You heal my broken heart

1.9K 34 1
                                    

Part 14

Nang masilayan ni Janna ang taong nagtangkang tulungan siya, ay biglang napatayo ito nang marahan ng maaninag niya at masilayang si Jaeyoung pala ito na nanggagalaiti sa galit, na mukhang gigil na gigil ang mukha nito nang sinipa niya ng malakas ang lalaking nagbitaw ng hamon dito.

Sa pagsipa ni Jaeyoung ay napaalerto naman ang mga kasama nito, kaya sinugod din ng apat na kalalakihan ang nanggagalaiting si Jaeyoung.

Inambaan siya ng Suntok, sipa ng mga ito, ngunit agad niya itong nasasalag. Nang siya naman ang babawi ay di makaiwas ang lima sa kanya dahil sa galing ni Jaeyoung sa paggamit ng
martial arts.
Hanggang sa nakakuha ng matigas na bagay ang isa sa kanila na nakaambang papalo sa likuran nito. Ngunit biglang dumating 
si Henry at pinatumba niya ito.
Sa gigil ni Jaeyoung ay sinuntok ng sinuntok niya ang lalaking pinagsalitaan siya kanina, hanggang sa inawat na siya ni Henry at hinila dahil bugbog sarado na ng husto ang lalaking pinagsasasapak ni Jaeyoung.

Galit na nagsalita ang lalaking nabugbog...

*Hindi ko to palalagpasing walangya ka! may mga kakilala akong mataas na ranggong pulis! mananagot ka sa ginawa mo sakin!!

*sige lang hayop ka!! tingnan natin kung sino sating makukulong!!
(sabay labas nito ng tsapa)
nakita mo to ha?!! pulis ako!! kaya simulan mo nang pumunta at magsumbong sa Police station ng mapakulong kitang hayop ka!!
(banggit ng galit na galit
na si Jaeyoung)

Sabay hinawakan ng isang lalaki ang kasama niyang bugbog sarado tyaka hinilang tumakbo.

You heal my broken heartМесто, где живут истории. Откройте их для себя