You heal my broken heart

2.1K 38 0
                                    

Part 11

Magkasabay silang naglalakad palayo sa tinutuluyang bahay. Nang biglang napansin ni Jaeyoung si Janna na nakatingin sa malayo at napakalungkot ng mukha nito, kaya sinimulan niyang kausapin ito..

*kamusta na pala si  Shen, Janna? mukhang may masamang balita kayong narinig.

biglang nagsalita si Janna na malayo pa rin ang tingin..
*Malala na daw ang lagay ng mama niya. (sabay bugtong hininga nito) bago kami pumunta dito sa Japan, sabi ng mga doktor na medyo gumaganda na daw ang resulta ng pag kikimo ng mama niya, kaya pumunta siya dito para matugunan ng husto ang pangangailangan ng mama niya sa ospital, umo OK na siya nung nakaraan eh, kaya nakakagulat talaga na lumala ang kalagayan niya.

*Uuwi ba siya sa pilipinas?

*Oo, bukas ang luwas niya don. (sabay hinga niya ng malalim)

Magsasalita sanang muli si Jaeyoung nang may napansin siyang papalapit na nagmo motorbike na nakaambang dadagil ito kay Janna, bigla niyang napahila ng malakas ito, kaya napayakap at napasandal ito sa bisig niya na siya namang ikinagulat ng husto ni Janna.

tumagal ang pagkakayakap na 'yon, kaya mabilisang dumistansya kaagad papalayo si Janna.

sabay hinawakan naman ni Jaeyoung ang mga braso niya at tiningnan ang kaliwat kanang katawan nito..

*ok ka lang Janna! wala ka bang gasgas?! (pag-aalala ni Jaeyoung na nanlalaki pa ang mga matang reaksyon nito)

*ah--eh- ok lang! ok lang ako. (sabay inilayo nito ng dahan dahan ang kamay ni Jaeyoung na nakahawak sa kanya)

*pasensya na, masyado kasi akong nag-alala sayo, buti na lang at di ka nagalusan. (pangiting sabi nito kay Janna)

*ssalamat (banggit ni Janna na ilang kung makatitig kay Jaeyoung)


nang makasakay sa bus ay napansin ni Janna na tatlo na lang ang bakanteng upuan sa loob nito, dalawa sa kaliwa at isa sa kanan. Mas pinili niya ang upuan sa bandang kanan, kaya naupo si Jaeyoung sa bandang kaliwa na napatingin sa kanya.

You heal my broken heartKde žijí příběhy. Začni objevovat