You heal my broken heart

1.6K 53 2
                                    

Part 18

*hello mr. Toshi! (Mabilisang tugon ni Janna)  thank you nga pala sa pagpapatuloy niyo samin, at sorry din mr. Toshi, kasi yung pinto nang kuwarto niyo nasira kagabi nang dahil sakin, pero babawi ako sa nagawa ko! Ahmm.. tutulong ako sa canteen niyo! May experience nako sa pagiging helper sa canteen, kaya maaasahan niyo ko! At tyak!--

Napapigil ito sa pagsasalita nang singitan siya sa pagsasalita ni Jaeyoung...

*Janna, walang kaso 'yon! Ayos lang yon at tropa ko rin naman si toshi kaya wala kang dapat problemahin dahil ako rin naman ang may gawa non. (Tugon nito sa kanya)

*Jay! Hindi tama yang sasabihin mo na ok lang yon?! Hindi porket kaibigan mo siya eh ayos lang na makasira ka nang gamit niya at ok na?!
(Sabay harap muli nito kay Toshi)
Mr. Toshi sana pumayag kayo.

Sabay harap naman ni Toshi kay Jaeyoung, at sinenyasan naman siya ni Jaeyoung na ituloy na ang pagpayag nito sa gustong mangyari ni Janna. Dahil sigurado siyang ipipilit pa rin ni Janna ang gusto niyang gawin, sapagkat yun ang napansin din niyang isang pag-uugali ng dalaga.

*salamat mr. Toshi!

*ppero bago tayo pumunta sa canteen namin, kumain muna kayo, nagdala ako nang almusal niyo. (Tugon ni Toshi)

*salamat Toshi (tugon naman ni Jaeyoung)

Sabay pasok na nga nito sa loob at sabay nagtungo ito sa kusina, na bagay namang pinigil ni Janna..

*ako nang bahalang mag-asikaso niyan, maupo ka na lang mr. Toshi at makipag kwentuhan sa kaibigan mo. (Pangiting wika ni Janna)

*Ayos lang, maupo na kayo at ako nang bahala kasi bisita ko naman kayo. (Tugon sa kanya ni Toshi)

Bigla namang nagsalita si Jaeyoung..

*tara na dito Janna, relax ka lang at maupo kana dito (banggit ng binata)

*pero--! (tugon ni Janna)

*sige na miss Janna, ayos lang
Ako nang bahalang maghanda nito.
(Wika ni Toshi)

*hindi--!

Paputol muling banggit ng dalaga nang biglang hawakan siya ni Jaeyoung sa kabilang balikat at hinila nang marahan palakad..

*tara na Janna, hayaan mo na't maupo na tayo ok~?
(Wika ni Jaeyoung)

Wala na ngang nagawa si Janna at tuluyan na nga siyang nahila nito, kaya pag upo nila ay napasimangot siya kay Jaeyoung na bagay namang pinatulan nang binata,

ginaya niya ang
pagpungay nang mata ng dalaga na nakatingin dito,

sabay tikom nito ng labi
na lumabas pa ang dimple sa kanang pisngi, na bagay namang kinainis ni Janna..

*aysst! Kaasar ka!
(Sabay kalumbaba nito at pailang na ibinaling ang tingin sa kaliwa)

Pagkabaling nang tingin sa kaliwa nang dalaga ay tyaka namang napangiti si Jaeyoung at napahagikgik pa itong nakatingin sa dalaga.

Samantalang si Janna naman ay
Napaisip sa ginawa ni Jaeyoung...

*nakakaasar talaga! Ayoko sa lahat yung ngumingiti tong lokong 'to! ba't kasi ang cute ng pagmumukha nitong lalaking 'to! Hindi ako makaporma ng maayos pag ngumiti na siya! Haysst!!
(Sabay napabuntong hininga pa ito at sabay pa ang pagpikit ng panandalian nang kanyang mga mata)

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now