Chapter 20

3.5K 121 3
                                    

Chapter 20: Intently

Coal... That name suits this black horse well dahil sa sobrang itim ng kulay niya na parang charcoal.

Natigil ako sa paghimas sa kabayo nang maisip ko kung anong oras na. Shit, I think I'm late for the third period class! And I think I can't make it! Arg!

"Bye, Coal. Next time na pumunta ulit ako rito, dadalhan kita ng pagkain. Promise 'yun." I said and he just made noises.

I immediately left to go to my third period class.

Nang makapasok ako sa room, wala ng mga estudyante roon. Si Mrs. Liyales, ang Prof, lamang ang nandoon.

"S-Sorry, Prof." Pagkasabi ko non, Mrs. Liyales diverted her gaze to me.

"Saan ka ba pumunta, Miss Dawnt?" Seryosong tanong ni Prof.

"A-Ah kasi po n-naligaw ako." Pagdadahilan ko. Hindi ko na dapat sabihin kay Prof ang tungkol sa tampuhan namin ni Julia. Sa amin na lang iyon.

"Naligaw ka? Ang tagal mo na rito, ah? Lampas apat na buwan na tapos naligaw ka pa?"

"K-Kasi po naglakad-lakad muna ako tapos naligaw po ako sa kagubatan."

"Ah ganoon ba? Oh sige. Ang lawak-lawak kaya ng kagubatan dito... Sa susunod na papasok ka sa kagubatan, siguraduhin mo na alam mo ang daan pabalik."

"Y-Yes, prof."

"By the way, may ipinagawa akong essay kanina. What you will do is, pumili ka ng libro sa library tapos pumili ka ng isang topiko mula sa librong napili mo. Then, make an essay about your topic. Kumuha ka lang ng concrete ideas sa topic mo and the rest, dapat own ideas mo na. You will be writing that on a cream laid paper... Clear?"

"Yes, prof." Sagot ko.

At tama ang sinabi ni prof na "cream laid paper". Cream laid papers are the ones we use here in DU. Kakaiba nga, eh.

"That essay will be passed tomorrow. You'll be passing your essay together with your classmates." Sabi niya pa.

"Okay, po. Thanks for explaining." Those were the last words I said before I left Prof Liyales' room.

*****

Nang makapasok na ako sa room kung saan ang fourth period class namin sa umaga, I sighed in relief dahil wala pa si Prof Alec.

Eto namang mga kaklase ko, usap lang ng usap. Ang ibang kababaihan ay naglalagay pa ng kolorete sa mukha. Seriously? Sa loob pa talaga ng classroom sila magm-make up ng mga itsura nila? Duh, may cr kayang nag-eexist! Napairap na lang ako sa mga pinanggagawa nila.

"Good morning, students."

Natahimik na ang lahat at inayos na nila ang mga sarili nila dahil nandiyan na si Prof Alec.

"Today, I will not be able to teach you because I have a special meeting to attend to."

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko dahil sa narinig mula kay Prof. But then, hindi man lang ako na-excite na walang klase dahil alam kong may ipapagawa naman siya sa amin kahit wala siya.

"But of course, I will leave you with library work."

See? I was right. Hindi ibig sabihin na dahil aalis lang siya ay free na kaming lahat dahil iiwanan niya naman kami ng mga gawain.

Umismid ang mga kaklase ko dahil sa narinig mula kay Prof.

"Magsasaliksik kayo tungkol sa..." Tuloy-tuloy na sabi niya. "You'll be writing that in two cream laid papers."

Marami namang nagreklamo na mga kaklase ko dahil daw marami na ang gawain ngayong araw pero alam ko na tamad lang talaga sila.

While, me? Eto ako at tahimik lang habang nakikinig sa mga panuto. Hindi na ako kakamog tungkol sa mga gawain dahil wala naman akong magagawa.

"Further questions?" Tanong ni Prof.

"Prof, kailan 'to ipapasa?" Tanong ko. Tumingin naman ang aking mga kaklase sa akin dahil ako lang ang walang kamog.

"You will be passing that, today." Sagot ni prof na ikina-stress pa ng nga kaklase ko.

"Agad-agad?! Grabe naman!"

"Naku, haggard na ako nito!"

"Mag-ooily na ang mukha ko dahil ang daming gawain!"

'Yan ang mga narinig ko sa mga babae kong kaklase. Nakakainis, ang aarte.

"Makikipag-patayan pa ako! Darn it!" Reklamo ng lalake kong kaklase na mukhang basagulero talaga at mukhang sanay na sa pakikipag-patayan.

"Stop the noise and proceed to the library!" Ani Prof.

Lumabas na kaming mga estudyante at pumunta na kami kaagad sa library.

*****

I'm writing inside the library, silently. I just kept on writing what I need to write for our assignment.

Kahit sumusulat ako, I can't stop thinking about my best friend. I feel bad. I'm a bad person for not thinking about her feelings. She's just being concerned. But then, I have nothing else to do because the damage has been done.

The bell rang. It means na lunch break na kaya tinapos ko na ang ipinapagawa sa amin ni Prof at dumiretso na ako sa cafeteria kung saan kami magkikita ni Selton.

Nang dumating ako sa cafeteria, nakita ko kaagad si Selton na nakaupo tapos may kausap na magandang babae. Hindi ko marinig ang mga pinagsasabi nila pero talagang nakangiti ang babae at parang nagpapa-cute pa kay Selton. Tss, ang pabebe.

Gumanti naman ng halakhak si Selton dahil sa sinabi ng babae sa kanya na hindi ko marinig dahil sa ingay ng buong cafeteria. Hays, masyadong malandi. Napatingin si Selton sa direksyon ko ganon na rin ang babae. Napawi ang ngiti ni Selton na ikinatingin sa kanya ng babae.

Umiba ang ekspresyon ng babae at inirapan niya ako. May lumapit kaagad sa kanya na babae din na... mukhang kaibigan niya at may ibinulong ito sa kanya. Ang mataray niyang ekspresyon ay nag-iba. Natakot siya, all of a sudden. Huh? Ano ba ang ibinulong ng kaibigan niya na ikinatakot niya?

Nang makalapit na ako, napalayo naman ang babaeng kanina'y kausap ni Selton. May takot sa kanyang mga mata.

"K-Kita na lang tayo, Selton. I'll wait for you." Sabi nito na hindi man lang pinansin ni Selton, na nasa akin na ngayon ang buong atensyon.

Tumalikod na ang babae at naiinis na umalis mula sa loob ng cafeteria.

"S-Sorry about that, Demerine." Selton said when we're finally alone on the table.

"Ayos lang,"

"So, what do you want to eat?" He asked me with a wide smile plastered on his face.

"Uhh... pakbet na lang yung sa'kin."

"Okay... Te, dalawang pakbet at tsaka dalawang kanin." Sabi niya na ikinatango lamang ng matandang waitress.

"Eh bakit pakbet din 'yung kakainin mo?" I voiced out my thoughts. Not that he's not allowed to eat the same food as me, I'm just plainly curious.

"Kasi 'yun din 'yung kakainin mo," Nakangisi niyang sabi.

"Wow, ha." Natatawa kong sabi.

"At tsaka, matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain ng pakbet, eh." Sabi niya pa.

Natawa na lang ako sa kanya at ibinaling ko ang aking tingin sa labas ng cafeteria sa likod ni Selton. Napawi ang ngiti ko dahil sa aking biglang nakita.

A pair of mesmerizing eyes, looking at me intently.

MK... Anong ginagawa mo riyan at bakit ganyan ka makatingin?

-

Death UniversityWhere stories live. Discover now