You heal my broken heart

1.7K 29 1
                                    

Part 13

Pagkabukas ni Shen sa gate ay nagulat ito ng nakatayo si Jaeyoung sa gilid ng gate na tila napangiti pa ito na nakatingin sa kanya. Agad naman niyang kinausap ito.

*oh Jay! nahuli ka ata ng pagpunta mo dito? may dalawang oras nang nakaalis si Janna?!

*naihatid ko na siya kanina Shen, ikaw naman ang pinunta ko dito para ihatid ka sa airport.

*nako Jay! salamat ah! nag-abala ka pa.

*Ayos lang! (sabay ngiti nito)

*hindi mo ata kasama si Henry?

*May iniutos kasi ako sa kanya about sa work.

*ay, ganun ba? sayang naman, at di ko siya makikita bago ako umalis!

*hayaan mo, lagi ka pa rin naming kakamustahin!

*salamat Jay ah!

*walang anuman! tara na?!

Binuhat ni Jay ang mga bagahe ni Shen at ipinasok sa kanyang kotse, pagkaraa'y sumakay na rin ang mga ito.

Habang tinatahak nila ang daan papuntang Airport, agad namang nagsalita si Shen..

*Nakakwentuhan ko si Janna tungkol sa pagpunta niyo sa mall. Sa totoo lang, may mga bagay talaga sa kanyang nagpapa obvious sa galawan niya, Siguro nahalata mo na rin.

*Oo, medyo nahalata ko nga. (sagot ni Jaeyoung)

*OA na minsan ang palusot ng bestie ko na yon, kaya sa tingin ko dapat lang na sabihin ko sayo na sinusubukan ka na niyang malaman kung totoo ka ba talaga sa kanya. Ibig sabihin non, gusto niyang makampante na sayo pero di niya magawa dahil medyo hindi pa siya ganong nakakaalis sa nakaraan niya. Kaya please Jay, tulungan mo siya. (paliwanag ni Shen sa kanya)

*Salamat Shen, Pinapangako kong gagawin ko ang lahat para hindi niya rin ako ikumpara sa pangit na nakaraan niya.

*Pero Jay, maiba ako.
alam mo kakaiba talaga yung keychain na binigay mo kay Janna? alam ko na napaka memorable talaga si Spiderman sa inyo, pero hindi kaya medyo hindi girly ang dating non? (pagtatakang tanong nito)

*ok lang yon, sigurado akong hindi niya yon aalisin sa bag niya kahit hindi ganon ka girly ang keychain na yon.
(pangiting sagot ni Jayoung)

*bakit mo naman nasabi?
(tanong ni Shen dito)

*may napansin kasi ako sa kanya nung inilagay ko sa bag niya yon. Kaya kampante akong nagustuhan niya rin yon.

*Ganun ba! nako! buti naman. Basta Jay ikaw nang bahala sa kanya dito ah?! may iduduktong pa pala ako! allergic yun sa mani, kaya wag mo siyang papakainin ng pagkaing may halong mani ok?!

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now