You heal my broken heart

2.9K 42 0
                                    

part 4

Kinaumagahan nagtungo si nanay Belen sa kuwarto ni Jaeyoung upang gisingin, nang mapansin niya ang pinaghubarang damit pantaas nito na may kulay pulang mantsa, kaya inangat niya ito. Nang makita'y nagulat ito na puros guhit ng lipstick ang damit nito, kaya agad agad niyang ginising si Jaeyoung...

*Jay! Jay! gising! anong ginawa mo kagabi! mapapagalitan ako niyan ng papa mo kung may kalokohan kang ginawa! jusko kang bata ka!

*nay, please let me sleep for 10minutes ok?!

*gumising ka na! at bakit punong puno ng lipstick 'tong damit mo!

*si spiderwoman ang may gawa niyan!

*anong spiderwomang pinagsasasabi mo?! nambabae ka ba kagabi?! nako Jay ah! may nangyari ba sa inyo ng babaeng yan?! mag-ingat ka naman Jay! pano na lang kung nagkamali ka, siguradong di yan palalagpasin ng ama mo!

*walang nangyari nay! napagtripan lang ako ng lasing kagabi, ginawa niya kong papel! sinulat sulatan niya ko ng lipstick!

*alam kong di palalagpasin ni mr. Lee na gawin sayo 'yan?! ba't ka naman niya hahayaang sulatan ka nung lasing na yun?!

*don't worry nay! kilala namin siya, makulit na kasi siya dahil sa kalasingan niya.

biglang nagflashback kay Jaeyoung ang nangyari nung gabi sa labas ng resto bar..

FLASHBACK....

*ang tangkad tangkad mo pala spiderman! bilis! ilabas mo na yung powers mo! lipad!!

sabay hila ni Janna kay Jaeyoung at sila'y tumakbo, na siya namang kinabahala ni Mr. Lee kaya binalak niyang awatin si Janna sa pagkakahila niya kay Jaeyoung..

*Sir--!

*stop! it's ok! (pagpigil na tugon ni Jaeyoung)

kaya napatigil na lang si mr. Lee at sinundan na lang niya ang mga ito..

*bakit ayaw mo pang lumipad!(banggit ni Janna)

*ano ka ba?! hindi lumilipad si spiderman!

*Lipad! Lipad!
(sabay itinaas nito ang hawak na kaliwang kamay ni Jaeyoung)
bakit kulay puti yang costume mo! dapat red yan! ahh!! alam ko na!

sabay dinukot niya ang lipstick sa bag niya at iginuhit guhit sa damit ni Jaeyoung...

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now