Chapter 35

2.7K 66 2
                                    

Chapter 35: I'm Here

Napabuntong hininga ako dahil sa naisip. Damn, kay bilis ng panahon at ngayon ko lang naisip na malapit na akong mag-isang taon dito sa unibersidad. Hindi ko akalain na tatagal ako rito. And within that time, I've been waiting for someone to save us...

Bigla kong naalala ang sinabi ni Julia sa akin noon. Ang kapatid niya raw, na siyang presidente, ay ginawa ang lahat upang maging presidente and based on Julia, her brother's reason was to set us all free. Pero bakit parang wala siyang ginagawang aksyon? Bakit hindi siya nagpaparamdam? Mag-iisang taon na ako rito pero hindi ko pa siya nakikita!

I know that if Julia is listening to my thoughts right now, pagsasalitaan niya talaga ako dahil sa mga iniisip ko tungkol sa kuya niya.

Nang makarating na ako sa grocery store, agad akong humanap ng mga pagkain na siyang kinakain naming dalawa. Kumuha ako ng favorite cookies niya, kumuha rin ako ng Oreo cookies para sa'kin. I also took packs of Kitkats. Marami pa kaming stocks ng mga pagkain para sa almusal, tanghalian, at hapunan. So, snacks na muna itong bibilhin ko.

Nang matapos na akong kumuha ng mga bilihin, nagbayad na ako sa kahera.

*****

Nang makarating na ako sa dorm, nakita ko si Julia sa living room at nakaupo siya sa couch at mukhang may malalim na iniisip.

"Juls, ayos ka lang ba?" I asked her and she immediately snapped out from her thoughts, whatever it was.

"Y-Yeah, ayos lang naman ako... Saan ka galing?"

"Bumili lang ako ng grocery. Binilhan kita ng cookies na favorite mo."

Nagliwanag ang mukha niya. "Thanks, Zee!"

"You're welcome, best friend." Sabi ko at may nakita akong mga luha na kumawala sa mata niya. Nawala ang sigla sa kanyang mukha. Shit, did I do something wrong? Ano ang problema sa sinabi ko?! "Juls, m-may nasabi ba akong mali? Tell me—"

"N-No, you didn't say anything wrong! Don't worry," Sabi niya at tumawa siya habang pinupunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata niya. Pero alam ko, pinipilit niya lang na tumawa. Ano ba kasi ang nasabi kong masama?!

"Hindi ko magawang hindi mag-alala, Juls! Umiiyak ka!" Sabi ko sa kanya at lumapit talaga ako para mayakap siya.

She stilled for a few seconds because she was caught off guard by my hug. After a few seconds she hugged me back and she started to cry again.

"No no, don't cry..." Sabi ko habang hinihimas ang likod niya. She hugged me tighter, na para bang ayaw niyang mawala ako sa kanya.

After a few moments of hugging, we freed each other.

"Tell me now, why are you crying?"

"I miss my parents. Kanina ko pa sila iniisip." Aniya.

So do I, Juls. I miss my family too. But what can we do?

"Tahan na, Juls. Stop crying. W-We're still gonna get out of here, right? We'll see our families again." I said. I'm trying to think positively.

"Alam kong medyo matatagalan iyon dahil hindi ganoon kadaling tumakas dito kasama ang daang-dang estudyante pero sana, as soon possible, makahanap na kami ng paraan ni Kuya." Humikbi pa ulit siya. "Pasensya ka na ha, natatagalan."

Sa huli niyang sinabi, parang may mainit na bagay na humaplos sa aking puso. It did it, naiyak na ako ng tuluyan. Lumabas na mula sa aking mga mata ang mga luha na pinipigilan kong tumulo. Shit, kani-kanina lang, kung ano-ano na ang naiisip ko tungkol sa kuya niya!

Death UniversityWhere stories live. Discover now