You heal my broken heart

1.7K 28 6
                                    

Part 17

Madaling araw na at di pa rin mapakaling paikot ikot si Jaeyoung sa kanyang hinihigaan at di makaidlip, nang biglang may narinig siyang boses na tila umuungol, kaya napahinto ito at pinakinggan nang maigi at tila napakunot pa ang noo sa pagkataka.
Pagkaraa'y napatayo ito nang mabilis nang marinig na biglang sumisigaw na ito at nabosesang si Janna pala ang gumagawa ng ingay, pagkatakot ang tono nang sigaw nito. Kaya madali itong lumabas ng kuwarto at kumaripas ng takbo upang puntahan si Janna sa kanyang kuwarto. Agad niyang kinatok nang malakas ang pinto nito at isinisigaw ang pangalan ng dalaga..

*JANNA!!! JANNA!!!

Pasigaw na wika nito na sabay ang pagkatok nang malakas sa pinto.

Sa sobrang pag-aalala nito, di niya na naisipan pang kunin ang duplicate ng kuwarto, agad niyang pinagsisisipa nang malakas ang pinto ng kuwarto. hanggang sa sobrang puwersa ng kanyang pagkakasipa ay bigla na ngang bumigay sa pagkaka lock ang pinto, kaya dali dali itong pumasok sa loob at pinuntahan ang binabangungot na si Janna..

*Janna! Wake up! Gumising ka! Janna! (Sabay hawak nito sa magkabilang braso ng dalaga, at inalog alog ito upang gumising)

Sa pagkaka-alog niyang 'yon ay nagulantang dumilat na nga si Janna, at pawis na pawis ito at hinahabol ang paghinga nang bilang madungaw si Jaeyoung, at pagkaraa'y napataka ito sa di maipintang mukha ng binata na nakadungaw sa kanya. Wala nang naisip pang masabi si Janna, na nabanggit na lang ang pangalan nang binata na patakang iwinika ito..

*JJAY--?!

Patakang tugon nito, hanggang sa napapikit si Jaeyoung at
Napapahinga pa nang malalim..

*wuh! (Buga nito)
Pinag alala mo ko nang husto Janna! Haysst!

Sa sobrang takot nito sa
nangyari kay Janna ay
Bilang

Hinila niya ito palapit sa
kanya,
At inakap nang

mariin na mariin..

Na bagay na ikinagulat nang husto
ni Janna,
At tila naririnig pa nito
Ang malakas
na paghinga nang
Binata.

At sa pagkakayakap din sa kanya,
Ay tila ramdam pa niya ang malakas na pagkabog
Nang dibdib nito.
Kaya dahan dahang pautal pang
Kinausap ang binatang
Mariing nakayakap sa kanya...

*Jjay-! O-ok na ko! Hmm-- gganito lang ttalaga ako! Wag kang masyadong mag-alala~ nnormal sakin 'to kkaya--!

Biglang naputol ang sasabihin nito nang biglang sumabat agad sa kanya si Jaeyoung...

*wag ka nang matakot Janna, wala nang magtatangkang saktan ka, nandito ako lagi sa tabi mo at poprotektahan kita kahit anong mangyari! kaya please ibura mo na sa isipan mo ang mga traumang nangyari sayo. Alam ko na hindi simpleng panaginip ang nangyayari sayo Janna, kundi isang masamang sitwasyon na di mo makalimutan!

*hah?? Ah-- eh. Bbakit mo nnaman naisip yan heheh--
mahinang tawa nito para ipahiwatig sa binata na walang dapat ipag-alala.

Ngunit hindi niya nakumbinsi ang binata sa ginawa niya, at pagkaraa'y bumitaw na 'to sa pagkakayakap at tiningnan siya sabay nagwika...

*Nangyari na sakin yan Janna nung mamatay ang mama ko. Na trauma ako dahil nakita nang dalawang mata ko kung pano nabangga sa 16 wheeler truck ang kotseng sinasakyan nang mama ko at biglang may nagtangka ring saktan ako, nabaril siya nang mga pulis sa harap ko. Sa sobrang takot nagka trauma ako at halos pareho tayo nang sitwasyon Janna. Ganyan na ganyan din ang naranasan ko. Alam kong may masamang alaala kang sitwasyon na di mo makalimutan kaya ka nagkakaganyan. Wag ka nang mag-alala Janna, kung ano man yang kinakatakutan mo ay isang parte na lang nang nakaraan at di na kailangan pang katakutan. nandito ako at di kita pababayaan pangako yan.
(Sabay ngiti nito na nakatitig sa mga mata ni Janna)

Pautal pang tumugon si Janna at nagtanong..

*Ppano ka nakaalis sa masamang alaala-?

Natahimik panandali si Jaeyoung at pagkaraa'y sinagot niya ito..

*May taong tumulong sa akin upang maka move on sa mapait na nakaraan, siya din ang nagbigay nang inspirasyon upang pagtuunan ko nang pansin na maging masaya na.
At mas alalahanin na lang ang masasayang alaala sa piling ng mama ko nung nabubuhay pa siya.

*gganun pala, hmm.. Jay, pasensya na kung ppinag-alala pa kita, pero salamat na rin at gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi mo.
(Sabay ngumiti ito ng marahan)

*buti naman,
(sabay ngiti rin ni Jaeyoung dito)
sige magpahinga ka na at dito lang ako sa tabi mo.

*ha?! Hhindi mo na'ko kailangang samahan dito Jay, ok na rin naman ako.

Sabay walang pauntangang umupo ito sa maliit na sofa at kinuha ang unan na nakapatong dito at niyakap ito, sabay sandal nito at pumikit na nagsalita...

*dito lang ako Janna, wag kang mag-alala wala akong gagawing kababalaghan, babantayan lang kita hanggang sa makita kong makaidlip ka na nang matiwasay.

*ok na 'ko Jay, sa tingin ko ang dapat mong alalahanin eh yung pinto nang kuwarto, mukhang tumabingi yung pinto eh, (Sabay duro nito sa pinto)
Ano bang ginawa mo? Lagot tayo niyan sa friend mo! Nakakahiya sa kanya!

*ako nang bahalang magpaliwanag sa kanya, wag mo nang alalahanin yon at magpahinga ka na ok~?

Sabay hinga nang malalim ni Janna..

*sige na nga, magpapahinga na uli ako, pasensya na talaga Jay at nang dahil sa akin naging bangking yang pinto. Pero thank you din!
(Sabay talakbong nito)

Habang nakatalakbong ito
Ay di rin maiwasan ni Jay na
Ngumiti dito
at napagilid pa ang ulo na nakatingin
Sa nakatalakbong na dalaga
Habang nakangisi..

Samantalang
Si Janna naman ay napakagat
pa sa labi
At papikit pikit pang ngumingiti
Sabay
Napakagat pa ito
Sa hinlalaki
Nang kuko nang kanyang daliri,
Na tila magkahalong saya
At pagkailang
Emosyon ang naramdaman
Niya sa mga
Nangyari,
Maging sa huling kanyang sinabi..

Nagising sa pagkakaidlip ang dalawa nang may biglang may nag doorbell sa pinto. Kaya padahan pang inimulat ni Janna ang mga mata, sabay napalingon naman sa kanya si Jaeyoung at nang mapansin siya ay bigla itong ngumiti at nagsalita...

*good morning~! (Wika nito)

Biglang nataranta naman si Janna na napatitig kay Jaeyoung, at maya maya'y sumagot ito na napautal pa..

*a-- ggood morning din!
(Sabay diin sa pagkakahawak sa kumot, at sabay marahang bumangon at napahagod pa sa kanyang buhok)

Pagkababa ni Jaeyoung
Ay sumunod na rin si Janna.

Pagkabukas nang pinto ni Jaeyoung
Ay biglang sumingit si Janna sa binata,
At pagkaraa'y inunahan
Si Jaeyoung
sa pakikipag usap
Kay Toshi..

Na bagay na ipinagtaka
ni Jaeyoung
At ang pinagbuksan
Nang pinto na si Toshi...

-TO BE CONTINUED-

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now