You heal my broken heart

1.4K 39 4
                                    

Part 22

Habang nagkakape si Janna
Ay pangiti ngiti pa 'tong naaalala ang
Mga pangyayaring naganap
Sa lugar ng kaibigan ni Jaeyoung na si Toshi.

Pangiti ngiti at patawa tawa pang nakaupo sa gilid si Janna, nang mapansin ito ng isa sa mga kasama niya sa tinutuluyang bahay...

*mukhang may naganap na kakaiba sa di mo pag uwi ah?! Ano ha! Siguro kasama mo maghapon yung laging sumusundo sa inyo ni Shen no! Ano, naibigay mo na ba~! (Pilyong wika ng kasamahan niyang si Analyn)

*ha-! Uy hindi no! Namasyal lang kami dun sa kaibigan niya!

Bigla namang sumabat ang isa pa nilang kasama na si alvira...

*sus~! Kunwari ka pa! Yung tipong hindi ka na umuwi?? Pasyal ba yon ng matinong babae! Haha! Biro lang ah (banggit nito)

Maya maya'y painsulto pang ngumiti rin ang isa pang nakatayo sa gilid nila habang may hawak itong cellphone.

Napangiti na lang ng marahan si Janna at napaisip sa inaasal ngayon ng mga kasama niya.
Sabay tayo nito at nagsalita...

*grabe kayo mag-isip ah, naku! talaga kayo, sige maiwan ko na kayo at maliligo na ko. (Sabay lakad nito papalayo)

Nang matapos nasiyang maligo ay agad itong nag-ayos at pagkaraa'y napansin niyang nag-uusap usap ang tatlo at tila pabulong pang nag-uusap ang mga ito, na tila may tinatawan..

Napailing na lang si Janna na iniwas na lang ang ulo sa pagkakatingin sa kanila, at binalewala na lang ang mga ito at marahang ngumiti at sabay harap sa salamin na inayos ang pagkakalagay ng powder sa kanyang mukha at naglagay ng red lipstick sa kanyang labi.

Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ito, at tamang tama na nasa labas na ng gate si Jaeyoung na inaantay siya.

*ohayo~!
(Banggit ni Jaeyoung habang nakangiti)

*hhello, good morning din! (Sagot ng dalaga sa kanya)

*tara, hatid na kita (pangiting wika ni Jaeyoung at pagkaraa'y pinagbuksan ng pinto ng kotse ang dalaga)

Pagka start ni Jaeyoung ng kotse ay agad na nagwika ito..

*Janna, baka mamaya di kita madaanan mukhang matatagalan ata yung operation namin eh.

*ayos lang, salamat.

Nang makarating sa pinapasukan ni Janna ay maayos na nagpaalam ang dalawa sa isa't isa na may kasamang ngiti.

Nagulat naman si Janna ng biglang pinigil muna siya sa pagkakabukas ng kotse at sabay may kinuha ito sa likurang upuan.
Napatingin naman din ito sa likod at sabay napatingin kay Jaeyoung...

*binaunan pala kita ng bento box. Ako mismo ang gumawa niyan (pangiting banggit ni Jaeyoung)

*Jjay-! Grabe ka, hindi bagay sayo yang ganyang ugali! Ano ka ba naman, babae lang ang gumagawa niyan sa lalake.

*hayaan mo, aantayin ko yung araw na 'yon, na ikaw ang gagawa non para sakin, sa ngayon ako muna, para kahit sa pagkain mo, maaalala mo pa rin ako. Para hindi ka na mahulog sa iba, sa akin ka lang.

*napaka cheesy mo no! Ganyan na ganyan din siguro yung ginawa mo sa ibang babae no~?!

*mukhang nagseselos ka na ah.

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now