Chapter 14

3.8K 141 6
                                    

Chapter 14: Mystery Person

Halos wala akong tulog kagabi dahil sa kakaisip sa lalakeng 'yon. Si savior-slash-officer or should I say, MK.

"Don't you mess with this girl right here. Because if you do, you are all dead... You hear that, people?"

And gosh, ang sakit ng ulo ko! Kulang siguro sa tulog kaya ganon. Ewan ko.

"Zaya, masama ba ang pakiramdam mo? Hindi ka papasok sa klase?" Biglang tanong ni Julia.

Nandito pa rin ako sa aking kama at nakahilata. Wala akong ganang pumasok sa klase ngayon. Wala ako sa mood.

"Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, Julia. Hindi muna ako papasok. At ang sakit ng ulo ko."

"Oh, sige. Sasabihin ko na lang sa teachers natin na hindi mabuti ang pakiramdam mo."

"Okay, thanks, Julia."

"And you should drink medicine,"

"Yeah, I will. Thanks again." I said with a smile.

"No problem! What are friends for, right?" She said and she picked up her bag. "Aalis na ako, Zaya. Kita na lang tayo mamayang twelve."

"Okay, bye. Ingat!" I lastly said and Julia went out of our dorm.

*****

Hala, patay! Nakatulog ako ng mahigit dalawang oras at hindi ako nakainom ng gamot para sa sakit ng ulo!

I stood up from my bed and gosh, mas sumakit yata ang ulo ko. Nilagay ko ang palad ko sa aking leeg at hala, nilalagnat ako!

Lumabas ako ng kwarto at parang wala akong ganang kumain ng pagkain kaya uminom na lang ako ng gamot kahit walang laman ang tiyan ko. Stupid of me, right? Uminom ng gamot nang hindi pa kumakain.

Nag-half bath na lang ako at pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng maong shorts at t-shirt. I then immediately jumped to bed and slept again.

I can feel that someone is in the bedroom. Well, I think it's Julia. I felt a wet towel on my forehead and I smelled a delicious aroma of chicken soup.

Nagising ako dahil sa masarap na amoy ng chicken soup. Dinilat ko ang aking mga mata at wala namang tao. Baka lumabas saglit si Julia.

She's so sweet. Kinuha ko ang bowl ng chicken soup at hinigop ko ang sabaw. Gosh, this soup tastes so good! Pagkatapos kong kainin ang chicken soup ay dinala ko na ang walang lamang bowl sa kusina at hinugasan ko ito sa sink.

I heard that the front door opened kaya tinignan ko kung sino at nakita ko si Julia na kakauwi pa lang? O may kinuha lang siya siguro sa labas?

"Julia, salamat sa chicken soup at sa basang bimpo." Sabi ko sabay ngiti.

"Huh? What are you talking about, Zaya? Kakarating ko lang mula sa last subject." Aniya na siyang ikinapawi ng ngiti sa labi ko.

"Your joke isn't funny, Julia."

"I'm not joking! I promise, kakarating ko lang talaga." Giit niya, and she looks like she's really telling the truth.

What the hell? Edi sino yung nag-alaga sa akin habang may lagnat ako?

"Shit, edi sino pala 'yung nandito? Didn't you locked the door when you left?" Natataranta kong tanong.

"I did lock!"

I ran to the bedroom and I was shocked to see the window open. Oh my gosh, someone really did come in!

"Julia, look!" Sigaw ko.

"What is it?" Natataranta niyang tanong then I pointed on the window. "Hala! Sino naman kaya ang nag-alaga sayo rito?"

"I really don't know. Akala ko nga ikaw eh kasi tayong dalawa lang naman talaga ang nandito sa dorm. And it turns out na ibang tao ang narito."

"Whoever that person is, I think mabuti siyang tao."

"But how did that person know that I'm sick? This is creeping me out!"

"Yeah, really creepy. Kailangan nating nalalaman kung sino ang taong pumunta rito. And I think a friend can help." Sabi ni Julia na ikinabuhay ng sistema ko.

"Who?" Taka kong tanong.

"You know Godwin? Godwin Kang?" Tanong niya sa akin. Yes I do know him, Julia. He's none other than your boyfriend.

"Yes I do. 'Yung anak ni Mrs. Evelyn Kang na siyang boyfriend mo... I-I mean—"Ay shit nadulas ako! Stupid!

Umiba ang ekpresyon niya at namutla si Julia. "W-What? W-Where did you get that?"

"U-Uhh... nevermind!" Sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Please Zaya, I beg, 'wag mong sabihin kay Kuya Dark! I beg of you!" Pagmamakaawa niya sa akin.

"I wouldn't. And perhaps, why would I? Hindi ko pa nga name-meet sa personal ang president, eh."

"What? I thought you and—nevermind... Thank you so much, Zaya. Hindi pa muna dapat malaman ni Kuya 'yung tungkol sa amin ni G dahil magagalit siya and I think this is not the right time na malaman niya."

"You are always welcome, Juls. At kung ano man ang desisyon mo, susuportahan kita."

"Really, thank you." She said and then hugged me.

After we hugged each other, nag-usap na kami tungkol sa taong nag-alaga sa akin.

"Kinakabahan talaga ako, Juls. Who could be the mystery person?"

"Godwin has a special skill on this. I think he could help." She says.

*****

"Zaya, meet Godwin. Godwin, meet my best friend, Zaya." Pagpapakilala sa'min ni Julia.

"Nice to meet you, Zaya." Ani Godwin.

"Nice to meet you too," Sabi ko at tumalikod na papuntang kwarto at sumunod na rin silang dalawa.

"So, can you explain to me the whole thing?" G says.

"Sure, because I badly need your help... So eto nga, nagising ako dahil sa basang bimpo sa nuo ko tapos may masarap na amoy akong naamoy and then I saw a bowl of chicken soup. Tapos akala ko si Julia 'yung naglagay ng bimpo sa noo ko at nagluto ng soup."

"Uh-huh, then?" Ani Godwin habang tumatango-tango pa.

"It turns out na kakarating lang pala ni Julia mula sa klase,"

"This is a serious case... Can I roam around your room?"

"Yeah sure, Godwin." Sabi ko at naglakad siya para bang he's trying to find answers. Okay, he's creeping me out a little bit. Is he a detective or something?

"Don't creep out. Ganyan talaga." Natatawang sambit nitong bestfriend ko. Am I that obvious?

Kinakabahan ako. My heart is beating so fast.

"Huwag kang kabahan. I'm sure he or she is a good person." Sabi pa ni Julia, na para bang nababasa niya ang iniisip ko!

"Am I really that obvious?" Natatawa kong sabi.

Tumango lang si Julia at tumawa na rin. Tapos ay lumapit na si Godwin sa amin.

"Someone with masculine scent came here," Godwin said that shocked me and Julia.

"Lalake?!" Sabay naming sigaw ni Julia.

-

Death UniversityWhere stories live. Discover now