Chapter 42

8.8K 130 7
                                    

CHAPTER 42

[ YOKO's POV ]

Tulad nung isang araw, maaga akong pumasok na hindi ko alam kung bakit. Tahimik akong naglalakad papunta sa building namin habang nagmamasid sa paligid. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang may kakaiba ngayon dito sa university. Paakyat pa lang ako ng hagdan nang biglang may nagsigaw ng pangalan ko, paglingon ko, nakangiting sina Seryeo at Teri kasama sina Sek at Meigan na nakangiti din yung totoo, mag oon naba sila o sadyang close lang sila?

"Huy, tulaley?" Medyo nagulat ako nung bigla akong tinapik ni Meigan sa balikat. Hindi ko kasi inaakalang nakalapit na sila.

"Tapatin niyo nga akong apat, mag oon naba kayo?"

"OO!" sabay sabay nilang sagot. Well, hindi nako nagulat kasi expected ko na yon ang gusto ko lang malaman eh kung pano.

"As I expected, but wait... Share niyo naman yung story." sabi ko sa kanila habang naka cross finger. Sana ikwento nila saken? Hello! Kaibigan din nila ako.

"SECRET!" again, sigaw ulit nila in chorus.

"Tss." yun lang at nilayasan ko na sila. Nagtuluy tuloy nakong umakyat ng hagdan hanggang sa makarating ako sa floor namen. Letche, bakit ba kasi walang elevator tong university nina Gous? Ang poor ha! Habang naglalakad ako papuntang block namen, inilagay ko yung shoulder bag ko sa unahan dahil kanina pa akong may kinakapa na hindi ko naman makapa kapa hanggang sa may nakabangga akong may malakas na pwersa kasi obviously napaupo ako. Nag antay ako ng ilang minuto pero hindi niya ako tinayo kaya naman tinignan ko sya, nagulat naman ako kasi kasing edad sya ni Daddy. Anong ginagawa nito dito? Off limits ang parents dito a? Nung halata naman na wala siyang balak itayo ako, ako na yung kusang tumayo.

"Be careful next time." Yun lang yung sinabi niya. Wala manlang sorry sorry dahil nabangga niya ako?

"Ahmm excuse lang po ano? First of all, ikaw po yung nakabangga saken, second, pwede naman po sigurong maging gentleman kahit minsan diba? Try niyo po, hindi masama." Sabi ko dun sa bumangga saken. Sorry sya, kahit mas matanda sya saken, sya naman yung may kasalanan kaya nag on yung pagiging medyo-mataray-mode ko. Hehhehe, sorry mommy, daddy ( ^_^v) .. Nagulat ako nung bigla syang ngumiti.

"Nice try .. I think your parents did a great job." Tapos nag smile sya ulit. Nung sasagot na sana ulit ako, may lalake namang biglang lumapit sa kanya. Shemaaaaaay, ang gwapo!

"Dad.." Tapos tinap niya yung balikat nung dad nya daw chaka sya tumingin saken, napanganga pa nga eh. Hahahaha, ang ganda ganda ko talaga.

"Ganda ko noh?" Pagyayabang ko sabay flip ng hair.

"HAHAHAHAHAHAHA! As expected... Mana mana lang talaga hahahaha!" Bwiset to! Pagtawanan ba daw ang beauty ko, pero teka, mana mana? Eh mabait naman parents ko, hindi naman sila sing yabang ko? "What do you mean? Mana mana?"

"Hahaha, yeah.. Mana mana, may pinagmanahan ka nga talaga! Anyway, I'm Hayate Nasaio and this is my father, Hitako Nasaio." Then he extended his hands para siguro makipag shake hands? Well, since gwapo sya, nakipagkamay ako sayang yung exposure chaka chance na makahawak ng kamay ng gwapo.

"Uhmmm, Yoko Saio. Nice to meet both of you kahit na hindi nagsorry saken yung dad mo. Turuan mo ng pagiging gentledog err--- I mean pagiging gentleman. Excuse me, mauna nako!" Tapos iniwan ko na sila. Bahala sila sa buhay nila, baka malate ako.. Sayang yung aga ko ng pasok, haller?!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating nadin ako sa tapat ng block namen. Agad kong binuksan yung sliding door ng block namen then pumasok ako. Nung maisara ko na yung pinto, didiretso na sana ako sa upuan ko ng may mapansin akong dalawang bulto na magkayap? Nung tinignan ko yung lalake, agad kong syang nakilala. Hindi to maaari! Hindi ako lolokohin ng boyfie ko.

"Excuse me, baka naman hindi nakakahiya, hindi to park... Classroom ho ito, so please lang pwedeng bumaba nalang kayo and find some decent and proper place kung san pwede yang yakap yakap na yan. Yuck!" Then bigla ko silang tinalikuran at naupo nako sa upuan ko. I want to congratulate myself kasi hindi ko alam kung san ko nakuha yung lakas ko ng loob para sitahin sila ng ganon. Look, si Gous at si Sunny eh magkayakap habang nakatingin pareho sa labas. Na obviously nakaharap sila sa bintana. Letche, naiiyak ako! Kaya imbis na ipakita sa kanilang nagtutubig yung mga mata ko, yumuko nalang ako sa desk ko para mukha lang akong natutulog. After three minutes naramdaman kong may tao sa harapan ko pero I don't care. Kunyari nga tulog ako diba?

"Y-yoko.... I know gising ka, kung anu man yung naabutan mo, forget about it ... Wala lang yon, magbestfriends kami diba? Sige, labas muna ako." Kapal ng mukha ha, sarap sapatusin yung pagmumukha nya. Maya maya may narinig nanaman ako na lalo kong ikinairita.

"You'll never win against me darling, kung ako sayo, babantayan ko na lahat ng pag aari ko." then she left. Habang ako, natigilan bigla sa sinabi ni Sunny. Yes, si Sunny yung nagsabi saken ng word na nagpagulo sa utak ko. May nangyayari bang hindi ko alam? May problema bang hindi ko alam? Sana naman may isang taong lalapit saken para ipaliwanag yung nangyayari ngayon.

[ MEIGAN's POV ]

"Huy loko kayo, nagtampo ata si Yoko saten! Di niyo kasi kinuwento." kinakabahang sabi saamen ni Teri. Anu naman sa kanya? Ang weird nitong taong to.

"No, she's not. Asang magtampo yon, edi nawalan siya ng source ng food? Hahaha." Cool na sagot ni Sek. Grabe, kakaiba din to eh. Daldal parin sila ng daldal sa likuran ko ng bigla akong napatigil kaya nabangga silang tatlo saken. Kanya kanya naman silang reaksyon.

"Aray!" Sek

"Hey babe, what's wrong?" sino pa ba? Edi si Seryeo.

"Ouch! Ang ilong ko, nabali ata!" Kung normal na sitwasyon lang siguro to, baka natawa nalang ako ee, kaso hindi. "Bakit kaba biglang tumigil?" dagdag pang tanong ni Teri.

"Boss." Sabi ko sabay bow. Tae, anong ginagawa niya dito? Nila ni Hayate? Wow, nakabalik na pala to galing Norway, kelan pa?

"Meigan, Sek.. Long time no see!" Nakangiting bati samin ni Hayate. Nung tinignan ko yung dalawang lalakeng kasama namin ni Sek, ang sama ng tingin nila kay Hayate. Naku, wag nyong susubukan tong anak ni Boss, baka di na kayo abutin ng bukas. Sadista pa to kesa sa ama nya.

"Yeah... It's been a long time" Ugh! Wala akong mahagilap na salita.

"Speechless eh? Hahaha, anyway, Luci and Death, Veitton Saio raise a beautiful and brave daughter huh?" Tumango nalang kaming dalawa ni Sek habang yung dalawa naman eh biglang nanlake yung mata.

"H-Hitako Nasaio?! Ano hong ginagawa mo dito? Alam naba nilang buhay ka?" Lakas loob na tanong ni Teri.

"Hindi pa. Kaya kung magpapatuloy yang kadaldalan mo, you better watch your back dahil baka may katana na palang nakatutok sayo." tapos bigla syang ngumiti na parang demonyo. "Anyway, take care of my daughter, kumikilos na ang mga kalaban. Hindi pa ako pwedeng lumapit sa kanya hanggat hindi pa napapatay ang traydor nayon. Hayate, come on." litanya nya bago umalis sa harap namin. Grabe, nagkaharap na pala sila ni Yoko, ano kayang reaksyon ni Hayate ng makita ulit yung kapatid nya? Ayoko ng isipin.

[ HAYATE's POV ]

Yow! Nga pala, Hayate Nasaio at your service. Older brother ni Ayako or Yoko. Kakauwi ko lang galing Norway dahil doon daw ako itinago ng parents ko dahil paranoid si mama sa pagkamatay ni Tito.

Alam ko din kung saan lumaki si Ayako at medyo kinabahan ako nung malaman kong ang taong nagpalaki sa kanya eh yung mismong traydor pero nung sinabi ni Dad na everything is under control which is lagi nyang sinasabi tuwing may gulo, napayapa na yung loob ko. Hindi ko lang lubos na maisip kung ano ang mangyayari oras na magdeklara na ulit ng Mafia War ang traydor na si Veitton Saio.

**

Lame update, sorry guys ....

Bawi nalang ako next time. Gomenasai!

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt