You heal my broken heart

3.6K 53 3
                                    

Sa paglipas ng dalawang araw, nararamdaman niyang lumalamig ang pakikitungo ni Yoona sa kanya,
makikita rin ang pagkabalisa nito at madalang makipag-usap sa mga kaibigan. Nang sumapit ang uwian ay agad na sinabayan ang kasintahan palabas ng classroom at niyaya niya 'tong mamasiyal, agad naman itong sumang-ayon.

Part 3

Napagdisisyunan ni Jaeyoung na magtungo sila sa isang sikat na Coffee Shop bago mamasyal, upang makausap muna niya ang kasintahang si Yoona...

*kimchi ko, pasensya na at  kasama natin yung bodyguard ko sa lakad natin ngayon.

*ayos lang (tugon nito na seryoso ang mukha)
Oppa, may gusto akong malaman, kung sakasakali bang ipapupunta ako sa ibang bansa at may mga bagay akong dapat tuparin at sundin sa mga pinag-uutos ng ama ko, aantayin mo pa ba ang pagbabalik ko?

(sabay sagot ni Jaeyoung sa kanya)
*bakit ka naman nagtatanong ng mga bagay na 'yan, sabihin mo sa'kin ang pinoproblema mo, tutulungan naman kita!

*sagutin mo ang tanong ko sayo please (seryosong sabi ni Yoona)

*Oo naman, tyaka gagawin ko ang lahat para matulungan kitang resolbahin ang mga bagay na gagawin mo,
nang di ka na makapag-isip ng mga negatibong bagay. (pangiting sabi nito)

biglang lalong sumeryoso ang mukha ni Yoona at nagsalita..

*ganun ba,
(biglang ngumiti) gusto mo akong tulungan sa problema ko?
pwes, gusto kong sabihin mo sa akin ang plano ng papa mo laban sa ama ko.

*Ano?! anong nangyayari sayo kimchi ko? bakit mo sinasabi ang mga bagay na yan?! bakit nadamay sa usapan natin ang papa ko?! (pagulat na sabi nito)

*Alam kong alam mo na siguro ang tinutukoy ko Jaeyoung, tutal ang sabi mo naman gusto mo kong tulungang resulbahin ang mga bagay na gagawin ko diba?
kaya gusto kong malaman ang bawat plano ng ama mo nang maiwasan ng papa ko. Ayokong mawalan ng tiwala ang papa ko sa kakayahan ko, kaya sabihin mo ngayon sa akin ang mga nalalaman mo!

biglang naguluhan at napatulala ng sandali si Jaeyoung sa binanggit ni Yoona, pagkaraa'y nagsalita na rin ito...

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now