You heal my broken heart

2.4K 35 0
                                    

Part 8

Nang maipaandar uli ni Jaeyoung ang kotse ay agad niyang naisipang dumaan di kalayuan sa may parke at duon inihinto ang kotse maya maya'y kinausap niya si Janna...

*galit ka pa ba sakin? pasensya na kung natanong kita ng ganito, hindi ko sigurado kung komportable ka na ba talaga sa akin. (banggit nito)

agad naman siyang sinagot ni Janna..
*tama ka, naiilang ako sayo.
Ang gusto ko lang naman eh makalimutan yung nangyari, hindi ko rin gustong magkasalubong uli ang landas natin! ang totoo ayokong gawin mo tong mga bagay na to?! hindi ko rin gustong maalala na may bagong disgrasya na namang nangyari sakin dito, pumunta ako dito hindi lang para makapagtrabaho, gusto ko ring makalimot sa masamang nakaraan ko! (sabay napatigil ito at napahinga ng malalim si Janna, maya maya'y nagsalita muli ito.)
pasensya na, please wag ka ng magpapakita, wag mo nang alalahanin yon, pinahihirapan mo lang ang kalooban mo.

sandaling napatitig sa kanya si Jaeyoung, maya maya'y nagsalita ito..
*mukhang hindi ko kayang gawin yang gusto mo Janna. sa narinig ko ngayon mukhang hindi ko kayang layuan ka pasensya na, malabong mangyari ang gusto mo.

*nakikiusap ako Mr. Jay, wag ka ng magpapakita sakin. Ayokong ihatid mo ko, sasakay na lang ako pauwi, thank you na rin pala, sige bye. (bubuksan na sana ni Janna ang pinto ng kotse ng biglang nagsalita si Jaeyoung)

*ayokong maging masamang alaala mo rin ako, tulad ng mga taong nanakit sa'yo sa Baguio.

Nagulat si Janna sa kanya, kaya muli nyang naibaling ang sarili rito at nagulat sa pagkakabanggit nito...

*sino ka ba talaga! bakit alam mo na nanggaling ako sa Baguio?! kilala ba kita?!

*hindi mo pa ko nakikilala ng personal, pero sunud sunod na ang pagkikita natin noon.

*Liwanagin mo nga! pano tayo nagkikita noon?! ni hindi nga talaga kita namumukhaan na nagkita talaga tayo eh! (biglang napaisip si Janna at biglang itinakip niya ang mga kamay nito sa
bibig niya at nanlaki ang mga matang tumingin sa kanya)

nagtaka naman si Jaeyoung at biglang nagsalubong ang kilay niya na inaaantay ang sasabihin ni Janna..

*may naalala ka ba Janna? wag mong sabihing naalala mo na yong--! (biglang napatigil si Jaeyoung ng biglang nagsalita si Janna)

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now