You heal my broken heart

1.4K 34 4
                                    

Part 21

Pagkabanggit ni Janna ng mga katagang yon ay agad na
Pinaandar ni Jaeyoung ang kotse na may ngiti sa kanyang mukha...

Nang makarating ang dalawa sa coffee shop ay agad na bumaba ang mga ito sa kotse at agad nagtungo papasok sa coffee shop.
Pagkarating sa loob ay agad na binati sila ng babae na empleyado roon,
At agarang kinuha ang kanilang order...

*Janna, anong flavor ng coffee ang gusto mo?
(tanong ni Jaeyoung sa dalaga)

*ah-eh~ ssiguro cappuccino na lang
(Sagot naman ni Janna rito)

*ok sige, ahm.. miss isang cappuccino at isang ice americano please. Pakisamahan na rin pala ng strawberry cake, thank you.

Pagkatapos maka order ay agad silang naupo sa may bandang kanan sa dulo, pagkaraa'y agad namang dumating ang kanilang inorder.

Palinga linga pa si Janna ng tingin ng kausapin siya ni Jaeyoung...

*Janna, tungkol nga pala sa sinabi ko, komportable ka ba na pag-usapan natin yon?

*ah? Eh oo naman! Basta ba patas, dapat iikaw din. Hindi naman puros sakin lang (pagkaraa'y napatingin ito sa malayo)
aang awkward kasi nun.
(Bulong pa nito)

Nagulat si Janna ng biglang inumpisahan ni Jaeyoung ang pagsasabi ng paborito niya...

*Pinaka favorite kong dish ang lutong Pinoy, number one na dun ang sinigang na baboy, tapos nilaga. Pero ang ayaw ko lang eh yung pinapaitan. Ikaw Janna, anong paborito mong pagkain?

*ah-?! Aang paborito ko? Hmm.. sinigang na baboy din at yung pinapaitan na binanggit mo. Ayoko lang sa pagkain eh yung sobrang dami ng bawang. Hindi na ko kasi gaganahang kumain pag nakain ko na siya. (Banggit ni Janna)

*aaah~ ganun pala. (Banggit ni Jaeyoung)
Anong pinaka gusto mong puntahan na lugar? Kung baga gusto mong pasyalan o marating na di mo pa napuntahan?

Pagkaraa'y napaisip si Janna. Maya maya'y sumagot ito...

*tatlong bansa kasi ang naiisip ko noon na gusto kong mapuntahan. Sa France, sa South Korea at dito sa Japan. Pinangarap ko kasi na mapuntahan ang bawat historical places nila. Naumpisahan ko na dito sa Japan. Pagmakaipon ako ng husto at makapag patayo ng sarili kong paupahan na apartment, gusto kong mamasyal na lang sa France at sa South Korea. Yun bang ifi feel ko na lang ang magagandang tanawin, yun bang wala ka nang iisipin pang trabaho, yung mamamasyal na lang ako. (Banggit ni Janna habang nakangiting ini imagine ito)

Maya maya'y biglang nagising siya sa ulirat na medyo naramdaman niya na sumobra na pala ang pag iimagine niya rito, at feel na feel niya ang pagkukwento sa bagay na gusto niyang gawin. Kaya nang mapansin niya ito sa kanyang sarili ay madalian siyang napatingin kay Jaeyoung na napabitaw pa ang mga kamay na kanina'y magkahawak pa ang mga ito  habang binabanggit ang mga balakin niya.

Napansin niyang nakangiting nakatitig sa kanya si Jaeyoung, kaya agad siyang nagsalitang muli...

*ppasensya na, napahaba ata..
Mmm.. ikaw naman! (Banggit ng dalaga na napahagod pa sa buhok)

*ako siguro ang gusto kong mapuntahan eh..  yung mga gusto mo na ring puntahan.

*ha?! Ang daya mo naman. Sabihin mo rin kung saan yung mga lugar na gusto mong puntahan! Dapat kanya kanya. Walang gayahan.

*totoo Janna, yun din ang gusto kong mapuntahan.

*hayst, oh bakit ?!

*gusto ko kasi na ako ang kasama mo sa bawat papasyalan mong lugar. Sa ngayon, yun ang pinaka gusto ko rin, makapunta sa France at Korea na mamasyal kasama ka.

*hmm-! Haay, banat nito, ayoko na nga (banggit ni Janna na pabulong na nakatingin sa binata)

Napatawa naman si Jaeyoung sa kanya, pagkaraa'y nagsalita...

*totoo yon Janna, maniwala ka. Oh eto naman, favorite flower mo.

*ayoko na, tineteknikan mo ko eh!

*kelangan ko rin kasi malaman ang hilig mo Janna, para alam ko yung gagawin ko diba? Oh sige na, favorite flower?

*ibang klase ka talaga Jay Hmm!
Ok! Favorite flower ko lavender.

*Bbakit lavender? Ang commonly na gusto ng babae eh hindi ganyan. For example, rose. Ba't sayo lavender?

*eh sa yon talaga ang gusto kong bulaklak eh! Masyado na kasing maraming gusto non. At tyaka naaakit ako sa kulay niya. Oh ikaw naman.

*tulip. Yon ang gusto ko.
Kasi yon ang pinaka paborito ng mama ko, kaya naging paborito ko na rin ang tulip.

umabot na sila ng ilang minuto
Kakatanong sa mga bagay na gusto
At ayaw nila.
Napapasarap na sa pagkwekwentuhan ang dalawa,
Na halos napapangiti na
Sila sa isa't isa.

Di na nila halos mainom inom ng husto ang inorder na coffee at cake,
Sa dami ng kanilang pinag-uusapan.
Hanggang sa dumating sa puntong
Lumalalim na ng lumalalim
Ang bawat gustong malaman ni
Jaeyoung na nakapuna naman
Sa dalaga.

*oh eto, about family naman--

Biglang napatigil si Jaeyoung sa pagsasalita ng biglang singitan siya ni Janna..

*ahmm! Jay, mukhang lumalalim na ata ang mga tanong ah.

*ganun ba. pasenya na,

banggit ng binata na may panghihinayang dahil naudlot ang sasabihin rin niya sana tungkol sa pagiging mayaman niya.
Kaya napaisip na lang siya ng ibang sasabihin. Maya maya'y biglang may napagtanto siyang maisip na tanungin sa dalaga, kaya agad niyang binanggit ito...

*Sige, last na 'to, sana sagutin mo, ok lang ba? (Banggit muli ng binata)

*ok sige, ano yon.

*Ano nang level ko sayo Janna? Pwede mo na bang sabihin yon ngayon?

Nagulat si Janna sa tanong ni Jaeyoung..

Kaya napaisip ito ng malalim
Sa sasabihin niya kay Jaeyoung.

Kaya nang mapakaisip na ay
Agad niya tong sinagot...

*ahmm.. ook!

*talaga! Excited na ko! Ano na Janna?

*ppwede ko bang sabihin na lang sa linggo? Ssa 11?!

*two weeks?- bbakit naman, kala ko ngayon na. (Nakasimangot na tugon ni Jaeyoung)
hmm.. hindi ko alam kung bakit sa 11 pa, pero sige, makakaantay ako.

Banggit ng binata...

Habang pangiti ngiti ng onti ang naiilang namang dalaga na si Janna...

-TO BE CONTINUED-

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now