Chapter 36

2.2K 66 2
                                    

Chapter 36: Reasons

Pinakalma ko ang sarili ko at mabilis akong naglakad upang madaling makaabot sa dorm ni Selton. His blood is dripping for Pete's sake! The more he loses blood, the more that his life is in danger!

I remembered my handkerchief  that's inside my pocket. I got a hold of it,  at agad-agad kong inilagay iyon sa sugat ni Selton. Nang matapos kong mailagay ang panyo, hinawakan ko iyon ng maigi upang hindi malaglag, and also for it to stay in its place.

Ilang minuto ang lumipas at nakaabot na kami sa dorm niya. Kanina pa dumadaing si Selton dahil sa sakit ng sugat niya. Kaya, nag-aalala ako ng sobra.

Agad-agad kong pinihit ang door knob at agad kong pinaupo si Selton sa couch.

"Hang on, Selton. You'll be okay." I assured him. "Nasaan 'yung medicine kit niyo?"

He pointed inside the kitchen. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at dali-dali kong kinuha ang medicine kit.

When I came back to him, I can't believe I will need to do this pero kailangan talaga. Sabi ko, "U-Uhh, Selton, k-kaya mo bang hubarin ang shirt mo? Kailangan ko kasing malinis 'yung sugat mo."

Tumango naman siya at agad na hinubad ang pang-itaas na damit, and of course he has the abs! Without thinking further, I poured some betadine on his wound and at the same time, he's screaming in pain! Pati tuloy ako ay parang nasasaktan din! Sobrang hapdi siguro sa pakiramdam!

Pagkatapos kong linisin ang sugat niya, nilagyan ko kaagad iyon ng benda. Nakapikit ang mga mata ni Selton nang tinignan ko siya. At bago pa ako makapag-salita muli, bumukas ang pintuan. Ang tindi ng kaba ko nang makita kung sino ang nariyan.

It's Madame Selina.

"Oh my God, anong nangyari sayo, Selton?!" Sigaw niya sa gulat at agad na pumunta kay Selton. Tumabi naman ako para mas makadaan siya.

Si Selton naman na kaninang nakapikit, ay nagmulat na ng kanyang mga mata. "I'm okay, Mom."

Umiling si Madame Selina at parang bigla siyang natauhan na nandiyan pala ako. She turned to me.

"Well, who's here?" 

Matindi ang kaba sa puso ko. Para kasing may apoy sa mga mata niya at parang hindi mo malalaman kung ano ang ekspresyon niya.

"Si Demerine— I mean si Zaya, po. Tinulungan niya ako. Kung wala siguro siya, sigurado akong patay na sana ako ngayon."

"Oh is that so? Thank you for saving my son, Zaya. Siguradong naghihingalo na sana ang anak ko kung hindi mo siya tinulungan." Sabi ni Madame at ngumiti siya sa akin na siyang hindi ko inaasahang gagawin niya!

Matagal pa bago ako nakasagot. "W-Walang anuman, p-po. Kaibigan ko po si Selton kaya tutulungan ko talaga s-siya."

She smirked then said, "Okay. Can I have a word with you, then?"

Shit, what will she say to me? Iba ang pakiramdam ko sa sasabihin niya! Tumango lamang ako.

"Mom, where are you taking her?" Agad na bulalas ni Selton.

"Don't worry. We'll just talk." 

Bumaling naman si Selton sa akin. Sabi ko, "I-It's okay. Mag-uusap lang naman kami."

Pero ang totoo, matindi ang kaba na nasa puso ko ngayon! What will Madame Selina say to me?!

Dinala niya ako sa hardin sa likod ng dorm nila. "Ano po ba ang pag-uusapan natin?"

Nawala ang ngiti sa labi niya. Her aura turned dark. "Sa susunod na mangyari ulit ang katulad nito, huwag mong tutulungan si Selton. Naiintindihan mo?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Why did she say that? Gusto niya bang mapahamak ang anak niya?! 

"Gusto niyo po bang mapahamak ang anak niyo?" 'Di makapaniwala kong anas.

She laughed evilly. "Syempre, hindi. Hindi ko gustong mapahamak ang anak ko. Ang gusto ko lang, sa susunod, hayaan mo siyang iligtas ang sarili niya. To me, it's such a shame that a girl saved a boy. What should be done is the opposite... A boy should be the one to save a girl. So what you should do is to let Selton save himself next time... Do you understand?"

Demonyo talaga siya! Akala ko may maliit pa na kabutihan sa puso niya pero nagkamali ako. She's pure evil. A demon like her doesn't deserve to walk on earth!

"Of course you do understand," Sabi niya dahil hindi ako nakasagot at ngumiti na ulit siya. "You can now leave, hija. I'll take care of my son."

"Okay, po. I'll leave now." At isa pa, I'm sick of saying 'po' to her! She doesn't deserve to be respected at all!

"Demerine ano ang sinabi ni Mom sayo?" Tanong sa akin ni Selton nang makaabot na ako sa sala nila.

"I-It was nothing, Selton. Nagpasalamat lang siya dahil iniligtas kita... I'll go now." Sabi ko at diretso-diretso akong pumunta sa front door upang makaalis.

"Wait," He says. "Thank you so much, Demerine."

I smiled at him and said, "You're welcome... Magpahinga ka na, Selton. Just do slight movements, okay?"

"Yes, boss!" He jokingly said. Natawa ako sa kanya at nagpaalam na.

Nang makalabas na ako nang tuluyan mula sa dorm nila, maglalakad na sana ako paalis nang narinig kong magsalita si Madame.

"Hindi ka kasi nag-iingat kaya 'yan ang napapala mo! Hindi ka ba marunong lumaban, ha?!"

Natakpan ko ang bibig ko dahil sa narinig. 

"Mom, lumaban ako. Hindi ko lang talaga nakita sa likod ko na may kasama pala 'yung nakaaway ko." Sagot naman ni Selton.

"You should be aware of your surroundings, Selton! And eto pa, sinasabi ko sayo, huwag kang magpatulong ulit sa iba. You should save yourself!" Sabi ni Madame at ayon sa kanyang boses, galit na galit siya.

I ran away from their dorm. I don't want to hear more from her. Demonyo talaga siya! Ayaw niyang iligtas ng ibang tao si Selton kapag nanganganib ang buhay nito. Ang gusto niya, iligtas ni Selton ang sarili niya. Nasugatan na nga si Selton, pinagalitan niya pa! Dapat talaga siyang mawala para matapos na ang kademonyohan niya! Kung may kapangyarihan lang sana ako para matigil na siya siya sa kademonyohan niya, I couldn've done it a long time ago!

Kapag magkikita kami ni Madame, I should always act na ginagalang ko siya. Kagaya 'nung kanina. I always use 'po' pero sa totoo lang, hindi siya dapat respetuhin dahil sa kasamaan niya!

How could she do this? How could she... trap people inside this university? Is it really just because of fame? Pero para sa kasikatan, ganito talaga ang ginawa niya?

Maybe there's other reasons for her to do this. I think it's not just because of fame... I think she has other reasons but I don't know what that reasons are.

-

Death UniversityWhere stories live. Discover now