Special Chapter: Chapter 33 (Her Past)

9.6K 147 1
                                    

So, here's the update ENJOY READING!

CHAPTER 33

[ YOKO's POV ]

Hindi ko namalayan na nagblush na pala ako. Oo kanina hinihiling ko na magsorry siya saaken dahil dun sa pagpahid niya ng sauce saken. Ang babaw no? Pero bakit ba, gusto ko eh.. Gusto kong maranasan yung malambing ng isang lalake in a super sweet way kasi hindi ko siya naranasan noon. Nagkaboyfriend kasi ako noong first year ako, yeah first year. Ang aga kong lumandi no? Haha, anyway crush ko kasi siya noong grade 6 ako kaya nung niligawan niya ako, pinatagal ko muna ng 3months kasi para malaman ko if sincere ba talaga sya, so ayun at exact three months, sinagot ko siya.

The first two months of our relationship is perfect. Walang problema, hindi kami nag aaway. As in wala talaga, maybe sabi nila kase nga naman nagsisimula pa lang kaya bakit kelangan ng away agad? Narealize ko din yon pero binalewala ko nalang at inisip ko na mahal lang talaga namin yung isa't isa. But one day .....

< Flashback >

Mag isa akong naglalakad sa corridor ng makita ko ang boyfriend ko. Balak ko sana siyang lapitan ng may makita akong babaeng nakayakap sa kanya, okay na sana kaso narinig ko yung sinabi nung babae.

"Babe, makipagbreak kana kay Yoko. She doesn't deserve you. Hindi kayo bagay, pero tayo bagay na bagay tayo."

Halos masugod ko na yung malanding babae na yon dahil sa narinig ko pero hinintay ko muna yung sasabihin ng boyfriend ko. Nanlumo ako sa sinabi niya.

"I can't.... I can't because I need her. Matalino siya and I know kaya niyang pataasin yung grade ko. Pero don't worry, after mag deliberate ng grades, makikipagbreak nako sa kanya and liligawan kita sa tamang paraan."

Sobrang sakit ng naramdaman ko lalo na nung yakapin din siya ng boyfriend ko. So, totoo pala ang kumakalat na rumors about that Rea bitch na boyfriend stealer daw kahit grade six pa lang. Ginamit lang pala ako ni Japet para gumanda yung grades niya. Ibig sabihin, sa 4months naming mag on, ni isa sa isang buwan hindi niya ako minahal.

"J-japet...." bulong ko sa sarili ko pero narinig pala nilang dalawa. Nakita kong napalingon sila saaken at sabay na nanlake yung mga mata nila. I saw Japet's eyes, his eyes with too much anger. Anong kasalanan ko? Bakit siya pa ang may ganang magalit? I saw smirk on Rea's lips. I know, masaya na siya ngayon kasi mission accomplish na nya nga naman.. Yung makapagpahiwalay ulit ng dalawang magkasintahan.

"What.are.you.doing.here?" Tanong niya saken. Bawat salita niya, may kahalong diin kasabay ng takot na sumaklob sa pagkatao ko.

"J-japet...." wala akong ibang magawa kundi ang tawagin lang ang pangalan niya. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ng mahigpit yung braso ko. Alam niyang masakit yung ginagawa niya pero he doesn't care at all.

"Kelan ka pang natutong makinig sa usapan ng iba?"

"I-I'm sorry... Hindi ko sinasadya."

"Sorry? Ano pang magagawa ng -----"

"BAKIT BA AKO ANG HUMINGI NG SORRY SAYO? SINO BANG NANG GAGO? SINO BANG NANGLOKO?" hindi ko na mapigilang hindi umiyak kasi sobrang nasasaktan ako. "SIGURO NAMAN----PAK!" natulig ako sa sobrang lakas ng sampal sakin ni Japet. Hindi ko lubos maisip na kaya niya akong saktan.

"Let's end this, Yoko. Dahil sa ginawa mo, nadisappoint ako sayo. Goodbye, and ayoko ng makita ang pagmumukha mo!" Then he left me in state of shock. Nang lingunin ko siya, kasama na niya si Rea wearing her victory smile. Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa frustrations...

After that day, sinabi ko sa sarili ko na hindi nako maaapektuhan kapag nakita ko silang magkasama. Pero parang kinain ko lang yung sinabi ko, dahil kinabukasan... Nilapitan ko si Japet para humingi ng sorry ay hilingin na sana magkabalikan pa kami. Pero instead na pakinggan niya ako, bigla nalang niya akong iniwang nakaluhod at magmukhang tanga sa mga tao sa loob ng eskwelahan too think na isa ako sa mga mukha ng school. Nang makita ako ng mga bestfriends ko which is Meigan and Sek, they asked who is that bitchy girl pero hindi ko nalang pinansin at ikinuwento ko nalang ang ginawa ko kanina. Nagulat nalang ako ng bigla akong binatukan ni Sek sabay sabing:

"Tanga ka talaga, ginawa niya lang yung rason na yon para ikaw ang magmukhang may kasalanan sa paghihiwalay niyo, kahit na sa totoo lang eh sa simula pa lang, sya na yung unang bumitaw at nag aksaya ng pagmamahal mo." Then she walk out. Meigan patted my left shoulder then "Sek is right, he is the one who destroyed your relationship... Don't feel bad, it's not your fault and hindi siya kawalan." And then she walk away also.

< End of Flashback >

Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako. Basang basa na ng luha yung mga mata ko. Alam kong anim na taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon I'm still affected.... I'm still affected sa nangyari sa unang pag-ibig ko noon. Nung una, akala ko magiging man hater na ako pero nung magkaroon ako ng mga kaibigang lalake, napatunayan kong hindi. Minahal ko si Japet pero sinayang niya lang yung pagmamahal ko. Kaya siguro maaga akong nakamove on kasi nalaman ko na ginamit niya lang ako for his own good. Pero siguro, kung magkikita kami ulit, siguro wala na yung nangyari. Hindi ako bitter at lalong wala akong balak magpakabitter dahil may boyfriend na ako ngayon na alam kong mahal na mahal ako, hayun nga't nakanta sa unahan para lang iparating ang lubos niyang paghingi ng sorry saakin. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago nagpasyang ituon ang buo kong atensyon sa kumakanta sa unahan.

**

Next chapter is the continuation of YoGous's date ^_______^

I'm A Slave .. Of A Mafia Boss?! [Complete]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum