Chapter 22

3.6K 120 5
                                    

Chapter 22: Responsibility

Pagpasok ko sa dorm ay hinanap kaagad ng mga mata ko si Julia. But she's not here and there's no sign of her.

I feel sad. Sana naman bumalik na siya rito. Nami-miss ko na siya at nag-aalala ako sa kanya. Paano na lang kapag hindi siya umuwi mamaya?

Yumuko ako. Sana naman nasa ligtas siyang lugar dito sa DU.

Ibinaling ko ang aking atensyon sa isang metallic vase sa kusina. Lumapit agad ako roon para ilagay ang mga rosas na aking nakuha sa fountain area.

Napaisip ako habang inaayos sa paso ang mga rosas.

Paanong may mga rosas dito sa DU? I haven't seen any white roses here, except for this bouquet. It's been a long time since I've seen these kind of flower. Ang mga bulaklak na nage-exist sa lugar na 'to ay tanging black gumamelas lang and I didn't expect that this kind of flower existed! It's the strangest flower I have ever seen in my entire life! Except for black gumamela, there are also weeds that exists here. Pero 'pag dating talaga sa bulaklak, ito lang ang nage-exist sa lugar na 'to.

Diniligan ko ang mga rosas at inayos ko siya sa lamesang kinalalagyan.

Sabi ng iba, may lason daw ang iba sa mga itim na gumamela. So, make sure na kung hahawak o pipitas ka ng isa, dapat handa ka sa pwedeng mangyari sayo. This poison from the gumamelas, can lead you to death.

Maraming estudyante na raw ang namatay dahil sa humawak o di kaya'y pumitas sila nito. Ang iba, pinapalad dahil 'yung napipitas nilang gumamela ay walang lason. But mostly, maraming namamatay dahil ang napitas o nahawakan nila ay may lason. You really can't determine if the black gumamela has poison or doesn't have. Kaya ako, hindi ako humawak ng kahit isa.

Tears fell on the petal of one of the white roses on the vase. Miss na miss ko na ang pamilya ko tapos dadagdag pa itong pag-aaway namin ni Julia. She's like a sister to me. Hindi ako sanay na nag-aaway kami. I don't want us to be this way. Ayokong matapos ang araw na ito ng hindi kami nagkakabati.

And then, a sudden idea popped from my mind.

Maybe Julia is with Godwin! Yes, she might be with him! Bakit hindi ko kaagad naisip 'yon? But the problem is, saan ko naman matatagpuan si Godwin? Malikot 'yung taong 'yun. Kung saan-saan pumupunta. Merong sa greenhouse, sa kakahuyan, at sa kung saan pang tahimik at may mga tanim na lugar. Yes, Godwin likes plants, and unfortunately, there aren't so many here. Ewan ko ba parang gustong maging botanist ng lalakeng 'yun.

Bahala na kung hindi ako makakapasok sa next class ko dahil sa kakahanap kung saan siya. Gusto kong malaman kung saan ang best friend ko.

Pumunta ako sa greenhouse at sa kasamaang-palad, wala si Godwin doon. Sinuyod ko din ang kakahuyang alam ko ang daan pasikot-sikot pero wala rin siya doon.

Where could he be?

Another idea popped from my mind... Si Mrs. Kang! I should ask her where her son is!

I hurriedly went to Mrs. Kang's classroom. Nakita ko siyang nagsusulat at mukhang kakatapos lang ng isang klase.

"Ano ang maipaglilingkod ko, Miss Dawnt?" Tanong ni Mrs. Kang nang makapasok na ako sa classroom niya.

"Good afternoon po, Mrs. Kang, gusto ko lang po sanang itanong kung saan ang anak ninyo?"

"Bakit? Ah nevermind, hindi ko na dapat malaman kung bakit. I think that you have something to talk with my son, privately... Well anyways, nasa dorm namin siya, Miss Dawnt." Sabi ni Mrs. Kang.

"Ah, saan po 'yung dorm ninyo?" Tanong ko.

She then gave me the directions and I hoped I wouldn't forget it.

Death UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon