You heal my broken heart

1.2K 29 3
                                    

Part 25

agad na naglakad si Janna na iniwasan si Henry,
ngunit muling nagsalita si Henry upang pigilan si Janna sa pag-iwas sa kanya.

*Janna, yung eksenang nakita mo Kanina, kasama yon sa police operation. Sana maintindihan mo.

Pagkabanggit ni henry ay muli'y hinarap siya ni Janna...

*ganun ba, pasensya na Henry, sa tingin ko itigil na niya ang panunuyo sa akin. Naiintindihan ko yung sitwasyon na sinabi mo sa akin, tanggap ko kung ano ang propesyon niya. Pero sa itingin ko, Hindi ako ang tao na dapat niyang magustuhan.

*matagal ko na siyang kasama Janna, at ramdam ko na sobra kang espesyal para sa kanya. Ayaw ka niyang mawala Janna.

*Henry, may problema sa pagiging mayaman niya. Alam mo sa mga drama, pag mahirap ka, tingin sayo ng mga nakaaangat sa buhay, malayong malayo ka sa kanila. Pag nakipag relasiyon ka sa mayaman, alam nila napasagot ka lang kasi mapera siya, mukha kang pera at hindi ka bagay maging parte ng buhay nila. Alam mo ba, totoo na nangyayari yon Henry, at ang magpapatunay non ay ako. nasampal ako ng nanay ng ex ko. Ang kapal daw ng mukha ko. ang gusto daw nila sa anak nila, yung edukadang babae, ano daw ba ang maipagmamalaki ko? hindi ko daw sila kalebel. Ginawa ko ang lahat para makalimot at makaiwas muli sa ganung sitwasyon. Alam kong may problema sa pamilya niya Henry, wala man siyang nabanggit sa akin tungkol sa pagiging anak niya ng isang pinaka mayamang businessman.

*Nagawa niya yon Janna dahil alam niya na lalayo ka sa kanya, Ayaw niyang mangyari yon. May plano siyang sabihin naman sayo, kaso nasa punto pa lang siya na kinukuha pa lang niya ang loob mo, ayaw ka niyang biglain dahil natatakot siyang lumayo ka sa kanya Janna. Sobra ang nararamdaman niya sayo Janna. Sa tingin ko hindi lang sa gusto ka niya, mahal ka na niya Janna.

*Pasensya na Henry, Pakisabi na lang sa kanya lubayan niya na ako. Hindi ako ang para sa kanya.

*Pero Janna!

*Alam niya na pala ang kalalabasan ng mangyayari Henry, ba't gagawin niya pa ang isang bagay na ikakasakit ng ibang tao! hindi talaga ako ang nararapat sa kanya. Ayokong maulit uli sa akin yung nangyari noon.
Sige aalis nako,

*Janna..

*wag mo na kong sundan Henry ok? hindi sa ayoko sa'yo, kundi para mapag isa akong umuwi, siguradong nalaman na rin ng mga kasama ko sa bahay ang nangyari kanina. Ayokong madagdagan pa yung kuwento. ok, Bye Mr. Henry.

Gustong magsalita muli ni Henry, ngunit di niya na rin nagawa dahil sa mga binitawang salita ng dalaga. Kaya nanlulumong nakatingin na lang ito sa nakatalikod na naglalakad na si Janna.

Pagkaraa'y tumungo na si Henry sa kanyang kotse at nagtungo sa police Headquarters upang puntahan doon si Jaeyoung.

Nang marating ang lokasyon ay siya namang tamang nadungaw si Jaeyoung na nakapamewang pang problemado ang mukhang nakatayo sa labas ng Headquarters.

Nang mapansin naman ni Jaeyoung ang kotseng kinaroroonan ni henry ay agad na nagtungo ito roon at umupo sa harap ng kotse.
Agad niya ring kinausap si Henry...

*Nagkita ba kayo ni Janna? Anong sabi niya?

*sir, sasabihin ko sayo pagkatapos mong makipag usap sa ama niyo.

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now