang inaalala nito, na kesyo kumain naba daw ito o minsan pa nga sabi niya sana magpakita nalang ulit ito sa kanya tapos lahat ng iuutos ni Sumi gagawin niya.

Naiinggit ako kay Sumi, na dumating yung point na magmukha akong tanga kasi iniisip ko kung may kapatid pabang lalake si Gous? Or kung may lalake pa bang katulad ni Gous haha, para akong tanga noh? Haaaaay, sensya na ha, ang haba ng sinabi ko." Nganga. Speechless at napatunganga ako sa mga narinig ko. Totoo ba? Totoo bang mahal ako ni Yoko? Ibig sabihin, may sagot na kung saka-sakaling sabihin ko sa kanyang.., mahal ko siya? Aish! Makapasok na nga lang sa loob. So ayun, dahan dahan kong pinihit yung door knob tapos tahimik na pumasok, haha hindi padin nila ako napapansin.

"Last question Yoko.. Kunyare kasal na kayo ni Gous, tapos biglang bumalik si Sumi, what will you do?" Tanong naman ni Teri. Bwiset talaga to! Ito na ko oh, poporma na eh!

"I don't know. Maybe, I let Gous choose between me and Sumi even though I know na dehado ako. Hahaha." Tss. Asa pang ibalik nila saken si Sumi. Mga Seion? Gagawin yon? Spell ASA?

"What if narinig niya lahat ng sagot mo sa kanya mula kanina.. What will you do?" Si Sek ulit. Itong dalawang to, magkasundo lang kapag pagtitripan si Yoko o kaya ako. Mga walangya eeh.

"Hindi naman si---- KYAAAAAA! K-kanina ka pa ba jan?" Fvck! Ang ganda niya lalo nung nagblush siya. Naaaaks, akala ko walang talab yung charismachiks ko eh.

"Uhmm, oo?"

"A-anong narinig mo?"

"Lahat."

"Mahal mo din pala ako, tatanggi pa?" Panghuhuli ko sa kanya.

"DIN?!" sabay na sigaw nina Teri At Sek na abnormal.

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Where stories live. Discover now