You heal my broken heart

11.5K 142 8
                                    

Si Janna Santillan ay isang matatag na tao kung ituring siya ng mga taong nakakakilala sa kanya. Naging insperasyon niya upang lumaban sa buhay ay ang mga hindi magandang pinagdaanan. Parte siya ng isang broken family, Naging independent sa edad 17.
dumating din sa puntong Umibig siya sa maling tao na akala niya'y makararamdam na siya ng tunay na pagmamahal, yun pala'y hindi tunay na pagmamahal ang inihatid nito sa kanya. Kaya hinamon niya ang kanyang sarili na mangibang bansa upang pansamantalang makalimot nang makapagsimula ng magagandang alaala.

Part 1

Habang sakay ng taxi papuntang NAIA...

*Janna, hanggang ngayon kinukulit pa rin ako nung ex mong si Patrick! kinukuha niya yung bago mong number,
sabi niya kung
puwede ba daw kayong mag-usap uli? (banggit ng kaibigang si Shen.)

*Shen, wag muna ibigay yung number ko kay Patrick, ayoko na magkaroon uli kami ng komunikasyon.

*tyaka bes, nalaman niya na rin yung pag-alis natin, nasabi daw ni Rey.
tinatanong niya kung kelan ang alis natin! (inis na sabi ni Shen.)

(sabay kumunot ang noo niya at painis na nagsalita)
*hindi ba niya nararamdaman na ayoko siyang makita pagkatapos na malaman kong girlfriend din pala niya si Cheska na nagkataong classmate pa natin nung high school at
isa sa nakaaway ko dahil sa pambubully niya sakin?! kaya bes, wag mong ibibigay yung cellphone number ko sa kanya ok?!

*Ok bes, kung 'yan ang gusto mo, naku! kung di lang nagkataong birthday ng mama ko sumama sana ako nung reunion sa Baguio! naikwento sakin ni Rey na nagkasagutan kayo ng cheskang yon! nilait lait ka pa daw niya! gold digger ang bruhang 'yon?! pinagmamalaki niya pa daw na graduate siya sa college at ikaw chimay?! aba eh, mas mukha ka pang disenteng kumilos kaysa sa kanya no! Naku! kung umasta kala mo napaka perpekto!
(sabay itinikom niya ng pagigil ang kanyang mga kamay)

*magsama silang dalawa! wala na 'kong panahon sa mga sasabihin niya kung nalaman ko na yung totoo na playboy siya!

(biglang nagsalita si Shen)
*oh bes kalma na tayo, nandito na pala tayo sa airport, kalimutan mo na siya at mag focus ka na sa career mo! kakarmahin din siya sa ginawa niya!

maya maya'y huminto na ang taxi sa may entrance ng airport.
pagbukas ng taxi, nagtulungan sila na ibinaba ang mga dalang bagahe at nagsimula nang maglakad

bago pumasok sa pinto, pinagmasdan muna ni Janna ang lawak ng paligid at napabuntong hininga siya, pagtalikod ay ngumiti ito na parang nagkaroon ng kaginhawaan sa kanyang puso.

Nang makarating sa Narita Airport, nagulat sila at napangiti sa kakaibang klimang naramdaman nila, maya maya'y sinalubong na sila ng kanilang employer sa papasukan nilang factory.

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now