Chapter 6

4.5K 164 10
                                    

Chapter 6: Valuable

I should learn more about the rarest power. Kailangan kong magbasa ng iba pang libro tungkol dito.

I was trying to read the other words that are written on the book when I heard footsteps. Dali dali kong isinara at inilagay sa bag ko ang libro. Wala munang dapat makaalam nito. Julia is not an exception.

Bumukas ang pinto. "Luto na 'yung popcorn,"

"Y-Yeah kain na tayo,"

*****

Bagong araw na naman ang bumungad sa'kin. Nandito ako ngayon sa library dahil vacant time na. Dumiretso ako rito para maghanap ng aklat tungkol sa matinding kapangyarihan.

Habang naghahanap ako, bigla kong nakita si Madame Selina na papunta sa sulok ng library. Nagtago ako bigla sa isang malaking bookshelf na puno ng aklat at maingat kong sinundan si Madame.

Shit! Maingat siyang pumunta sa square-like door! Doon ko nakita ang aklat tungkol sa matinding kapangyarihan! Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nadatnan niya na wala roon ang libro? I am trembling so bad right now. Kinakabahan ako ng sobra!

Maingat na binuksan ni Madame ang square door at laking gulat niya nang makitang wala na roon ang libro na hinahanap niya!

Kumuyom ang kanyang mga kamay at makikita na galit na galit siya! Hala, ano ba 'tong pinasukan kong gulo?! Because of my curiosity, I am now involved in this mess!

Bigla siyang tumayo at pumunta siya sa librarian na si Mrs. Minnea Lepreshka at kinaladkad niya ito papunta sa area na malayo sa mga estudyante.

"Minnea, nasaan na ang aklat?!" Tanong ni Madame Selina na halatang galit na galit talaga.

"Ano?! Nandyan lang 'yan! Hindi ko kinuha iyon! Parang ang labo namang may makakuha 'nun dahil masyadong tago ang lalagyan!"

Ako ang nakakuha. I'm sure that they will hunt me down!

"Wala na roon! Tatanungin ba kita kung nandoon pa rin?! Bwiset!" Frustrated na sabi ni Madame.

"Sino namang intruder ang kukuha 'nun?"

"Kailangang matunton ang salot na kumuha ng libro ko! Kamatayan ang pataw sa kanya!"

Shit, kapag nalaman nila na ako pala ang kumuha ng libro, papatayin nila ako! I'm doomed!

"Hahanapin ngayon din, Madame." Sagot ni Mrs. Minnea at naglakad na palayo.

Natirang mag-isa si Madame Selina na nakatayo roon. Sinapo niya ang ulo niya dahil sa frustration. Biglang nalaglag ang isang aklat mula sa bookshelf na hinihiligan ko. Damn it, I'm so dead!

Bigla namang inilipat ni Madame ang kanyang atensyon sa aklat na nahulog. "Sino ang nandiyan? Lumabas ka!"

Papalapit siya sa direksyon ko! What should I do now? Think, Zaya, think!

"Meow," Wala na akong maisip na ibang palusot!

"Pusa lang pala... Kailangan na talagang libutin ni Minnea ang library na ito. May mga hayop na nagkakalat!" Sabi niya pa at umiling-iling siya.

Naglakad na siya palayo. Mabuti lang at nakalusot ako! Pinalis ko ang kaonting pawis sa nuo.

Dali-dali na akong umalis sa kung saan akong area at naghanap na ulit ng mga libro. Marami ritong mga aklat tungkol sa iba't-ibang kapangyarihan pero kung ikukumpara, walang makakahigit sa aklat na nakuha ko sa square-like door.

Grabe, kayang pumatay ni Madame Selina para lamang sa librong 'yon. Mahalagang-mahalaga ba talaga sa kanya ang aklat na nakuha ko? Ano bang halaga 'non? Sa bagay, ang pagpatay ay legal sa lugar na 'to. Kahit ano man ang dahilan ang meron ka, pwedeng kang pumatay.

Hindi ako makapaniwala na buhay pa ako. Mag-iisang buwan na ako rito. And the truth is, I miss my family. Walang araw na hindi ko sila naaalala. I just hate na pinipilit nila akong kumuha ng kursong ayaw ko. Pero kahit ganoon sila, mga magulang ko pa rin naman sila.

I have a younger brother at swerte siya dahil ang gusto niyang kurso, ay gusto ng parents namin para sa kanya. Ako naman, ayaw ko sa kursong gusto nila para sa akin. How I wish that I liked the course my parents wanted me to take. Kasi kung naging gusto ko yung kurso na gusto nila, wala sana ako rito sa DU. Hindi sana ako nasasakal sa piling nila.

Teka lang, parang lumayo na ako. From the book, to this. I feel sad. I miss my brother. I went to the big window pane of the library. Kita rito ang buong DU.

Napatingin ako sa kalangitan. Parang ang lungkot din ng langit. This is so weird. When I'm angry, the sky is angry too. When I'm sad, the sky is sad too. Bakit nangyayari ito? No, this is just my infatuation.

Pero balik sa aklat... Should I return it?

-

Death UniversityWhere stories live. Discover now