You heal my broken heart

1.2K 30 5
                                    

Part 24

makalipas na umalis si Janna, nadismaya naman ang mga  kasamahan ni jaeyoung sa nangyari at nagulat na rin sila sa nalaman, kaya't tinawagan ng team leader nila ang babaeng katabi niya at ipinasasabi nito na pumunta na lang sa head quarters at kailangan niyang magpaliwanag sa nangyari . pagkaraan ng pagkasabi ng babaeng katabi niya ay umalis na rin ito sa tabi niya, pati ang iba niyang kasamahan sa paligid...

*nakita mong ginawa mo? basta basta kang sumusugod ng hindi inaalam ang sitwasyon? pati babaeng gusto ko dinamay mo?!

*hindi ko siya dinamay?! nagkataon lang na ikaw pala ang iniiwasan niya! buti na lang at nalaman niya. pasalamat siya at hindi na siya magdurusa sa pagsisinungaling mo sa kanya!

*nasa'yo na ang lahat, ano pa ba ang pinuputak mo diyan? hindi ba't yun naman ang gusto ng mama mo kaya pinakasalan niya ang papa ko diba? claim that prize! i win! you know why i don't like to come back?! dahil alam kong darating din ang araw na mangyayari 'to! kukunin ng mama mo ang para sa akin! kaya hinahayaan ko siya. Sumunod ka na lang sa mama mo. Kunin mo ang pusisyon na para sakin. Pasensyahan tayo!

*wag mong isisi sa mama ko ang lahat! kung hindi lumandi yang ina mo at tumanan sa iba, hindi siya maaaksidente! at lalong lalo na hindi ko kelangang akuin ang mana mo! dahil sawang sawa nako sa pangmamaliit ng ibang tao sa amin dahil sa pera ng papa mo!

*aanong sabi mo?!! Llumandi ang mama ko? antalas din nang bunganga mo no! wala kang patunay para sabihin sa harap ko, na malandi ang mama KO!!

Sabay suntok nito sa mukha ni Tae gyu,

Pagkasuntok nito ay siya namang napaalarma sa binatang si Tae gyu, kaya bumawi na rin ito ng suntok...

Pagkaraan nga nito'y nagbawiaan na sila ng suntok,
kaya naalarma na nga ang mga bantay nila,
kaya dali dali nilang inawat
ang mga ito...

*at BAKET! di ka pa rin ba naniniwala na nakipagtanan ang ina mo kaya nangyari sa kanya yon ha!

*wag mong idadamay ang mama ko sa mga kagaguhan niyong mag ina! kung galit ka! wag kang duwag! harapin mo ang papa ko at sabihin mo sa kanya yan! wag mong minamalinis ang mama mo! gold digger siya! marami nang inahas ang ina mo at isa na don ang papa ko! at papatunayan ko rin na may kinalaman ang mama mo sa pagkamatay ng mama ko!

Sa pag aaway nila ay bigla namang hinila na nga sila papalayo ng mga bantay nila.
At pagkaraa'y pinilit nang isakay sa kotse ang nag aamok na si Tae gyu.
Doon lang humupa ang gulo, maya maya'y naramdaman ni Jaeyoung ang pagtulo ng dugo sa gilid ng labi niya, kaya agad niya tong pinunasan ng may pagkainis.

agad namang kinausap ni Henry ang binabantayan niyang si jaeyoung...

*Siguradong malalaman to ng papa mo! Ano nang gagawin mo Sir!

*Yung cellphone ko, tatawagan ko si Janna!

*ano ka ba naman Sir! unahin mo muna tong problema mo sa papa mo! pag nalaman pa siya ng papa mo, baka masama pa siya sa issue niyo!
ako na munang magpapaliwanag kay Janna ok?

Maya maya'y may lumapit sa kanila na tauhan ng ama ni Jaeyoung...

*Sir tumawag po ang ama niyo at pinapupunta kayo sa mansion

*Ang bilis talaga ng balita sa kanya! sinasabi ko na nga ba't may bantay pa rin akong nakatago sa gilid gilid!
ok! sabihin mong pupunta ako!

Sabay yuko ng pagsang ayon ang tauhan ng ama niya...

Samantala sa loob naman ng kotse ay alalang alala naman ang bantay ni Tae gyu sa pasang tinamo niya sa gilid ng kanyang labi...

*Ano ka ba naman Taegyu! alam mo naman na artista ka! pano na lang kung may nakakilala sa'yo! dapat di nalang tayo pumunta sa ganung lugar! di sana kayo nagpang abot ng kapatid mo!

*hindi ko siya kapatid ok?!!

*oh edi step brother!

*gusto mong mawalan ng trabaho? itikom mo yang bibig mo!

Sabay tikom din naman ng bibig ng bantay  niya...

Pagkaraa'y napadungaw ito sa bintana at biglang may nasilayan siyang pamilyar na mukha...

maya maya'y naaninag na nga niya ito at nakilala,
Si Janna ito
at nanlulumo ang itsura nitong naglalakad
sa daan.
Napatitig ito ng husto, kaya napaagaw din sa atensyon ng bantay niya...

*oh!. siya yung naeksenang babae sa inyo, kawawa naman, pano mo nalaman na may koneksyon siya sa brother mo?

*ishhh!! puwede ba itahimik mo na yang bunganga mo?
(sabay kausap nito sa driver) Pakibilisan at gusto ko ng makauwi.

Sabay tugon naman ng pagsang-ayon ang driver nito...

habang nilalagpasan ng sasakyan nila si Janna ay muli siyang napadungaw muli sa dalaga, at kita pa rin niya ang pagkalungkot sa mukha nito, pagkaraa'y ibinaling niya na lang ang dungaw sa ibang direksyon...

samantala sa sitwasyon naman ng dalagang
si Janna,
ay di parin siya makapaniwala sa mga nangyari...
pakiramdam niya ay maling mali ang
mga naging desisyon niya na kung bakit pa binigay ang oras niya sa isang tao na akala niya ay totoo.
nabilog na naman siya sa kasinungalingan,
napahiya na naman siya sa karamihan, at siguradong sa puntong ding yon, ay di niya na maiiwasang laman na naman siya ng usapan.

maya maya'y tumulo na nga ang kanyang mga luha
at biglang napawika...

*nagpakatanga na naman ako...
(sabay punas nito ng kanyang mga luha)

pagkaraa'y lumiko ito sa may parkeng nadungaw niya, at duo'y naupo...

duon ay napapaisip siya at napapakagat sa kanyang labi. Habang ang kanyang mga kamay ay nakatikom sa pagkainis sa kanyang sarili.

saba'y napaisip na nagwika sa kanyang sarili..

*kung bakit pa kasi nakilala ko pa siya! kung bakit pa kasi ako nagpakita ng interes sa kanya! sinasabi ko na nga ba! walang magtatangkang magsinungaling sa akin kung di ako mababa. Siguradong ginusto niya ko dahil sa trip niya lang! sino ba ako para seryosohin niya?! broken family na nga ako, di pa ako nakatapos ng college at isang taong pilit inaahon ang sarili sa hirap. Wala rin siyang pinagkaiba kay patrick. Siguradong mamaliitin din niya ko, pati yung mga taong nasa paligid niya.

Pagkaraa'y muli itong tumayo at nagpunas muli ng mga tumulong luha sa kanyang mukha.
Pagkatapos nito'y itinaas niya ang kanyang ulo at nagwika...

*ok... simula ngayon, mauuna muna talaga ang sariling pangangailangan ko sa buhay kaysa ma fall ako! dededmahin ko kung anong chismis ang lumabas bukas! fight lang ng fight!  (sabay lakad nito patungo sa bus stop)

Pagkarating niya sa may bus stop, ay siya namang nadungaw ang mga katrabaho doon. Kaya umiwas muna ito ng lakad,
sabay talikod nito...
Nagulat naman siya ng mapansing may taong nakatayo sa harapan niya.
Nang mapansin ay si Henry pala ito na nakatayong nakatingin sa kanya..

*Janna, kamusta ka? pwede ba kitang makausap? (wika ni henry na may pag-aalala sa kanyang mukha)

-TO BE CONTINUED-

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now