You heal my broken heart

1.1K 26 9
                                    

part 30

Nang makapasok na sila sa loob ay agad na kinawayan sila ng pinsan ni Nica kasama ang ka live-in partner nito na Hapon.

*Nandun sila! hello! (kaway din ni Nica rito)

agad na lumapit din ang mga ito sa kinaroroonan ng dalawa.

agad na ipinakilala din ni Nica sina Janna at merly na kaibigan nito.

Agad din namang nagkasundo ang mga ito. Pagkaraa'y nagsimula na nga ang mga ito sa pag iinom habang nakadungaw sa kumakanta sa may stage at sa mga sumasayaw malapit roon.

nagugulat ang mga kasama ni Janna dahil sa pag-inom nito ng alak ng sunud sunod. Kaya agad na nag-alala ang mga kasama niya sa kanya.

*Janna! hindi ka naman ganyan kung uminom?! may problema ba?

*ay pasensya na, gusto ko lang sulitin ang araw na 'to heheh' ngayon lang ako nakarating sa ganitong lugar eh. (sabay tagay muli nito)
Let's enjoy! sabayan niyo ko! cheers!

*oh! Ok!! cheers! (banggit naman ng Hapon na kasama nila)

Napasabay sa pag-inom ang mga kasama ni Janna sa kanya. Kaya maya maya'y naisipan naman nilang lumapit sa gitna at makisayaw sa karamihan.
Napakagaling sumayaw ang mga kasama ni Janna, samantalang siya naman ay parang baliw kung gumalaw. Kaya ng mapansin ng mga kasama niya ang pagsasayaw niya ay tinawanan siya, pagkaraa'y napansin niya ang pagtawa ng mga ito sa kanya, kaya pasigaw na nagsalita ito sa kanila.

*BA'T NIYO KO TINATAWANAN!

*PARA KA KASING PRANING SUMAYAW! AHAHAHA!! (wika ni Nica)

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now