Chapter 17

3.8K 127 5
                                    

Chapter 17: Smile

"Babae, kanina ka pa tulala ha! Kanina mo pa tinitignan 'yang payong." Nabalik ako sa katinuan dahil sa sinabi ni Julia. Shit, I blushed! I really did! Seriously, kanina pa pala ako tumitingin sa payong? What got into me?

Nandito kami ngayon sa dorm at kumakain kami ng cheetos sa dining room. Hindi na ako umimik sa sinabi ni Julia at nasa kinakain na lang ang atensyon. Shit lang kasi namula pa ako!

"Uy, crush mo siguro ang nagbigay sayo ng payong na 'yan, ano?" Panunukso ni Julia at tumawa pa.

"Uy hindi, ah! Wala akong crush dito! That's impossible!" Giit ko naman kasi totoo namang wala akong crush!

"Okay, okay, I believe you." Sabi niya na natatawa pa rin.

I just shook my head kasi parang hindi makita sa itsura ni Julia na naniniwala siya sa akin. Bahala ka na nga, Julia. Basta, I would never ever have a crush on anyone here in Death University. That's final. Hindi pwede.

"Ayan ka na naman, tumitingin ka na naman diyan sa payong. What's with that ba?"

Nakatingin na naman pala ako! "H-Hindi, ah! Guni-guni mo lang 'yun!"

"Sus, kunyari ka pa!"

"Totoo nga ang sinasabi ko and never ever talaga akong magkaka-crush dito,"

"Talaga lang, ah? Baka kainin mo 'yang sinasabi mo."

"It's impossible, Julia." Giit ko.

"Nothing is impossible," Sagot naman niya.

"Just stop it," Naiirita kong sambit.

"Okay, okay." Sagot niya, nagpipigil ng tawa.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at itinapon ang walang lamang sisidlan ng cheetos sa basurahan. Kumuha siya ng dalawang baso at nagsalin ng orange juice.

"Thank you, Juls." Sabi ko at kinuha ko ang baso ng juice at ininom ito.

"You're welcome... Pero sandali ha, ano ba ang nangyari at anong kinalaman ng payong na 'yan at wala ka sa sarili mo?"

I was stunned because of her question. "W-What are you talking about? Hindi ako nawala sa sarili. Pakiramdam mo lang 'yan."

*****

Nandito ako ngayon sa klase at nagle-lecure ang Prof. Half of me is listening and half of me is thinking deeply about MK being so generous. But seriously, isasauli ko sa kanya itong payong niya na dala ko ngayon.

"Class dismissed," Sabi ng Prof na nagpasaya sa'kin.

Nang makalabas na ako ng room ay pumunta agad ako sa kung saan-saan, hoping to see him. But I couldn't see him anywhere.

May ideyang pumasok sa isip ko. May isang lugar pa pala akong hindi napuntahan... ang fountain area. Pero malabong nasa fountain area siya.

I found myself walking to the fountain area. Malay natin, nandoon siya.

I entered the fountain area and silence was so evident. Tanging tubig lamang mula sa fountain ang gumagawa ng ingay. Kung gusto mong mapag-isa, I highly recommend this place for you.

"Bakit ka nandito?"

"Ay kabayo!" Napasigaw ako sa gulat at humarap ako sa nagsalita sa likod ko.

It's him... and he smiled! Shit, he really did! I really want to replay the moment and I don't know why I want to! Ah, baka kasi ngayon ko lang siya nakitang ngumiti kaya gusto kong maulit.

His attention diverted to the thing I am holding. "I already told you that you don't have to return it."

"E-Eh kasi kakailanganin mo 'yan kapag umulan." Sabi ko sa kanya.

He is wearing his black three-piece suit and his black hat, as usual. And damn, it really looks good on him! Kahit anong damit ay babagay naman sa kanya.

"I don't need that. You need that. I have a hat." He says, pointing to his black hat.

Get the umbrella already! "Eh iba talaga kapag itong payong ang gagamitin mo. Baka umulan ng malakas na malakas, edi mababasa ka talaga."

He smiled again! Shit! Pakiramdam ko'y hindi pala-ngiti ang taong 'to. But now, he smiled and it's the second time today, in front of me!

"My suit and hat are waterproof," Sabi niya na nagpa-awang sa aking labi.

Why is he always ready for anything? How does he manage all of these? Officer siya at alam ko na busy siya tapos nagagawa niya pang asikasuhin ang mga maliliit na bagay! Okay, why am I thinking about this stuff about him? Ah, I know, I'm just curious. And I hate it!

"Oh... Pero kahit na, hindi ito sa'kin." Ngumuso ako.

"Just keep it. Baka walang payong sa dorm mo." He says. And yes, he's right. I don't have an umbrella at my dorm.

"U-Uhh, wala nga." Nasabi ko.

"That's it, you don't have an umbrella and you need to keep it. Now, you have one." He says with a smile again! The third time! Shit, why does he smile so good?!

"O-Okay, thank you so much." I say with a smile and walked away, na halos tumakbo na ako!

My heart is beating so fast! He looks so much better with a smile on his face.

When I entered the dorm, I immediately closed the door and I leaned on it. Why is he nice to me? Sa ibang estudyante, hindi naman siya ganoon.

He is one hell of a mysterious guy. Hindi ko nga alam ang buong pangalan niya, eh. 'MK' lang daw ang itawag ko sa kanya. I really want to know more about him but every time he's near to me, I feel like melting. There is really something about him. Damn!

-

Death UniversityWhere stories live. Discover now