You heal my broken heart

2.2K 36 0
                                    

Part 10

Panay ang daldal ni Jaeyoung kanila Janna habang sila'y naglalakad, ngunit ang nakaka appreciate lang ng mga kinukwento niya ay si Shen, halos diretso pa rin ang tingin ni Janna kaya bawat bitaw ng mga kuwento niya ay napapalingon siya kay Janna, pero wala pa ring reaksyon ito, hanggang sa nakarating na sila sa bus stop na tamang tama naman ang hinto ng bus, kaya agad na nakasakay sila. Nang makatungtong na sila sa loob nito ay agad na hinila ni Janna si Shen sa dalawang magkatabing bakanteng upuan sa bandang kaliwa sa gitnang upuan ng bus, at naupo naman si Shen malapit sa bintana.
  Napansin naman ni Jaeyoung na may bakanteng upuan naman sa likod nila kaya umupo siya rito.

Maya maya'y kinausap ni Shen si Janna...

*bes, dapat ang katabi mo si Jay! saglit at makikipagpalitan nga ako! (pabulong na sabi ni Shen)

*wag kang ano Bes! umupo ka diyan ok?! ikabit mo yang headphone mo sa tenga mo! (sabay suksok ng headphone sa tenga ni Shen na hawak hawak na ng kaibigan sa kanang kamay nito)

*Ok! ok! ituloy mo lang yang pagiging bato mo! good luck sayo ha?! hmm! makapagpatugtog na nga lang sa cellphone ko!

*tama yan! wag kang mangulet diyan (sabay pahamon na ngumiti si Janna)

*pipikit lang ako, kalabitin mo ko pag nakarating na tayo ok?!

*Ok! tama yan, pumikit ka na diyan nang manahimik ka (banggit ni Janna)

pagkaraa'y pumikit na nga si Shen, at pagkaraan nama'y narinig naman ni Janna na may nagtext sa cellphone niya, kaya kinuha niya ito sa bag at tinignan kung sino ang nagtext.

Nagsalubong ang kilay niya ng makitang si Jaeyoung ang nagtext sa kanya, ngunit di niya pinatulan ang text nito, hanggang sa sunud sunod ang pag text nito sa kanya, kaya sa inis niya ay plinano niyang lumingon sa kanang likuran ngunit may biglang kumalabit sa kanyang kaliwang balikat, kaya napalingon siya sa kaliwa.

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now