Chapter 34

2.7K 84 10
                                    

Chapter 34: Year

"Demerine, are you really okay?" Tanong ni Selton sa akin nang makaabot na kami sa dorm ko. Pinayagan ko na lang siya na ihatid ako dahil nagpupumilit talaga siya.

"Okay lang talaga ako, Selton. Don't worry. I promise you, walang masakit sa akin oh ano." Sagot ko sa kanya sabay ngiti.

"Okay, then... Thank you for the wonderful afternoon." Nakangisi niya ng sabi.

"Thank you too," I smiled at him and I went inside the dorm.

Nang makapasok ako, wala akong nadatnang tao. Baka nasa klase sina Julia at Godwin.

Nagwalis muna ako ng sahig at inayos ko ang mga dapat ayusin. I cleaned up the figurines, and the other stuff. Hanggang sa natapos ko ng malinis ang lahat-lahat, wala pa rin ang lovebirds. Asan na kaya 'yung dalawang 'yun? Baka nag-date? Well then if they did, sana ay nag-eenjoy sila.

An idea popped out from my mind. Puntahan ko kaya ngayon si Coal—I mean si Onyx. Alam kong may pagkain na siya at tubig doon pero gusto ko pa rin siyang puntahan. Yes, I am trying to avoid MK pero wala naman siya siguro roon sa oras na 'to. Busy 'yung lalakeng 'yon panigurado dahil officer siya at sigurado akong marami siyang inaasikaso.

So, I made up my mind. I locked the dorm before leaving. I then wenf where Coal—I mean Onyx is. The heck, nasanay talaga ako na 'Coal' ang tawag ko sa itim na kabayo na 'yon. Dapat itatak ko sa isipan ko na Onyx ang pangalan niya.

When I arrived in the part of the forest where Onyx is, agad-agad ko siyang nilapitan.

"Kumusta ka na?" Nakangiti kong tanong sa kanya habang hinihimas ang kanyang malambot na balat.

He answered me with a 'hmp'.

Napangiti ako. May biglang sumagi sa isip ko... Paano kaya kung sakyan ko siya? I have rode some horses before pero hindi sila katulad ni Onyx and he's much taller than them.

Maingat akong tumapak sa saddle ni Onyx at medyo kinakabahan ako kasi baka mabigla siya at baka mahulog ako.

Nang tuluyan ko ng natapakan ang saddle ni Onyx, bigla-bigla siyang tumayo at tumadyak-tadyak at nadulas ako!

Alam na alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari. Mahuhulog ako at mapapahandusay sa lupa. Shit!

Parang nag-slow motion ang lahat. I am expecting na mahuhulog na talaga ako sa lupa dahil wala akong makapitan at nawalan ako ng balanse. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata.

Pero bago ako tuluyang mahulog, may mga bisig na sumalo sa'kin. Ang mga bisig na ito'y pamilyar. Ilang segundo pa bago ko iminulat ang aking mga mata.

The second I opened my eyes, I immediately saw a pair of hazelnut-colored eyes, staring at me. I know who it was, of course. I saw his entire face. And I think that I could see through his eyes. My heart is beating so fast because of the impact. I really thought I was gonna hurt myself! But then, even though my heart is beating so fast because of the impact, I am so mesmerized with the eyes of the one who saved me. I can't stop looking, damn it! What got into me?!

Kusa akong tumayo at kumawala sa kanyang pagkakayapos dahil parang nalulunod na ako sa kanyang mga mata. I feel like I'm hypnotized when I stared at them!

"Thank you sa pagsalo... MK."

"You're welcome. Mabuti at nandito lang ako para masalo ka. Dahil kung wala ako rito, I'm sure you're gonna be injured... Mag-ingat ka." Sabi niya. Tumango lamang ako at parang nahiya dahil sinubukan kong sumakay sa kabayo niya. "You were... trying to ride Onyx?"

Death UniversityWhere stories live. Discover now