You heal my broken heart

1.3K 37 8
                                    

Part 28

  Maaga pa lang ay nagtungo na si Jaeyoung sa head quarters upang puntahan ang chief nila na maagang nagbigay ng task sa kanila tungkol sa operation na paghuli sa naudlot noon na mission nila...

Humarap ang chief nila Kay Jaeyoung at nagwika na ikinagulat nito na sinabing Hindi siya kasama sa operation, Kaya agad na nagsalita si Jaeyoung...

*sir, mas alam ko na ang bawat galaw nila! Hayaan niyo na Kong tapusin ito!

*sa nangyari noon Jay siguradong nakatunog na sila! Hindi ka na pwede sa misyong ito! Naiintindihan mo ba?!

*Alan niyo naman sir na ayokong pinuputol ang trabahong di ko natapos! Hayaan niyong tapusin ko to! Alam niyong mahusay ako pagdating sa taktika, kaya asahan niyong mahuhuli ko siya!

*ano kaba Jay! Masyado nang delikado kung itutuloy mo pa! Hayaan mo na ang ibang team na tapusin ito! And that's my final order!

Hindi na nga nakapagsalita pa si Jaeyoung at pagalit na ipinalabas na nga siya ng opisina. Pagkaraan nito'y naupo na lamang ito sa kanyang pwesto sa loob ng headquarters at painis na napakamot sa ulo at napukpok pa ng mga kamay niya ang kanyang desk na siyang ikinagulat ng kanyang mga kasama.

Kinagabihan na nga'y nagsimula na ngang umaksyon ang bagong team na siyang gagawa ng misyon na dapat na siya ang tatapos.

Kaya sa inis ni Jaeyoung ay napalabas na lamang siya at napamewang sa inis...

Lumipas ang ilang minuto ng may biglang lumapit sa kanya na isang batang lalaki at may iniabot sa kanya na cellphone na siya namang ikinagulat niya.

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now