You heal my broken heart

1.7K 52 1
                                    

Part 15

Agad na iniayos ni Jaeyoung ang mga pagkain sa Hapag kainan, samantalang si Janna naman ay di mapakaling napapakagat sa kuko ng kanyang hinlalaki at tilang gusto nang tumigil ang malakas na buhos ng ulan dahil sa katitingin nito sa bintana, na agad namang nakaagaw pansin kay Jaeyoung. Agad naman niyang pinuna ito...

*kahit anong titig mo sa bintana, di kagad titila ang ulan Janna, Halika na at kumain na tayo. (sabay pabirong ngiting tugon ni Jaeyoung)

*bakit kasi sa dinami rami ng lugar dito moko dinala! pwede ka namang puma-ikot ikot na lang! ba't kasi nilayo mo pa ko sa tinutuluyan ko! sinadya mo siguro to no?!

*Oo nga no? di ko rin naisip yon pasensya na, di ko na rin nagawang isipin yon kakaisip sa kalagayan mo. Hindi ko sinadya ang pagdala sayo dito Janna, nagkataon lang na napalapit tayo dito sa lugar na 'to.
(paliwanag nito sabay ngiti)
tara! kumain na tayo Janna, itigil mo na yang kaiisip mo sa ulan, hindi naman siguro na naiisip mo na may masamang intensyon ako?
(wika pa nito)

*ha-?! ba't may sinabi ba'ko!

dahan dahang lumapit ang nakasimangot na si Janna sa hapag kainan, at maya maya'y umupo na ito na napatahimik na lang at napaisip sa sarili..

*jusko talaga! ang hirap na nakontrahin siya! kailangan ko nang magpigil sa mga babanggitin ko sa kanya dahil may utang na loob nako haayy!
(sabay bugtong hininga nito)

Nagulat ito nang mapansing sinigang na baboy ang ulam nila na ipinagtaka naman niya ng husto, kaya patakang nagtanong ito kay Jaeyoung...

*Oh?! Sinigang! Pilipinong luto ito ah?! may lahing pinoy ba ang nanay ng kaibigan mo?

*ah?! eh- wala namang dugong pinoy 'yon, naging kahiligan nila ang lasa ng pagkaing pilipino nung matikman nila yon, kaya naisipan nilang magtayo ng canteen na puros pagkaing pinoy.

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now