You heal my broken heart

1.4K 39 7
                                    

Part 27

Maaga pa lang ay nagtungo na si Janna sa C.R. para maligo ng bigla siyang punahin ni Analyn...

*Janna, sayang naman yung nanliligaw sayo! guwapo sana kaso babaero pala! nagmumukha ka tuloy tanga.

Sabay napahinto si Janna at napatingin sa kanya.
maya maya'y nagsalitang muli si Analyn...

*oh my god! sorry Janna! ano ba naman ako! masama pa ba ang loob mo?! kung bakit kasi ang bilis mong magtiwala eh'
Ang malas mo naman Janna.

biglang may tumapik naman sa kanya at nagwika...

*ui tama na! dapat icomfort natin siya.

biglang nagwikang muli si Analyn...

*oops! oo nga pala! sorry Janna! pasensya na ah!

*ayos lang. (wika naman ni Janna rito)

Nang makatapos sa pag-aayos ay nagmadali itong lumabas ng bahay upang pumasok.
Palinga linga pa itong tumingin sa kaliwa't kanang daanan ng makalabas sa Gate. Maya maya'y napaisip ito at napagtanto niya ang pinag-usapan nila ni Jay...

*Ba't ko ba siya hinahanap?! makapaglakad na nga(banggit niya sa kanyang sarili)

Muli ay naglakad ito papunta sa bustop. nagulat ito ng madungaw niya ang kotse ni Jay. Kaya ng makakita ng Taxi ay agad niyang pinara ito, at tamang tama namang hinintuan siya nito. Kaya dali dali siyang sumakay dito.

Nang makarating sa Factory ay dali dali itong bumaba at nagmamadaling tumungo sa Gate,
nang biglang may pumigil sa kanya...

agad naman siyang nagwika,

*Ayoko nang makita ka pa!

*Janna, si Henry 'to.

Nagulat ito ng marinig ang boses n Henry, Kaya agad itong lumingon sa kanya...

You heal my broken heartNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ