Chapter 30

3.2K 101 7
                                    

Chapter 30: Black

"Y-You... Y-You really mean it?" Nauutal kong tanong. Hindi talaga ako makapaniwala!

"Yes, Miss Dawnt. I mean it." Seryoso niyang tugon sa akin. "You don't believe me?"

"I believe you, I was just surprised." I said as I continued to caress Coal's—I mean Onyx's black smooth skin.

"Miss Dawnt, wait, what did you just say about the owner of that horse?" He asked with a smirk on his face.

Pinuri ko 'yung nagmamay-ari kay Onyx, and it turns out that it's him! So, siya ang pinuri ko!

"Bakit ka napipi?" May pangungutya sa kaniyang boses.

Sandali, parang hindi siya ang MK na na-meet ko last time. Huli ko siyang nakita roon sa culinary station ng DU and hindi ganito 'yung attitude niya. "Why are you like this, all of a sudden?"

He raised a brow then said, "What do you mean? Tell me about it."

"The last time we met, probably a week ago, hindi ka naman ganito, ah? You were... nice." Pinuri mo pa nga ang cake ko!

"Well, guess what? People change constantly."

Sa sinabi niyang iyon, ako'y nagulat at parang may kirot akong naramdaman sa puso ko. Parang bigla akong nanghina sa sinabi niya. I shouldn't even feel this kind of feeling...

I stood straight and looked at him in the eyes. "Yeah right, people change. And actually si Coal—I mean si Onyx lang talaga ang pinunta ko rito. Eh nandito ka naman na may-ari niya, so I should just go."

After I said those words, umalis na kaagad ako at hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. I'm so pissed right now! I will never talk to him again. It's much better to be distant! Bahala siya!

Zaya, he was just nice to you before because he wanted o taste your damn cake! Don't assume! Naging mabuti lang siya sayo dahil may kailangan siya!

Gusto ko na sanang bumalik sa dorm pero naalala ko si Julia. Nandoon nga pala siya. I know that she doesn't want to see me so I'll stay away. Mamaya na ako babalik doon.

Habang naglalakad ako, may biglang humablot sa kamay ko at dinala niya ako sa likod ng isang classroom na walang katao-tao. Nag-panic naman kaagad ako! Mamamatay na ba ako? Is it time?

When I looked at the person's face, halos mapamura ako! Si MK lang pala!

"I'm sorry... I was just pissed, that's why I acted that way." He looked sincere.

Kainis naman, oh! Ang kinang sakit at inis na nararamdaman ko sa kanya ay biglang nawala! Ang daya! Bakit ganon?!

"Hey, say something,"

"I-It's okay," 'Yan lang ang kaya kong sabihin. Ang gulo niya naman, eh! Palaging may mood swings! Hindi ko siya maintindihan!

"I shouldn't have acted like that towards you. I was just really pissed."

"Pissed with what? Pissed with me?"

"N-No. Just with someone. Just... don't ask about what I'm pissed about. You have a problem then I-I acted cold towards you."

Nagulat ako sa mga sinabi niya. P-Paano niya nalaman na may problema ako—kami ni Julia?

"H-How did you know that I have a problem?" Taka kong tanong sa kanya.

"Based on your face, Miss Dawnt." He casually said.

"Oh?" 'Yan lang ang nasabi ko. Ganon ba ka-obvious na may problema ako? Based on my face? I'm really a mess, right now!

Death UniversityWhere stories live. Discover now